Chapter 13

295 11 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #4
B L A C K  R O S E
(Yashashree & Marcellus)



Thirteen



"Saan pa ang ibang sugat mo?"



Napaangat ako ng tingin kay Marcellus dahil hindi nya ako sinagot. Napahidan ko na ng betadine at ointment ang mga sugat at pasa nya sa mukha, ngayon naman ay kakatapos ko lang ayusin ang bandage nya sa mga kamay.



"Marcellus, saan ka pa may sugat at nang malagyan ko ng gamot."



He sighed and just looked at me lazily.
Napasinghap ako dahil sa nakitang reaksyon nya.



He's sitting on the clinic bed while I'm standing in front of him, arranging the first aid kit.



Wala syang nagawa kanina nung hawakan ko ang kamay nya at hilain ko sya papuntang clinic. Alam nya rin na kapag teacher pa ang nagpapunta sakanya sa dito, baka i-full body checkup pa sya at makita ang tattoo nya.



"Kung wala na, bumalik na tayo sa classro--"



"You're avoiding me."



I paused because of what he suddenly said.



Muli akong napaangat ng tingin sakanya. "I'm not," tipid kong sagot tapos bumalik na sa pagaayos ng kit.



"Yes, you are. Hindi mo na ako kinakausap at kahit tignan ako sa mga mata ay hindi mo magawa."



"Hindi kita iniiwasan, Marcellus. At saka wala na din naman tayong paguusapan dahil tapos na ang one month na pagbibigay mo sa akin ng lunch box."



"Marcellus." He sarcastically said his own name. "Is this because I kissed you or you just don't want to be friends with me anymore?"



Napabuntonghininga ako bago tinigil ang ginagawa at tumingin sakanya ng diretso.



"Hindi iyon dahil doon, at kung ayaw na kitang maging kaibigan edi sana hindi na ako nagaksaya ng oras para dalhin ka dito sa clinic at gamutin ang mga sugat mo na hindi ko alam kung saan galing at kung anong nangyari!" I spat.



Pareho kaming nabigla sa pagkakalakas ng boses ko.



I don't know if Marcellus just got suprise with my sudden outburst or what, but he's just staring me with lips slightly parted.



"Nakita kita nung Sabado, may kasama kang mga lalaki. Sila ba ang ang may gawa sayo nito?" I asked referring to his bruises. Hindi ko na napigilan ang aking curiosity.



Marcellus shook his head. "I went out that day, and they just fetch me because my father found out about me going to school..."



Nanlaki ang mga mata ko at naghuhurumentado na ang puso dahil sa narinig. I can't believe this.



"Magnus, this is not right! Karapatan mong mag-aral, bakit pinagbabawalan ka nya? Tapos sinaktan ka pa. It's injustice!"



I don't know what's funny with I've said, but Marcellus suddenly chuckled.



"Relax, Attorney Blanco." Aniya at bahagyang hinawakan ang palapulsuhan ko, nangingiti parin.



I glared at him. "I'm serious, Cortez."



Kahit nakakainis na tinatawanan nya ako, ang tension sa usapan namin kanina ay medyo kumalma na dahil sa pagbabago ng mood nya.



"My father wants me to inherit his profession as the Mafia boss, but I don't want it..." Pagsisimula ni Marcellus.



Mafia Series 4: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon