Chapter 14

309 13 1
                                    

M A F I A  S E R I E S #4
B L A C K  R O S E
(Yashashree & Marcellus)



Fourteen



"He kissed you not once, but twice, Yashashree! Does it mean he likes you, too? Anong 'too'? Bakit gusto mo din ba sya?!"



"Why are you talking to yourself, ate Yasha?"



I snapped back when my sister Yvonne talked to me.



Ni hindi ko namalayan na kinakausap ko na pala ang sarili ko habang pinapanuod ang mga kapatid kong busy sa paglalaro.



It's Sunday today, nasa playroom nila kaming tatlo kasama si Youssef. May pinuntahan sila mommy at daddy kaya ako ang nagbabantay sa mga kapatid ko. Nasa kitchen lang naman sina yaya Carmen at ang iba naming kasambahay, I can ask for them anytime if I need help with my siblings.



"Are you done playing, Yve?" Hinawakan ko sa braso ang kapatid ko at hinarap sya.



Yvonne nodded. "I want to read now."



"Sure. What do you want to read?" Tanong ko sakanya sabay baling sa bookshelf nila na puno ng children's books.



"But you still didn't answer my question, ate."



"Hmm?" I got slightly stunned because of what she said.



Yvonne is still eight years old, pero minsan kapag nagtatanong sya ay akala mo teenager na. She's very intelligent and independent, too. Minsan nga iniisip ko na parang sya pa ang mas matanda sa aming dalawa eh. Pero kahit ganoon na sya mag-isip, she's still very respectful and a very sweet girl.



"Uh. Hindi ko alam kung maiintindihan mo na ito ngayon, but sometimes you'll ask yourself some questions you don't understand because you're the only one who know yourself more. Ikaw lang din ang makakagot sa mga tanong mo na hindi mo matanong sa iba."



Nakatitig lang sa akin si Yvonne, hindi ko tuloy alam kung naintindihan nya ba ang explanation ko or hindi.



Habang nakatitig parin sa akin si Yvonne, napasulyap naman ako kay Youssef. He's playing with his dinosaur toys but his eyes are already sleepy.



"Pick a book you want, Yve and we'll read it together." Untas ko sa kapatid tapos tumayo para kunin ang isa pang kapatid.



Tumango naman si Yvonne at lumapit na sa bookshelf para maghanap ng libro na gusto nya. Then kinarga ko na si Youssef at hinintay si Yvonne bago kami pumunta sa kwarto ng parents namin.



Me and my siblings love too sleep there for siesta when our parents are out. Super King size ang bed nila mom and dad kaya kasyang kasya kaming tatlo kahit anong higa namin.



"Omg! Look."



Napa-angat ang tingin namin ni Ruby sa nagsalitang si Blair. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng aming lunch.



"What is it, Blair?" Ruby asked.



Ginamit ni Blair ang nguso nya bilang pangturo. Sinundan naman namin iyon ni Ruby at nakita si Marcellus na may dalang tray ng pagkain.



Naupo sya sa pinakadulong bahagi ng canteen, malayo na sa table namin ng mga kaibigan ko pero tanaw parin namin sya.



Hindi lang kaming tatlo ng mga kaibigan ko ang napatingin sakanya, halos lahat ng nasa canteen ay napatigil sa mga ginawa ng makita sya.



Mafia Series 4: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon