BETRAYALS

2.2K 28 11
                                    

"Isla, ano ba kasing nakain mo? Bakit ba gusto mong matulog dito sa terrace?" tanong ko sakaniya.


She's not in her usual self. Isla is really an extraordinary girl, unlike the other girls hindi siya maarte at sobrang kalog pa niya. We're kinda different when it comes to personality.


"Bea! Sabihin mo naman ng maayos ang pangalan ko. AY-LA! Hindi tagalog na tagalog na ISLA! Okay?" reklamo niya.


Gustong gusto ko siyang inaasar about sa name niya. Iritang irita siya sa tuwing nagkakamali ang mga tao sa pagpronounce ng name niya, that's why I always tease her with her name.


"Hindi mo pa rin naman nasasagot ang tanong ko! Aba, nagdala ka pa ng tent ha." I said and I laughed.


To be honest, madaming nagbago sakaniya, di ko nga alam kung dahil ba iyon sa pagkamatay ng papa niya. Nung namatay si Tito, doon lang nila nalaman ng nanay niya na marami palang utang ang tatay niya at dahil pumanaw na si Tito Richard, naiwan kila Isla at Tita Jane ang mga utang. Gustong gusto kong tulungan ang bestfriend ko pero kahit ako'y di ko maabot ang sampung milyon na utang nila, kung pwede nga lang kumuha sa kumpanya namin ay kukuha talaga ako.


Maraming nagbago, ang best friend ko na napaka active ay nakatunganga nalang ngayon. Tulala at nakakatitig sa malayo, may parang gumugulo sa isip niya na gusto niyang sabihin sakin. Ganito rin ang nangyayari kay David, kung noon grabe magtext, bawat segundo text siya ng text pero ngayon ni isang text, wala.


"Malay mo kasi, eto na yung last nating pag-uusap." sabi niya at natawa ng bahagya.


I laughed. Anong kadramahan naman ba ito? Inabot ko sakaniya ang baso ng gatas na tinimpla ko kanina, bata palang kami ay sabay na namin gawin ang mga bagay na ito. Sabay naman kami palagi sa lahat ng bagay and I can't wait for the day na maaachieve ko na lahat ng pangarap ko kasama ang best friend ko.


"Bakit naman magiging last ito? Loka ka talaga! Eh sa lagi naman tayong magkasama simula nung mga bata palang tayo, ngayon pa ba tayo magkakahiwalay?" sabi ko sakaniya at uminom ng gatas.


"Hindi naman kasi sa lahat ng oras, kasama mo ako. Di natin masasabi 'yan Bea. Baka nga dumating ang araw na may mangyari na pwedeng maging hadlang satin at maiintindihan ko naman kung magagalit ka." aniya na para bang seryoso sa mga sinasabi niya. Ni hindi man lang nya magawang galawin ang gatas na ibinigay ko


"Isla, ang creepy mo. Pacheck up na kaya kita bukas?" sabi ko para maiwasan ang awkward atmosphere na bumalot saaming dalawa.


"Sira! Wala akong sakit o saltik." sabi niya. "Pero kung sakaling malungkot ka at wala ako sa tabi mo, tumingin ka lang sa stars at moon. Ok?"


We love Galaxy. Nung mga bata pa kami, pangarap namin maging astronauts. I know it sounds weird pero mga bata kami nun. Stars and moon is the symbol of our friendship.

I laughed again. I know it sounds fake but I don't care. 


"Hahahahaha! Ano bang kalokohan 'yan? Grabe! Ang laki ng pinagbago niyo ni David." sabi ko.

Betrayals: {Short Story} EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon