BETRAYALS

1.5K 28 8
                                    

"Best, kahit 8 years ka ng wala dito sa tabi ko, hindi pa rin kita nakakalimutan." sabi ko.

Nandito ako ngayon sa cemetery. Kinakausap ko si Isla. Matagal ko na kasing di nabisita ang best friend ko dahil sa ibang bansa muna kami nanirahan.

"Isla, kinasal na kami ni David sa Korea. Alam mo, napatawad ko na din si Tita Angela. Alam kong siya ang dahilan ng lahat ng nangyari satin pero ano pa bang magagawa natin eh nangyari na. Mabuti na rin yung nalaman niya na yung pagkakamali niya." sabi ko.

"Bes, Andaya mo! Sabi mo nung mga bata pa tayo, magiging ninang ka ng baby ko tapos ninang ako ng baby mo. But anyway, may baby na kami ni David."

"Bela!! Come here!!" sigaw ko sa anak ko at agad naman siyang lumapit sakin kasama si David.

"Isla, pinangalanan ko siyang Bela kasi pinagsama ko ang pangalan natin. Bela, say hi to your Tita Isla."

"Hi Tita Isla, alam niyo po lagi po kayong kinekwento ni Mommy sakin. She told me that you're so kind and so lovely. I wanted to have a friend like you. Also, thank you for being a best friend to Mommy. Sana po talaga nakita ko kayo ng personal." sabi ni Bela.

"Uy Isla! Pagsabihan mo din yang best friend mo, napaka selosa!" sabi ni David.

"Walang hiya ka! Gusto mo sapakin kita?" sabi ko sakaniya.

"Kiss muna." sabi niya sabay nguso awtsu! Kamukha niya si Baekhyun.

"Ewan ko sayo!" sigaw ko.

"Mommy, I'm hungry." sabi ni Bela.

"Sige na, dalhin mo na ang bata sa kotse." sabi ko kay David at umalis na sila.

"Bes, miss na miss na kita. Sana nandito ka pa din. I love you." sabi ko.

Tumayo na ako at naglakad na papalayo pero lumingon na ulit ako sa puntod ni Isla.

"I miss you." sabi ko at sumakay na ako sa kotse.

------- end ----------

Lesson: Wag masyadong pairalin ang Pride, kung sakaling may nagawang mali ang tao sa paligid mo, alamin mo muna ang dahilan. Wag mong pairalin ang ego mo!! At eto pa, Say sorry! Saying sorry doesn't mean you're wrong and the other is right. It means that you value your relationship/frienship than your ego.

Dedicated to all Sones and EXOLs

KriMiNaLaLy
NaLyHa

Betrayals: {Short Story} EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon