BETRAYALS

1.3K 28 0
                                    

It's been 3 years, wow. TIngin ko naman sa loob ng tatlong years kong pamamalagi sa ibang bansa ay kaya ko na. I can't believe I wasted my tears for them. Sinusubukan kong tanggalin sa isipan ko ang mga panahon na magkakasama kami, hindi ako makapaniwala na nagsayang ako ng oras na kasama ko sila. Sa loob ng mga panahong kasama ko sila ay may plano na pala silang ibaba ako.


Best friend? Friendship? Ano yun? Nakakain ba yun? Matamis o mapakla?


Call me bitter, I don't care. I was hurt. Nakamove on na ko sa lahat lahat pero di pa din naman mawawala yung pangyayaring nasaktan ako. Siguro'y kapag nagkita muli kami ni David, wala na doon yung pakiramdam na nararamdaman ko noon sa tuwing magkikita kami.


Ramdam ko ang galit at poot. Wala na iyong feelings, but the pain that they caused me? Hindi ko pwedeng palagpasin iyon. 


Pumasok na ako sa school. Time really flies so fast, parang kahapon lang eh high school student pa ko. We used to attend school together, but now? Mag-isa akong papasok sa eskwelahan na ito.


Sa paglalakad ko sa hallway, ang ilang mga estudyante'y nakatingin sakin. Di ko alam kung nakikilala ba nila ako o sadyang nagandahan lang sila.


Kabisado ko na din ang eskwelahan na ito, dahil na rin sa lagi kaming naandito ni Isla noong mga bata kami. Ninang ko ang may-ari nito kaya malaya kaming pumunta dito. 


Dumiretso ako sa canteen kung saan nandoon ang ilang estudyante ngayon para kumain. I don't care kung nandun sila o wala, pero what if kung naandon nga? Anong gagawin ko?


I smirked.


Pagpasok ko ng canteen ay inokupa ko agad ang bakanteng table. They all looked at me. Ito talaga ang ayaw ko sa lahat, para bang ngayon lang sila nakakita ng tao. Napakaignorante. Pero kahit ganun ay ngumiti ako, at sinubukang di maging awkward ang atmosphere.


Anong oras na ba at wala pa si Ate Miki dito?


Tumingin ako sa aking relo at pati na rin sa paligid. Maraming nabago, simula sa pintura at sa ilang disenyo. Pero habang pinapansin ko ang mga pagbabago sa paligid, ay may napansin akong dalawang nilalang na kumakain sa may kabilang dulo ng canteen na ito. Di ko maidentify kung anong klase silang nilalang dahil di ko naman pwedeng iconsider sila as human.


"Bea, wag mong titigan. Mamaya manugod ka pa dyan eh." 


Nandito na pala si Ate Miki. Ngumiti ako.


I am a classy girl pero kapag may gusto akong gawin, gagawin ko. I am not attention seeker but I want everyone to know kung sino ba talaga si Isla Rodriguez na 'yan. 


"Talagang manunugod ako." sabi ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko.


Hinawakan ni Ate Miki ang braso ko pero nagpumiglas ako. Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari, but I don't care. I want to see their shocked face! Anong magiging reaction nila kung makita nila ang babaeng tinraydor nila noon?

Betrayals: {Short Story} EDITINGWhere stories live. Discover now