BETRAYALS

1.5K 23 0
                                    

"Bakit niyo po ako pinatawag, Ninang?" tanong ko at sinubukang hindi ipahalata ng boses kong namamaaos.


"Bea, alam ko naman na galit ka pero tingin mo ba kapag gumanti ka, mababalik mo lahat ng nangyari sainyo?" tanong ni Ninang.


Alam ko na ito ang magiging tanong niya sakin. Di naman sila ang nakakaramdam ng sakit kaya di nila alam, kung alam lang nila baka nga mas matindi pa ang gawin nila.


"No." sabi ko.


"Alam mo, bata pa kayo. Bakit hindi mo nalang siya kausapin, malay mo may mga bagay ka pang dapat malaman." sabi ni Ninang.


Biglang kumulo ang dugo ko. I don't want to disrespect Ninang pero di na kaya. Hinampas ko ang bag ko sa lamesa niya. 


"Like what?" pasigaw kong sabi, nanginginig ang luha sa gilid ng mga mata ko.


"Nak, tandaan mo. Malay mo may rason siya kung bakit yun nangyayari. Hija, palawakin mo ang isip mo. Magsorry ka." mahinahong sabi ni Ninang. 


Umupo ako sa upuan at umiling. 


"Nang! Bakit ako pa yung magsosorry? Ako pa yung may kasalanan ngayon?" I said in a calm way.


Ako ang nasaktan pero bakit ako ang magsosorry? Ako pa tuloy ang lumabas na masama? Eh ako itong niloko at tinraydor. Hindi, kahit anong mangyari.


"Saying sorry doesn't mean you're wrong and Isla is right. It means, you value your friendship than your ego." sabi ni Ninang.


Frienship? Nung mga panahon na sinusulot niya ang boyfriend ko, naisip niya ba yun? Naisip niya ba kung anong mafifeel ko? Kung masasaktan ba ako? Inintindi niya ba yung nararamdaman ko? Hindi!


"Bea, isipin mo lahat ng sinabi ko ha?" sabi ni Ninang.


Di ako sumagot bagkus ay natulala ako sa kakaisip.


Dinala ako ng mga paa ko dito sa rooftop. What if they are really reasons behind? Pero bakit? Bakit ba nila ko hinayaang masaktan ng ganito? They hurt me! Big time! Halos mabaliw ako sa ibang bansa, halos di ako makatulog sa sobrang kakaisip. Muntik na ko ipadala sa mental ng pamilya ko.


Naalala ko yung sinabi ni Isla nung nasa terrace kami.


Na hindi sa lahat ng oras ay magkasama kami, baka may dumating na pagkakataon na magalit ako sakaniya at maiintindihan niya iyon.


Di kaya'y related ito sa nangyayari ngayon?


Biglang nag ring ang cellphone ko.


Me: Hello?

Bea? This is Tita Jane. Pwede ba tayong mag-usap ng personal. May importante lang akong sasabihin.

Betrayals: {Short Story} EDITINGWhere stories live. Discover now