19. PARADISE

380 14 4
                                    

ROSIE POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Jisoo patungo sa garden nila. Manghang-maha parin talaga ako sa bawat madaanan namin. Kung gaano kalawak ang sa harapan ng bahay nila mas doble naman ang lawak dito sa likod ng bahay nila.


"Hmm... Jisoo nasan yung dad mo bakit hindi ko siya nakita kanina?" Tanong ko kay Jisoo habang naglalakad kami patungo sa paradise na tinutukoy niya.


"May business trip siya sa ibang bansa." Malamig nito na sagot. Napansin ko naman na biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Ang ganda naman dito ang lawak pwedeng-pwede maging pasyalan ng mga tourists." Pag-iiba ko naman ng usapan.


"Ilang years din namin to pinaganda ni mom."



"What did you mean namin? Kayo dalawa ng mom mo yung nagpaganda sa lugar na'to??" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. Kasi naman hindi mo talaga makikita kay Jisoo na nag-aalaga siya ng mga bulaklak o mga halaman. Natawa naman siya sa reaction ko.



"Oo kami ng mom ko. Nong high school everyday after ng school ko umuuwi agad ako para diligan yung mga halaman tsaka tumutulong din ako magtanim. Hindi na kumuha si mom ng katulong sa pagtatanim at pagdidilig kasi nag eenjoy naman kami ni mom and nakakapag bonding din kami. Nag-uusap ng kung ano-ano habang nagtatanim. Tsaka may flowershop kasi si mom kaya huwag kana magtaka kung bat puro bulaklak at halaman ang nakikita mo dito." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Ngayon lang siya nagsalita ng ganyan kahaba. Minsan kasi isang tanong isang sagot o kaya pag good mood siya.



"We're here.. welcome to my paradise."Masayang bati ni Jisoo. Nanlaki naman yung mata ko ng makita ko yung lugar.

"Wowww ang ganda naman ditoo" Wala sa sarili kong bulong habang nakatulala sa mga magagandang bulaklak sa harapan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wowww ang ganda naman ditoo" Wala sa sarili kong bulong habang nakatulala sa mga magagandang bulaklak sa harapan ko. Mula dito tanaw ko din ang maliit na kubo.



"Doon sa kubong yon ako palaging tumatambay kapag gusto ko magrelax." Nakangiting sabi ni Jisoo habang nakatingin sa akin.




"Thank you for bringing me her Jisoo." Sa subrang saya ko ay nayakap ko siya.



"You're welcome. Anything for you." Mahinag bulong niya sa huli at niyakap ako pabalik.



"Meron din don sa kabila, sunflower diba favorite mo yung sunflower." Tumango-tango naman ako habang may malawak parin na ngiti sa aking labi.



"Woww ang ganda." Natawa naman siya sa reaction ko dahil para akong bata na binilhan ng bagong laruan sa subrang saya.



"Tayo ka jan kunan kita ng pic." Saad niya sa akin sabay kuha ng cp niya.

" Saad niya sa akin sabay kuha ng cp niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now