20. PREPARATION

319 17 6
                                    

ROSÉ'S P.0.V.

"Yung mga banner and balloons anjan na ba?. Nakasettle na ba yung mga tables?. And yung mga curtains na pinadeliver dumating na ba?" Sunod-sunod kong tanong sa mga kasama ko.

Busy at excited ang lahat ngayon dahil sa gaganaping event bukas dito sa school. Check dito check doon kung maayos na ba ang lahat. Gusto ko maging memorable ang event bukas lalo na sa mga 1st year students at mga transferee and syempre sa mga maggagraduate this year. Lunchbreak na pero ako hindi paawat sa pag-aayos kahit na kanina pa ako tinatawag ng mga kaibigan ko.

"Kumain ka muna mamaya na yan pawis na pawis kana." Bakas sa boses ni Jisoo ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

"Mamaya na tapusin ko lang to." Sabi ko sa kaniya habang binubuhat yung mga box isa-isa.

"Kanina pa namin yan niyayaya kumain pero ayaw talaga paawat, career na career ang pagiging president." Nang-aasar naman na saad ni Lisa habang ngumunguya.

"Ang baboy mo... Ubusin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita." Inis na saad ni Jennie kay Lisa.

"Ha? Ano yon mahal baby mo ako? Wag kang mag-alala ikaw lang din ang nag-iisang baby ko." Humagikhik pa ito dahilan para mainis lalo si Jennie sa kaniya. Napailing na lang ako sa kanila ar tinuloy ang ginagawa ko pero kinuha lang din sa akin ni Jisoo.

"Ako ng bahala jan maupo kana dito" Kinuha niya sa akin ang box at nilapag sa sahig. Pag kalapag niya ay pinaharap niya ako sa kaniya at dahan-dahang pinunasan ang nagbubutil kong pawis sa mukha. Nag init naman ang mukha ko sa ginawa niya, malamang pulang-pula na yung mukha ko ngayon.

"Ehemm may ehemm tao dito." Natigil yung pagpupunas ni Jisoo sa akin ng marinig niya si Lisa. Agad naman nag iwas ng tingin si Jisoo at iniabot sa akin yung handcarechief niya.

"Upo kana ako na magtatapos nito." Saad niya sa akin at nagsimula nang magbuhat ng mga box na gagamitin bukas.

"Kung ako sayo Rosie mag iinarte muna ako minsan lang yan mag-alala ng ganiyan." Tinignan naman ni Jisoo si Suelgi ng masama dahil sa sinabi niya sa akin.

"Sabi ko nga tatahimik na ako." Inirapan naman siya ni Jisoo at nagpatuloy na sa pagbubuhat.

"But honestly Rosie lumalabas lang talaga ang pagiging caring niyan sa mommy niya." Mahinag bulong sa akin ni Suelgi pagkaupo ko sa misa.

"Yeah Suelgi is right hindi siya ganiyan sa mga naging girlfriend niya noon." Pagsang-ayon naman ni Lisa. Tumango-tango naman si Chaeyoung sa sinabi ni Lisa.

Napangiti naman ako sa sinabi nila. I know that Jisoo is not showy in public, pero kung kami lang dalawa subrang sweet niya sa akin napakamaalaga. Pero pag nasa labas kami or kasama yung mga kaibigan niya lowey lang siya, sweet parin naman pero lowey lang kahit mga simple gestures lang niya sa akin kinikilig parin ako. Ang ganda-ganda ko naman.

"Hindi din halata na hindi ka inlove no?" Sarcastic na tanong sa akin ni Irene.

"Ganiyan talaga pag-inlove napapangiti ka na lang talaga kahit kumakain o kaya kahit nakatulala." Saad naman ni Lisa na nakangiti na rin.

"Aba alam mo pala kung ano yung love?" Mataray naman na sabi ni Jennie sa kaniya habang naka halukipkip.

"Oo simula noong nakilala ko si Ms. Jennie RubyJane Kim soon to be Manoban. Inlove na inlove nga ako don eh, grabe si kupido pumana bullseye. Pano pa kaya pagsinagot mo na ako baka sambahin na kita niyan." Nakangiting saad ni Lisa kay Jennie. Tumiklop naman yung pagtataray ni Jennie sa kaniya kaya napayuko na lang ito habang namumula ang mga pisngi niya.

MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Kde žijí příběhy. Začni objevovat