Chapter 28: ENCOUNTER

346 13 2
                                    

ROSÉ'S P.O.V.

Mabilis lumipas ang mga araw at gaya nga ng inaasahan ko naging usap-usap ang relasyon namin ni Jisoo sa buong campus hindi lang sa buong campus pati na rin sa ibang school. Nagkalat sa social media yung revelation sa cafeteria noon, at gaya nga ng inaasahan ko may mga kinilig, natuwa pero mas lamang ang may galit at naiinggit sa akin.

May mga pagkakataon na may bumabangga sa akin ng simple sa labas o sa loob ng campus, nagpapanggap na hindi sinasadya pero hindi ako tanga para maniwala sa mga pasimpleng pagbangga nila sa akin. Meron pa ngang may nagsesend sa akin ng mga threats at meron rin akong natatanggap na mga text from unknown na "pinaglalaruan ka lang ni jisoo", "mabobored si jisoo sayo soon at iiwan ka rin", "Isa lang ako sa mga paglalaruan ni Jisoo". Naaapektuhan ako oo, pero mas pinanghahawakan ko yung pangako ni Jisoo na hindi niya ako kayang saktan. Binabaliwa ko na lang yung mga ganong bagay dahil alam kong mapapagod din sila.

Masaya na rin yung puso ng dalawa kong kaibigan na si Jennie at Lisa. Nalaman namin no'ng nakaraang linggo na si Lisa pala yung araw-araw na nagpapadala ng sulat kay Jennie dahil nabuo niya yung mga nakabold letter sa mga sulat na binibigay ni Lisa. Kaya pala palagi siyang pumapasok ng maaga at sa tuwing tinatanong siya nila Jisoo kung bakit ang aga-aga niyang pumasok palagi eh siya pala yung admirer ni Jennie na matagal na niyang gusto makilala.

Tinanong namin siya kung bakit niya tinago ang sagot lang niya "Mainit pa kasi yung uli sakin ni nini that time baka mabasted lang ako kapag nanligaw ako sa kaniya kaya tinago ko na lang". May point naman siya hindi naging maganda yung first encounter nila at palagi silang nag-aaway kaya malabong pumayag si Jennie na manligaw sa kaniya yung kinaiinisan niya noon.

Pero isang relasyon naman ang sinusubok ng tadhana ngayon. Nalaman ng parents ni Mina ang relasyon nila ni Chaeyoung. May nakakilala kay Mina no'ng pumunta kami sa hawaii at may nagsend ng mga litrato nila ni Chaeyoung na nakaupo si Mina sa lap ni Chae habang magkayakap. Homophobic ang mga magulang ni Mina kaya hindi naging madali ang relasyon nilang dalawa. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya kaya laking gulat na lang niya ng isang araw tinanong siya tungkol sa relasyon nila ni Chae.

"Anong plano niyo ngayon??" Tanong ni Suelgi kay Chae habang iniikot yung baso na may lamang alak.

Nandito kami ngayon sa bar para damayan si Chae sa problema niya. Wala dito si Mina dahil inaayos niya yung problema nila ng pamilya niya.

"Hindi ko alam. Kay Mina parin ang desisyon." She sighed frustratedly bago tinungga ang hawak niyang alak.

"Hindi naman sa pinag ooverthink kita ah. Pano kung ilayo siya ng pamilya niya sayo." Tanong naman ni Lisa habang nakahawak sa kamay ni Jennie na hindi na niya yata binitawan simula pa kanina at yung isa naman ay may hawak na baso.

"Susundan ko siya kahit anong mangyari. Kung kinakailangang harapin ko yung mga magulang niya gagawin ko." Determinadong saad ni Chae. Napangiti naman kami sa sinabi niya.

"Thats my gurl, pakiss nga *mwuah*." Saad ni Suelgi sabay halik sa pisngi ni Chae.

"Iwww bakla yung laway mo." Maarteng reklamo sa kaniya ni Chae sabay punas sa pisngi at nakataas ang tatlong daliri. Nagtawanan naman kami sa kalokohan nilang dalawa.

Kwentuhan, tawanan, asaran lang ang ginawa namin para mawala kahit ilang oras manlang yung problemang dinadala ng isa naming kaibigan. Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako kay Jisoo na pupunta muna ako ng comfortroom.


MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now