Chapter 23. Fun Night

368 13 8
                                    

ROSÉ'S P.O.V

"Arghhh" l groaned when I heard someone banging the door really hard. My goodness balak ba niya sirain yung pinto?

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at ang madilim na kwarto ang tumambad sa akin. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa kwarto ko. Napasarap yung tulog ko hindi ko tuloy nakita yung sunset. Kinuha ko sa itaas ng table ang cellphone ko para tignan ang oras 6:30 na pala ng gabi.

"Rosé-yaah wake up!!" Rinig kong sigaw ni Jennie sa labas ng kwarto kasabay ng malalakas niyang katok sa pinto. Parang hindi na nga katok yon eh mukhang suntok na parang masisira na kasi yung pinto sa lakas.

"Grabe ka naman makakatok Jennie gising pati kabilang isla ah."Bungad ko sa kaniya pagkabukas ko ng pinto.

"Tulog mantika ka kasi mapupod-pod na yung kamay ko kakakatok ang himbing parin ng tulog mo. Nabulabog ko na lahat ng guest nila Jisoo dito tapos ikaw natutulog parin jusko."Napahilot pa ito sa sentido niya pagkatapos niya magsalita na para bang stress na stress siya sa akin.

"Asan ba si Jisoo at ikaw pa talaga gumising sa akin eh ang ikli ng pasensya mo." Saad ko sa kaniya.

"Galit ka daw sa kaniya kaya ako na lang sumundo, nagugutom na kami ikaw na lang yung hinihintay namin." Saad niya habang nakahalukipkip.

"Bakit nasa akin ba yung kaldero at hindi kayo makakain na wala ako." Mataray kong saad sa kaniya. Naputol yung maganda kong tulog kaya bad mood ako.

"Hoyy anong nangyari sayo at nagtataray ka? May dalaw ka ba?" Tanong niya sa akin na nakaupo na ngayon sa kama ko.

"Nasira kaya yung maganda kong tulog syempre mababadrtrip ko. Wait lang maliligo muna ako." Paalam ko sa kaniya at pumunta ng banyo. Nagmadali lang ako sa pagligo dahil ayaw kong paghintayin pa sila ng matagal at nagugutom na din ako.

"Aghh finally after 1000 years makakakain na din tayo." Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Grabe naman yung 1000 years eh minadali ko na nga yung pagligo ko kasi napa short temper ng babaeng 'to short na nga yung height pati ba naman yung pasensya short.

Habang nasa elevator kami nakwento niya sa akin na nasa kabilang kwarto lang din pala yung kwarto nila. Iisang kwarto lang si Irene at Suelgi ganon din sina Mina at Chaeyoung since magjowa naman sila. Kami lang nila Jisoo, Jennie at Lisa yung tig-iisang kwarto.

Pagkarating namin sa baba kumakain na yung ibang guests at abala naman yung iba sa pagpili ng pagkain sa buffet. Mas lalo tuloy ako nakaramdam ng gutom pagkakita ko sa mga pagkain.
Pagkarating namin ni Jennie sa table wala pa sa kanila ang nag umpisang kumain at talagang hinintay nila kami bago kumuha ng pagkain.

"Upo ka." Pinaghila ako ni Jisoo ng upuan sa tabi niya at matamis na ngumiti sa akin.

"Tara guys kuha na tayo ng pagkain." Aya ni Lisa at nauna ng tumayo para pumunta sa buffet.

"Gusto mo ba ako na kumuha para sayo?"Tanong sa akin ni Jisoo. Maaliwalas na yung mukha niya ngayon dahil wala ng kiss mark sa pisngi niya at iba na din yung suot niyang damit.

"Wag na ako na lang para makapagpili ako ng gusto ko." Saad ko bago pumunta sa buffet.

"Itong seafood with paella masarap 'to" Alok sa akin ni Jisoo.

"Thank you." Saad ko sa kaniya after niyang lagyan ng mga pagkain yung plato ko. After niya kumuha ng pagkain sabay na din kaming bumalik sa table.

"Wala ba kayong kamay at kailangan pa magsubuan kayo jan?"Reklamo ni Lisa sabay irap sa mga magjowa dito sa table namin.

"Inggit ka lang Manoban kasi hindi mo masubuan si Jennie kasi wala naman kayong LABEL." Suelgi said emphasizing the label thing.

"Whatever."Tanging nasabi na lang ni Lisa kay Suelgi dahilan para matawa kami.

MY HOT HEARTBREAKER GIRL(GXG)Where stories live. Discover now