22

20 9 0
                                    

sa isang gabing maulan,
ginaw ay 'yong mararamdaman.

ako'y nakarinig ng pagkatok,
at pagtawag sa 'king ngalan.

"Esperanza,"

agad akong tumakbo upang ika'y pagbuksan,
pagbukas ng pinto'y aking nasilayan
luha mo'y umaagos, tulad ng ulan.
agad ika'y aking hinagkan.

mahigpit.
sing tindi ng aking pangungulila.

subalit ako'y binalot ng pagtataka,
nang makita ko sa 'yong mukha,
ay hindi saya,

kundi lungkot at pangamba—
saan ka nangangamba?

iyong pag-ibig ba'y wala na?

— esperanza

pangako't pagdududaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon