30

8 0 0
                                    

hiling sa mapagmalupit na kapalaran.

ngayo'y nasa malayo,
tila dulo ng mundo.

ang bahay na pamana sa iyo,
tahanang gawa sa kawayan at bato,
'sang nakabibighaning puno'y naninirahan
salimbobog ang siyang ngalan—

kawili-wiling titigan.

araw-araw ay ipagpipitas mo ako,
ng magagandang bulaklak nito,
iipit sa likod ng tainga ko,
at sa gayong gawi'y nahuhulog ako—
muli't muli, tulad ng kahapon.

ang pagsintang ating pinagsaluhan,
nagbunga ng magagandang kinabukasan,
makalabing-isa mo 'kong nakuha,
isang supling pa'y isang dosena na
aba, pangako mo noo'y tinotoo nga.

hindi lilipas ang araw na hindi ko nadarama ang 'yong pag ibig na 'di na nagmaliw pa.

kaya naman ang aking daing at hiling,
sa kapalarang mapagmalupit,
ay kung maari,

sa paghinto ng ating mga paghinga,
pangako ko'y matandaan mo pa,

sa susunod na buhay ay hahanapin kita,
at sana . . .
sa muling pagdaop ng ating mga palad,
iyong madamang tayo'y nagkita na
at iyo rin sana'y madamang—

tayo'y itinadhana na.

—esperanza

wakas.

pangako't pagdududaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon