27

8 1 0
                                    

mga liham na ipinagkait ng kapalaran

Enero 20, 1975

Esperanza,
Aking mahal,

               Kumusta ka? Kung alam mo lamang kung gaano ako nangungulila sa 'yo, marahil ay niyakap mo na agad ako. Batid kong hindi mo ako matitiis irog ko, ganoon rin ako. Ngunit, napapaisip ako kung sa 'yo ba'y dumarating ang aking mga liham. Magta-tatlong buwan na kasi mula nang ika'y nagpadala sa 'kin. 

              Gayunpaman, hindi ako titigil. Anuman ang iyong dahilan, sana magpadala ka na ulit. Sana'y makarating sa 'yo ang liham na ito. Hintayin mo lamang at makakauwi rin ako, ikukwento ko ang lahat sa 'yo. Mag-iingat ka palagi. 

Sumasaiyo,
Julian

────────────────────────


Enero 27, 1975

Esperanza,
Aking sinta,

               Nawa'y nasa magandang kalagayan ka, Esperanza. Gustong-gusto ko nang makaalis dito. Sobra na ang amo ko. Gusto niyang iwan kita at magpakalayo-layo. Hindi ko hahayaang mangyari ito. Esperanza, pangako, babalik ako. Bigyan mo lamang ako ng konting panahon. Tatakas ako rito. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo. Magpapakasal at bubuo tayo ng sariling pamilya. Anumang mangyari, hindi ako makukuha sa 'yo ng iba. Mahal na mahal kitaMag-iingat kang lagi, Esperanza.

Hanggang dito na lamang. Susulat ako agad at babalitaan kita. Panghawakan mo sana ang mga pangako ko sa 'yo, Esperanza. 

Sumasaiyo,
Julian

────────────────────────


Pebrero 5, 1975

Esperanza,
Mahal ko,

                Sa oras na mabasa mo ang sulat na ito, batid kong matindi ang galit mo. Ngunit, gusto ko pa ring ipaalam sa 'yo ang totoo, irog ko. Sana'y binabasa mo ang sulat na ito. Ang mga sinabi ko sa 'yo nang tayo'y muling magkita ay walang katotohanan. Hindi totoong buntis siya. At kailan man, hindi ko nagustuhan ang amo ko. Hindi ako nagtaksil sa 'yo, Esperanza. Gusto kong sabihin sa 'yo ang totoo. Gusto kong magtagal pa sa piling mo ng gabing 'yon. Ngunit, minamatyagan tayo ng amo ko at mga alagad nito. Patawad, Esperanza.

               Nawa ay natatandaan mo pa ang mga ipinangako ko sa'yo. Ano mang mangyari ay babalik ako sa 'yo. Esperanza, ikaw lamang ang mahal ko. Kaya sana, pakiusap, unawain mo ang mga sasabihin ko rito, Esperanza. Sinabi ng ama ng amo kong kung 'di ko gagawin 'yon, ika'y kanilang kukunin at ikukulong, sasaktan at hahayaang magutom. Ayokong magdusa ka sa kamay nila, Esperanza. Hindi ko nais na mangyari ang mga 'yon sa 'yo. At batid ko kung gaano sila kamakapangyarihan, Esperanza. Gagawin nila ang lahat para matupad ang sarili nilang kagustuhan. Lahat. Kaya naman, gayon na lamang ang pagsang-ayon ko sa kanila, mahal.

              Ngunit pakiusap kong muli, h'wag ka nang magalit sa 'kin. Ayokong ipagtabuyan mo akong muli. Tatakas ako rito, mahal ko. Humingi ako ng tulong kay Gregorio. Isa siyang kaibigan, Esperanza at hiniling kong dalhin niya ang sulat na ito sa 'yo. Ipinadala ko na rin sa kaniya ang mahaba at pinakamakapal na kamisa de chino ko nang sa gayon ay hindi ka ginawin sa ating muling pagkikita. Suotin mo ito papunta sa istasyon ng tren sa araw ng biyernes, alas otso ng gabi. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko, Esperanza. Patawad. Mag-iingat kang lagi, mahal ko. Hihintayin kita sa tagpuan.


Sumasaiyo,
Julian

pangako't pagdududaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon