HA - CHAPTER 5

57 6 0
                                    


"GIRL!" Pang gugulat ni Angeline kay Rissa.

Nakita nya kasi ang kaibigan na nakatulala. Katatapos palang nilang kumain ng hapunan sa isang malapit na restaurant.

Nagtatakang tumingin si Rissa sa kaharap.

"What?" Tanong nya.

Napailing nalang si Angeline sa inasal ng kanyang kaibigan.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong nito.

Muling bumalik sa isipan nya ang pangyayari kaninang umaga.

Yung pagkakakilala nya sa panibagong kaibigan nya. Si Chester.

Naguguluhan sya kung bakit ganoon nalang kabilis ang pagiging magaan ang pakikitungo nya dito na hindi naman nya nagagawa sa iba.

Tumingin sya kay Angeline na naghihintay sa sagot nya tsaka napabuntong hininga.

Napasandal sya sa upuan tsaka nag cross arms.

Napailing dito.

"Wala." Sagot nya.

"Sus wala daw eh bakit ang tagal mong nakasagot sa tanong ko?" Usisang tanong ni Angeline.

Nag lean forward ito at naghalumbaba sa harap nya.

"Wala." Maiksing sagot nya.

"Ahm...Girls? Can i join?" Singit ng pamilyar na boses.

Napatingala si Rissa at Angeline.

Doon ay nakita nya si Zoltan na labis nyang ikinagulat.

"Z-zoltan?" Tanong na aniya.

Tumingin si Zoltan kay Rissa tsaka ngumiti.

"Hi! Miss me?" Birong tanong nito.

Napailing nalang sya at napatawa ng mahina.

"Asa ka naman." Anito.

Palipat lipat naman ang tingin ni Angeline sa dalawa.

Naguguluhan sya.

Kakilala ba ng kaibigan nya ang lalaking nasa harapan nila? Iyan ang tanging nasa isip nya.

Naupo si Zoltan sa extrang upuan.

"Sus! Sabihin aminin mo nalang na namiss mo ko kasi dalawang araw akong walang paramdam sayo." Nakangising giit nito.

"At bakit naman kita mamimiss?" Masungit na utas nya.

Natawa naman si Zoltan dahil sa inasal ng babae.

"Sandali! Wait! Teka!" Awat ni Angeline.

Gulong gulo na sya.

Humarap sya kay Rissa na natatawa dahil sa reaksyon nito.

Nag cross arms si Angeline tsaka sumandal.

"Girl. Baka naman may balak kang ipakilala sakin yang lalaking yan? Bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan. Biglang nakisingit saatin eh hindi pa nya kilala ang dyosang kagaya ko." Mahanging anito.

Natawa nalang ang dalawang nasa harap nya.

Ngumiti si Zoltan tsaka naglahad ng kamay.

"Ako nga pala si Zoltan. Rissa's friend and soon to be boyfriend." Pakilala nito.

Gulat naman na napatakip si Angeline sa bibig tsaka nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa.

Hinampas naman ni Rissa ang braso ni Zoltan dahil sa sinabi nito.

"Ano ba yang mga pinagsasasabi mo Zoltan! Hindi ka naman nanliligaw kaya paano kita magiging Boyfriend huh?!" Angil nya.

Hindi nya alam sa sarili pero parang nanghinayang sya sa lumabas sa bibig nya.

HIDDEN AFFAIR (Poisonous Love Affair Series #15)Where stories live. Discover now