HA - CHAPTER 7

38 0 0
                                    

Busy-ng nag aayos ng lamesa si Rissa hinihintay nalang nyang dumating ang bisita nya.

O mas tamang sabihin na yung lalaking mahal nya?

Ngayong gabi kasi gaganapin ang pinaka special na araw nya.

Hindi nga nagtagal ay may kumatok na sa pinto nya.

Nagmamadali syang chineck ang sarili nya if maayos ba syang tignan o ano.

Nang makuntento na sya ay tumakbo sya papuntang pinto at binuksan. 

Malaki ang ngiti nyang hinarap ang kanyang minamahal.

Sinunggaban nya agad ito ng yakap nang mabuksan nya ang pinto.

"Buti nakarating ka." Malaki ang ngiting ani'to nang humiwalay na sya sa yakap.

"Bakit naman hindi?" Tanging saad ni Zoltan sakanya.

Ngiti lang ang sinagot ni Rissa tsaka nya hinila papasok si Zoltan.

"Nag handa ako ng dinner para saating dalawa. Sana magustuhan mo." Ani ni Rissa dito.

"Alam mo namang kapag ikaw ang naghanda lahat kakain ko kahit ikaw pa." Sambit ni Zoltan pero binulong nya ang huling katagang binitiwan nya.

Nagtaka naman si Rissa sa sinabi ni Zoltan dahil hindi nya narinig ang huling katagang binitiwan nito.

"Anong sabi mo sa huli?" Tanong nya dito.

Napatawa nalang nang mahina si Zoltan.

"Wala." Simpleng sagot nito.

Nakarating nalang sila sa kusina nang hindi man lang nila napapansin.

Pinaghila ni Zoltan si Rissa ng upuan tsaka sya umupo sa tabi nito.

"Thank you." Simpleng saad ni Rissa.

"Welcome. Ahmm...so let's eat." Sambit ng huli.

"Ah oo pala ito try mo tong menudo masarap ito. Tsaka itong adobo." Nakangiting nilagyan ni Rissa si Zoltan ng ulam sa plato nito.

"Sure." Nakangiting sinubo naman ito ni Zoltan.

Kinakabahang inaabangan ni Rissa ang magiging kumento ng katabi nya.

"Masarap." Tumatango tangong saad ni Zoltan tsaka sya nagtuloy tuloy sa pagkain.

Nakaramdam naman ng saya si Rissa dahil nagustuhan nito ang kanyang niluto.

Masayang pinagpatuloy nila ang kanilang pagkain.

******

"Rissa..." Tawag ni Zoltan sa dalaga.

Kasalukuyan itong nakasandal sakanyang dibdib. Nanonood kasi sila ng isang penikula. Ngunit wala doon ang atensyon ng dalaga. Kundi nasa palaking sinasandalan nya.

Nadidinig nya ang malakas na tibok ng puso nito. At iyon lamang ang kanyang tanging naririnig.

"Hmm?" Tugon ng dalaga.

Hindi alam ng lalaki kung paano nya uumpisahang tanungin ang dalaga upang mapasakanya na ito.

Napabuntong hininga sya.

"Naririnig mo naman siguro yung tibok ng puso ko noh? Alam mo bang sayo lang mag react ng ganyan yan? Ikaw lang ang tanging babaeng nagpapatibok ng ganyan sa puso ko. Hindi naman ganyan dati eh pero mula ng makilala kita naging ganyan na sya. Maski ang utak ko. Hindi mawala ang imahe sa utak ko. Paulit ulit nitong ipinapakita ang matamis na ngiti mo. Palagi kong naririnig ang mabining pagtawa mo na syang mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Malay ko ba sa sarili ko...baliw na yata ako." Mahabang saad nito.

HIDDEN AFFAIR (Poisonous Love Affair Series #15)Onde histórias criam vida. Descubra agora