HA - CHAPTER 6

66 4 0
                                    

"Nakapagdesisyon ka na ba? Papayagan mo ba sya?" Seryosong tanong ni Chester kay Rissa.

Napangiti nalang si Rissa ng wala sa sarili. Para syang teenager na kinikilig na ewan. Hindi nya kasi maipaliwanag ang totoong nararamdaman nya sa lalaki.

"Siguro. Hindi ko alam. Ewan." Nakangiting aniya.

Napabusangot si Chester.

"Bahala ka nga dyan. Sige na aalis na ako." Anito tsaka nagtuloy tuloy palabas.

Napabuntong hininga si Rissa. Hindi nya din kasi maintindihan ang takbo ng utak nya eh. Ang labo.


"So pwede ko na bang malaman kung anong sagot mo sa tanong ko baby — este Rissa?" Tanong ng kabilang linya.

Kasalukuyan nyang kausap si Zoltan sa kabilang linya. Hindi nya alam ang trip ng lalaki dahil bigla nalang itong tumawag.

Napabuntong hininga nalang sya dahil sa katanungan nito.

'Bahala na'

"Oo na sige na. Ibababa ko na ito baka may iuutos sakin ang boss ko." Sagot nya tsaka dagliang binaba ang telepeno.

'Bahala ka dyan.'

"Girl sino iyon? Si Zoltan na yung pangalan na non?" Kuryosong tanong ni Angeline sakanya.

Nginusuan nya ang kaharap.

"Ano pa ba nga ba." Buntong hiningang aniya.

Hinarap na nya ang laptop tsaka ginawa ang mga dapat nyang gawin.

"Sus! Pustahan tayo pinayagan mo ng manligaw sayo ang mukong na yon halata namang gusto ka eh." Mapang asar na ani ni Angeline kay Rissa.

Cross arms naman na hinarap ni Rissa si Angeline.

"Alam mo ikaw dakilang marites ka talaga eh. Bakit kaya hindi nalang yang love life mo atupagin mo?" Masungit na aniya.

"Grabe ka naman girl. Gusto mo bang malaman na puno ng init ang pagmamahalan namin ni Andrew? Lagi akong may dilig girl kaya sagana itong love life ko hindi lang love life kung hindi pati na rin sex life ko no!" Anito tsaka napatingin pa sa malayo na parang nag iimagine. Nakangiti pa yan.

Napangiwi nalang si Rissa pati narin ang mga nakarinig na kapwa kaibigan din nila.

Ang tingin nya sa kaibigan ay para itong naubusan ng pag asa pa.

'Jusko po!'

"Ewan ko sayo. Ang laswa ng mga lumalabas sa bibig mo." Napapailing na aniya.

Hinarap naman sya ni Angeline na para bang nang aasar.

"Palibhasa may taon na rin noong huling dilig mo kaya ganyan ka kabitter." Nang aasar na anito.

Masungit naman syang hinarap ni Rissa.

"Bumalik ka nalang sa trabaho mo bruha ka. Makita ka pa ni Sir na nakikipag chikahan ka sakin." Anito tsaka bumalik sa pag ta type sa laptop.

"Nyenyenye palibhasa pikon." Narinig pa nyang pahabol ni Angeline.

Napailing iling nalang sya.

"Ahmm, Good Afternoon po! Delivery po para kay Ms. Rissa Reyes?" Biglang saad ng isang tinig.

Napatingin ang lahat sa delivery boy at pagkatapos ay nalipat ang tingin ng lahat kay Rissa na busy sa pag ta type sa laptop.

Nang maramdaman iyon ni Rissa ang tingin ng tao ay napaangat ang kanyang tingin.

Taka syang tumingin sa lahat.

"Ay Kuya! Ito po! Sya po si Rissa Reyes!" Sigaw ni Angeline.

Napatingin ang mamang delivery boy kay Angeline tsaka lumapit.

HIDDEN AFFAIR (Poisonous Love Affair Series #15)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang