HA - CHAPTER 8

25 0 0
                                    

Sinuklay ni Zoltan aang kanyang buhok atsaka bumuntong hininga.

Hindi niya mapigilang kabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Siguro kasi natatakot siya sa kung anong sasabihin ng asawa niya? O kasi baka malaman na nito ang sikretong pinakatatago niya?

Who knows kung ano nga ba ang sanhi nng kabang nararamdaman niya?

Binuksan niya ang pinto ng bahay nila.

Doon nakita niya ang asawa niyang nakatulog sa sofa dahil sa paghihintay na makauwi siya.

Napabuntong hininga siya atsaka ito nilapitan. Pinantayan niya ito.

Pinakatitigan niya ang mukha ng asawa. Para bang bumalik ang lahat sakaniya.

Nanariwa sa isip niya yung dahilan kung bakit nga ba niya minahal ang asawa.

Bumalik sakaniya yung hirap niya para lang makuha ang puso ng kabiyak niya.

Pero sakabila nito bumalik din sa isip niya ang kakaibang ngiting binigay sakanya ni Rissa.

Hindi niya alam kung tatamaan ba siya ng konsensya o hindi, kasi after all ayaw niya ding mawala ang dalaga sakaniya.

Ngayon lang ulit niya naramdaman kung anong feeling ng maging binata.


UNTI-UNTING namulat ang mata ni Irish at ang una niyang nakita ay ang mukha ng lalaking kanina pa niya hinihintay.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang amoy ng kanyang asawa.

Alam niya ang ginagawa nito maski kung saan ito pumupunta.

Sa loob ba naman ng ilang buwan niyang pag sunod dito ay marami na siyang nalalaman na ginagawa nito.

Pinipigilan niya lang ang sarili na sugudin ang babaeng palagi niyang nakikita na kasama nito. Pinipigilan din niya ang pagtulo ng luha niya kasi ayaw niyang magtaka ang tao sa paligid niya.

Ayaw niyang mag eskandalo.

Pero ngayon gusto niyang makumpirma mismo sa bibig ng lalaking nasa harap niya ngayon ang totoo.

Ningitian niya ang lalaki.

Bumangon siya at agad itong niyakap.

Palihim niyang tinignan ang leeg nito.

Doon nakita ang pulang kulay na hugis lips sa leeg ng lalaki.

Pinigilan niyang tumulo ang luha niya. Sumusikip ang puso niya.

Gusto niyang umiyak pero di niya kayang gawin ito sa harap ng lalaki.

"Bakit  ngayon ka lang? Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay," tanong nito sa lalaki.

"May ginawa pa kasi sa office. You know overtime," simpleng sagot naman nito sakanya.

Bumitaw siya sa yakap atsaka pinakatitigan ito sa mata.

Ngumiti siya dito.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit.

Simple lang na tumngo ang huli at tumayo na mula sa pagkakaluhod.

"Akyat na ako. Pagod ako eh," anito.

Ngunit nasa isang baitang pa lamang siya ay muli niyang narinig na nagsalita si Irish na siyang ikinabigla niya.

"Galing ka ba sakaniya? Anong ginawa niyo?" Tanong nito na may kasamang nginig sa boses na nagtatanda na masakit para sakaniya ang ginagawa ng asawa.

Hindi alam ni Zoltan kung ano ang isasagot niya sa kabiyak.

"Alam ko nanggaling ka sakaniya bago ka umuwi dito. Amoy ko mula sayo ang amoy ng isang babae. Hindi mo kinakailangang magsinungaling sakin Zoltan," sambit niya na mababakasan ng sakit.

'Relax Irish kaya mo yan'

Huwag kang iiyak please

"Kung ayaw mo na sakin magsabi ka. Hindi ko ipagpipilitan na mabuo pa yung relasyon natin pero Zoltan yung mga bata. Kahit sila nalang isipin mo 'wag na ako. Yung mga bata nalang. I consider mo nalang yung mararamdaman nila please," saad nito atsaka sya tumayo at nilagpasan si Zoltan.

Umakyat siya ng kwarto nila, ay hindi mali kwarto nalang pala niya kasi hindi na pala sila magkasamang matulog sa kwarto. 

NAKATULALANG nakataw si Zoltan sa likod ng kanyang asawa na umaakyat sa hagdan.

Hindi niya alam na alam na pala nito kung anong ginagawa niya behind her back.

Hindi nga rin niya alam kung bakit masaya sa pakiramdam ang makasama si Rissa kaysa sa kanyang asawa.

May something ba kay Rissa na wala kay Irish?

Kung ano man iyon? Hindi niya alam.

Yung dating nararamdaman niyang butterfly in his stomach ay hindi na niya nararamdaman pa sa kanyang asawa. Yung heart beats fast wala na din.

Lahat ng pakiramdam na 'yan ba hinahanap niya sa asawa niya ay nahanap niya sa kalinga ng iba.

Mali ba ito?

Mali ba? Mali bang yung pakiramdan na gusto mong maramdaman ay nadama mo sa iba? Mali ba? Mali bang matagpuan mong muli yung kasiyahan sa iba? Mali bang panghawakan ang ibang tao pero ayaw mo din namang mawala sayo ang asawa mo?

Siguro nga mali itong nararamdaman ko pero ayaw kong mawala silang dalawa sa buhay ko.

Tawagin niyo na siya sa kung ano mang gusto niyong itawag sakaniya pero hindi niya talaga kakayaning mawala si Rissa sa buhay niya.

MAY galit sa matang pinapakatitigan ng isang binata ang bahay na pinasukan ni Zoltan.

Una palang alam niyang may something na sa lalaking laging kasama ng taong mahal niya.

Kuyom ang kamao na napupuno ng galit ang puso niya sa puntong ito.

Gusto niyang manakit. Gusto niyang suntukin ang taong nanloloko sa babaeng minamahal niya.

Pero napapaisip din siya.

Ano bang karapatan niyang magalit at magselos? Eh wala namang sila.

Napasuntok nalang siya sa manubela at palihim na napaiyak.

Pigil na pigil ang emosyon niyang lumabas.

Una palang may hinala na siya sa lalaking karelasyon ng dalaga na may inililihim ito sakaniya.

Alam niya, pero hindi niya nabalaan ang dalaga dahil sa wala naman siyang pruweba.

At ngayon na nakita na niya mismo ang pinanggalingan nito, hindi na niya mapipigilan pa ang sarili niya.

Gusto niyang kausapin at sabihan ang babae sa nalaman niya pero paano niya sisimulan?

Hindi pa naman niya kinakaya na makita itong luhaan dahil sa isang bagay.

Pero mas hindi niya kayang ginagago ito ng talikuran.

Mahal niya ang dalaga mula pa noong una.



*****

Ito muna for now. Alam kong lame pero pagpasensyahan niyo na. Ako lang kasi to eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIDDEN AFFAIR (Poisonous Love Affair Series #15)Where stories live. Discover now