PART 11- KLYDE

82 6 0
                                    

YUMI'S POV

pag tunog ng pangatlong alarm ko, nag desisyon nakong bumangon.

lumabas ako sa kwarto habang pababa ako ng hagdan ay napangiti ako ng makita ko ang pamilyar na babae na nakaupo.

Si pauline?

"Hi yumi" kumaway pa siya, hulaan ko namumula nako

"uhm Hi. good morni-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita si Vero

"Sorry yumi pero nag mamadali kami paki sabi na lang kay Cal hindi ko na siya ginising ang sarap kasi ng tulog niya, ipagpaalam mo na lang ako thankyou" sabay hila niya kay pauline

"Saan kayo pupunta?" pahabol kong tanong

"Shopping" si pauline ang sumagot

tinignan ko lang sila hanggang sa maka labas sila ng pinto.

Ilang oras ang lumipas habang kumakain ako ay siya namang baba ni Caleb ng hagdan.

"May utang ka saking kwento" umupo siya sa harap ko at tumingin ng may pag tataka

"Anyare kagabi?" natatawang tanong ko

tumawa din siya "ang dumi ng utak mo, syempre bonding naming mag kapatid yon." naiilang na sagot niya

"kaya pala may pag hawak pa ng kamay?" kita ko ang pag ba-blush niya

"wag mong bigyan ng malisya, wala lang yon" sagot niya

wala nga ba?

"sabi mo e. ay oo nga pala nag mamadaling umalis ang kapatid mo kaya hindi kana daw niya ginising"

"Nag mamadali? saan daw pupunta?" tanong niya habang kumakain

"shopping" maikling sagot ko

"Pag katapos mo kumain maligo kana, may pupuntahan tayo" saad niya

Tssk hulaan ko bar!?

"Bar ba yan? sorry dre nag babago nako and may pasok pako"

"Baliw hindi sa bar" kaya napatingin ako sa kanya

"e saan pala?" tanong ko na may pag tataka

"Ang dami mong tanong bilisan mo ng kumain dyan"

Pag katapos naming kumain umakyat na si Caleb sa kwarto niya at ako na ang nag hugas ng mga pinag kainan namin.

kung hindi sa bar ang punta namin? e saan?

ilang segundo din ako nag isip bago ko maisip ang balak ni Caleb.

Napatawa na lang ako. iba talaga si ISHI CALEBRINA KIM

___________

Nasa mall kami ngayon para kaming asong ulol na sunod ng sunod sa kapatid niya.

"dre bakit ba natin sinusundan kapatid mo? ang laki na yan e." pagmamaktol ko sa kanya

tumingin lang siya sakin at binalik niya ang tingin niya sa kapatid niya.

ilang oras din ang lumipas eto kami naka sunod parin sa kapatid niya

"dre hindi kaba nagugutom tanghali na oh." pinakita ko ang oras sa kanya

"hindi naman nila kasama yung hotdog e wag kana mag alala." dagdag ko

tumingin siya sakin at tumango.

Habang naghahanap kami ng makakainan may naka salubong kami

paktay!

"Yumi Caleb? " gulat na tanong ni pauline ng makita kami

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ni Veron

napakamot na lang ng batok si Caleb

"uhm. A-ano. k-kase" nanginginig na sabi ko pero pinutol ni Caleb

Umakbay sakin si Caleb "nag pasama kasi si yumi, may ka meeting kasi siya e hindi naman sumipot kaya nag libot libot na lang kami" paliwanag ni Caleb ramdam kong kinakabahan din siya

"Bakit di na lang kayo sumama samin?" nakangiting sabi ni Veron

"Pero hindi pa kami kumakain ng lunc-" hindi ko na tuloy ng bigla akong sikuhin ni Caleb

aww! ang sakit ha!

"Sasama kami" sagot ni Caleb

_______________

tahimik kami habang kumakain at habang pinag mamasdan ko si Caleb na nakakailang sulyap na kay Veron.

"ehem baka matunaw yan" bulong ko sa kanya

umirap lang siya sakin at nag patuloy kumain

"Bakit nga pala wala si hot- este si klyde?" basag ko sa katahimikan

"Busy" maikling sagot ni Andrea

"Paalis na kasi kami tomorrow" patuloy ni Hearty

"Bakit hindi pa ngayon" bulong ni Caleb

"kasama ba si klyde sa pag alis niyo?" walang ganang tanong ni Caleb

tinignan ko siya pero inirapan niya lang ako. (ATTITUDE YARN HAHAHHA)

"Oo naman, kasama namin siyang pumunta dito e" sagot ni Andrea

napangiti naman si Caleb

"Wala ba kayong gagawin mamaya?" tanong ni Pauline

"Ako wala, si Caleb di ko ala-"

"Wala din."  putol ni Caleb sa sasabihin ko

"edi sumama na lang kayo samin mamaya sa bar?" masayang akit ni Pauline

di ako tatanggi si pauline ang nangakit e

"Oo ba, na miss ko din mag bar e" sagot ko kita ko ang pag irap ni Caleb

"Magbabago na daw? talaga ba? lol" bulong ni Caleb

Epal talaga to, di na lang ako suportahan.

___________________

Hi guys good evening sorry if late ulit heheheh busy kasi kanina e HAHAHHAHA anyways take time to read this chapter bukas abang abang kaya maybe dalawa or tatlo yung update ko hehehe keep safe ebriwan goodnight!!! 🤍

THANKYOUUU FOR SUPPORTING GUYSSSS AND PLEASE VOTE ALL CHAPTERS GOODNIGHT!!!! 🤍

MY SISTER HAVE A SECRET FEELINGS WITH MEWhere stories live. Discover now