PART 13- ASH AND NICA

100 6 0
                                    

CALEB POV.

Nang maka alis na si Justin ay papasok na sana ko ng may biglang may tumawag sakin kaya na lingon ako.

"NICA?? bakit andito ka?" tanong ko pag ka kita ko sa kanya

"Alam mo bang pina punta pako dito." walang gana niyang sagot

"Bakit pa?"

"Para daw bantayan ka"  nag papatawa ba siya, e ang laki ko na

"Tsk hindi nako bata para bantayan. umalis kana, andito yung kapatid ko baka makita kapa"

"Per-"

"Wala ng pero pero umalis kana" putol ko sa sasabihin niya

inis siyang tumalikod at naglakad na papalayo

Habang tinitignan ko ang pag lakad niya ay may naramdaman akong humawak sa balikat ko na ikinagulat ko.

"ash???" Bakit andito siya?

"Diba nasa new york ka for vacation? anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya

"Namasyal lang kami, bawal ba?" nakataas ang kanyang isang kilay, attitude parin.

"Hindi naman, sino ba kasama mo?"

"Girlfriend ko. bakit nga pala kasama mo yung dati nating kaklase na si Nica?"

"Hindi ko siya kasama"

Tumawa lang siya ng bahagya "Hindi ako bulag ISHI CALEBRINA KIM."

"May sinabi lang siya sakin"

"Tapos?"

"Anong tapos? May sinabi lang siya yun lang"

"Hindi yon ang pag kakaintindi ko, Ang alam ko ay isa si Nica na-"

"Please ash, satin satin na lang tong nakita mo" nagmamakaawa kong sabi pag tapos kong putulin ang sasabihin niya

"So kelan pa to?"

"Gusto ko tayo lang makaka alam neto ash, wag na wag sana makakarating sa kapatid ko" pag iwas ko sa tanong niya.

Nagulat siya sa sinabi ko "nandito na ang kapatid mo?"

Tumango lang ako.

"Mangako ka ash na tayong dalawa lang ang makakaalam nito"

"Alam naba ni Yumi?"

Umiling ako "H-hindi. ayaw ko rin sanang makarating sa kanya"

"Ha? Bakit? di ba mag kaibigan kayo?"

"Ayoko siyang masaktan. please ash sating dalawa na lang to"

"Kung hindi lang kita mahal ay" mahinang sabi niya

"Anong sabi mo ash?" di ko kasi narinig

"Ang sabi ko ang unfair naman sa side ng kapatid at kaibigan mo" tama siya

"Alam ko, ayoko lang silang masaktan."

"Gets kita leb ayaw mo lang silang masaktan, pero hindi mo ba naiisip na habang patagal ng patagal yang pag tatago mo ng sikreto mo sa kanila ay mas lalo mo lang silang masasaktan?"  tama ulit siya

Tumango lang ako.

"May balak kabang sabihin sa kanila?"

"H-hindi ko A-alam"

"Hindi mo alam? alam mo pag lalong lumala yang problema mo mas lalo mo silang masasaktan"

Napatigil ako ng ilang segundo bago mag salita
"kaya nga itatago ko muna sa kanila, pag naka hanap nako ng solusyon dito sa problema ko sasabihin ko din sa kanila agad"

"Alam mo naman leb na mahal kita ayaw kong masaktan ka sa mga maling desisyon mo"  may namumuong luha na sa gilid ng mata niya

"ash-"

"i know, i know na mahal moko bilang kaibigan lang... kasi mahal mo ang kapatid mo. mahal na mahal so anong laban ko diba" putol niya sa sasabihin ko

"S-sorry" tanging na sabi ko

Tumawa siya ng marahan sabay hampas sa balikat ko "Ano kaba naka move on nako sayo, and may girlfriend nako anyways una nako leb ingat ka ah"

Humarap ako sa kanya at ngumiti "mag iingat ka"

"Ikaw din yung mga sinabi ko sayo ah pag isipan mo byeee"

Tumango lang ako at tumalikod na. nag lakad nako pa puntang table namin

"Ano ba Caleb san ka ba galing?" natatarantang tanong ni Pauline

"bakit?"

"kaibigan mo ayon lasing na lasing na" si Vero ang sumagot

"Grabe mag inom kaibigan mo parang may pinag dadaanan" sabi ni Andrea habang nagpipigil ng tawa

"Baka broken" si Hearty naman

"Baka binusted ni Pauline " sabay turo ni Andrea kay Pauline

"Nananahimik ako dito" sabay irap (attitude ka talaga hanes HAHAHAHAH eme)

"Lapitan mo na Cal" bulong sakin ni vero

tumango ako at lumapit kay yumi sabay tapik sa balikat niya.

"dre tara na lasing kana"

"H-hindi di A-ako lasing" sabi niya, hindi daw pero utal utal na kung mag salita

"iuwi na natin siya ang dami na niyang na inom" singit ni klyde

tumango ako

inalalayan namin ni klyde si yumi hanggang maka labas ng bar papuntang parking lot.

"may dala akong kotse" nilabas niya ang susi

"meron din ako, ako na mag hahatid kay yumi" anong akala niya siya lang ulol kaba

________________

mga ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay. inalalayan namin ni vero si yumi hanggang sa kwarto niya.

"Ako nang bahala dito mag pahinga kana"

"Sigurado ka?"

"Oo pahinga kana"

"Hmmm ok goodnight pag tapos yan pahinga kana din ah byeee"

pag labas ni vero ay inihiga ko na si yumi sa kama niya.

"Akala ko ba mag babago kana?" natatawang tanong ko sa kanya, alam ko naman na tulog na siya

"Akala mo ba hindi ko yon nakita?" sabi niya in drunk tone

"Nakita? ang alin?" takang tanong ko sa kanya

Lumunok ako ng ilang beses bago mag salita ulit

"Anong sinasabi mo dre?"

"Kitang kita ng dalawang mata ko" sabi niya habang naka pikit ang kanyang mga mata

"Mali yang iniisip mo"

Umiling pa siya ng paulit ulit "Narinig ko din lahat lahat, lahat ng pinag usapan niyo. akala ko ba mag kaibigan tayo? akala ko ba walang secrets?"

"Kaibigan kita Yumi" pero yung secrets, sorry

"Kaibigan moko? sige, kung kaibigan moko sabihin mo sakin kung ano yung narinig ko kanina"

"ayokong mandamay, kasi problema ko yon, pero sasabihin ko rin sayo hindi pa nga lang sa ngayon" tumulo na ang luha ko

Natawa na lang ako kasi tulog na pala tong kausap ko.

_________

Hi ebriwan hehehhe as my promise heheh 2 chapters or 3 tuwing weekends hehehe wait wait lang kayo ah nag iisip pako ng mga scenario e HAHAHHA take time to read ebriwan take care always guyssss and keep safe and your family mwaaa!!! ❤️

THANKYOUUU FOR SUPPORTING GUYSSSS AND PLEASE VOTE ALL CHAPTERS GOODNIGHT!!!! ❤️

MY SISTER HAVE A SECRET FEELINGS WITH MEWhere stories live. Discover now