PART 15-LIE

119 5 0
                                    

CALEB'S POV.

Pag katapos kong maka usap ang secretary ni dad. dahan dahang lumaglag ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nanaig yung kirot sa puso ko hindi ko alam pero sang ayon ako sa lahat ng sinabi ni Ailey.

Pag tayo ko ay bumagsak ang katawan ko sa sahig. dahilan bato sa bigat na nararamdaman ko ngayon? pinilit ko ang sarili kong maka tayo. nang maka tayo ako ay agad kong pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag patak.

CELLPHONE RING*

Unknown Number?

"who's this?" tanong ko sa kabilang linya

"Hi Calebrina" kilala ko ang boses na yan!

"Nica???" para maka sigurado ako

"Hmmm?" tanging narinig ko sa kanya

"san mo nakuha number ko?"

"Pag mahalaga ang tao sakin, lahat aalamin ko"

"So bakit ka napa tawag?" pati itong sipon ko nakiki sabay pa.

"Kakamustahin lang sana kita. Wait umiiyak kaba? may masakit ba sayo?" rinig ko sa tono niya ang pag aalala

"Rinig ko ang bawat hikbi mo, Calebrina, are you okay?"

"I'm really fine okay" sabi ko na lang at tumawa ng peke

"Wag mokong daanin sa pekeng tawa mo Calebrina. Nasan ka? pupuntahan kita?"

"Akala ko ba pag mahalaga sayo ang isang tao aalamin mo lahat?" biro ko sa kanya

"Nasa bahay kaba ni Yumi?" nagulat ako sa tanong niya, what the? pano niya? nevermind.

"Pano mo nalaman?"

narinig ko ang pag tawa niya "I told you"

"Oo na basta wag ka na pumunta dito. Okay nako." Baka mamaya mag kita pa sila ni Vero

"So, bakit ka umiiyak?"

"Wala" walang gana kong sagot

"Pag hindi mo sinabi pupuntahan talaga kita dyan." pananakot niya

"sasabihin ko na lang sayo pag nag kita tayo."

"Sige, anyways Free kaba mamayang lunch?"

"Sorry, next time na lang may date kami ng kapatid ko." tang! na kinikilig ako

"Ow, sige puntahan mo na lang ako sa condo ni justin, pag wala ka ng gagawin" ramdam ko ang lungkot sa boses niya

"Naalala ko, nakita ko nga pala sa bar si Ash." Pahabol niya

"Nakita ko rin."

"Nag usap kami, bakit mo sinabi yung about satin? akala ko ba ayaw mong may ibang makaalam?" kung hindi lang sana kami nakita ay

"Wala naman talaga akong balak na sabihin sa kanya. kaso nakita tayong mag kasama so no choice"

"So-rry"

"Bakit kasi pumunta kapa ng bar? (ay attitude cal sayo ba yung bar? hindi naman HAHAHHAHAHA char back to topic) edi sana hindi tayo nahuli"

"Sorry, nag aalala lang naman ako sayo nung nalaman kong nasa bar ka. mahalaga ka sakin Calebrina" mahalaga karin sakin Nica

"salamat sa pag aalala mo, pero kaya ko na sarili ko" sabi ko na lang

"Mag ingat ka" sabi niya at siya na ang nag baba ng tawag.

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko, baka makita pako ni Vero na umiiyak, mag alala pa siya.

Papunta nako sa kwarto ko ng makita ko si yumi na paakyat ng hagdan.

"Yumi?" tawag pansin ko

Lumingon siya sakin. lalapit na sana ko ng mag salita siya

"Busy ako Caleb" malamig na pag ka sabi niya

"Yum-"

"Busy ako Caleb. kung ikaw kahit hindi kana mag trabaho alam mong may bubuhay sayo, e sakin? wala diba? kaya pwede ba wag mokong istorbohin" tumaas ang kanyang boses.

Galit parin siya?

"Yumi alam kong galit k-"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?  Caleb? Gusto mo ba ulitin ko pa sayo?" putol niya sa sasabihin ko

"Kaunting oras lang naman Yumi please" pag mamakaawa ko

"Busy nga ako. kukunin ko lang ang Camera ko, aalis na din ako"

"Iniiwasan mo bako?" alanganin kong tanong sa kanya

May nag babadyang luha sa mga mata ko pero pinilit ko itong hindi malaglag.

"Hindi ba halata?" nakataas ang isa niyang kilay

"Yumi naman, dahil lang dun sa nakita mo hindi mo nako papansinin?"  ang unfair naman

"Feeling ko kasi ang dami mong sekreto. Akala ko ba walang secrets Caleb?" may namumuo naring luha sa kanyang mga mata.

"Wala talaga yumi, maniwala ka sakin" wala nga ba self?

"Paano ako maniniwala sayo kung nagawa mong mag lihim sakin?"

"Nag aaway tayo dahil nakita mo lang na mag kausap kami ni Chase? ang babaw mo naman."

"Okay lang sana kung nakita ko kayong mag kasama e. pero narinig ko lahat, lahat ng pinag usapan niyo."

napatigil ako ng ilang segundo sa sinabi niya.

"Dahil lang dun Yumi? Iniiwasan mo nako?"

"Oo, so are you happy now?"

"Paano ako magiging masaya kung iniiwasan moko?"

Tumalikod na siya "Caleb na sasayang lang ang oras ko sayo."

Huminga ako ng malalim bago mag salita.

"Gusto mo talaga malaman kung bakit kami mag kasama ni chase?" para matigil na siya

Humarap siya sakin ng walang emosyon.

"okay listen to me first bago ka magalit sakin Partner kami sa isang project sa company ni dad, pinapapunta niya ako sa bahay niya kasi....  kasi gusto na niyang matapos yung project namin" yung nga ba Caleb? hays basta bahala na.

"Oh yun lang pala e. bakit kailangan mo pang itago sakin?"

Muli siyang tumalikod.

"May isa pakong dahilan bakit ko tinago sayo."

Muli siyang lumingon ng may pag tataka "A-ano?"

lumunok muna ko bago mag salita.

"Dahil gusto ko si chase"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha para bang gulat na gulat.

Magsasalita sana siya ng may nag salita mula sa likuran ko.

"Sino si Chase?"

__________________

another chapter for today's video HAHAHHA bawi ulit dahil ilang araw di naka pag update tomorrow na lang ulit guys goodnight thankyouuu all!!! ❤️

THANKYOUUU FOR SUPPORTING GUYSSSS AND PLEASE VOTE ALL CHAPTERS GOODNIGHT ILOVEYOU ALL!! 🤍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY SISTER HAVE A SECRET FEELINGS WITH MEWhere stories live. Discover now