PART 14-AILEY

73 5 0
                                    

CALEB'S POV.

Maaga akong gumising para mag paliwanag kay yumi sa nakita niya kagabi. pumunta ako sa kwarto niya pero wala siya don kaya agad akong bumaba para pumunta ng kusina.

"Morning sis!!"

"Morning baby, si yumi?" agad na tanong ko kay Vero.

"Maaga siyang umalis. parang may mali sa kanya, parang ang dami niyang iniisip, may problema ba kaibigan mo?" nagtataka niyang tanong

Naaalala pa kaya ni yumi yung nakita niya kagabi?

"D-diko din alam" pagsisinungaling ko

"Hindi mo ba siya naka usap kagabi?"

"Lasing na lasing e"

Napakamot siya sa ulo "Ay oo nga pala, Bakit parang na wala ka kagabi? saan ka nag punta?"

Di ko alam pero biglang naging manhid ang buong katawan ko, ilang segundo rin bago ako matauhan.

Tumawa ako ng peke "kagabi? ano kase, k-kase may t-tumawag sakin may kailangan lang daw akong pirmahan" sabi ko na lang

Lumapit siya sakin at hinawakan ang balikat ko "Heyyy are you ok? you look so tens and nervous?"

"No I'm not, and don't worry I'm fine i think I'm hungry lang hehehe" umupo nako sa bangko

"Sure ka? baka may problema ka din or what? willing naman akong makinig."

Hindi ko alam ang isasagot ko, biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni ash.

"Hey Cal?" Tawag pansin niya habang ang kamay niya ay kinakaway sa harap ng mukha ko.

"Hey are you sure na ok ka lang?" dagdag niya pa

Pilit kong iniwasan ang mga tingin ni Vero.

"hmmm yah I'm fine promise" pilit akong ngumiti

"Sabi mo yan ha, anyways aalis pala ko ah"

Tumingin muna ako sa clock na nasa wall "Ang aga naman, bakit hindi ka muna kumain?"

"Maybe later na lang"

"Kumain ka muna bago ka umalis." pagmamatigas ko

"Sa labas na lang siguro, baka ma late ako"

Tumingin ako sa kanya habang naka taas ang isang kilay "San kaba pupunta? Bakit parang ang importante?"

"Ngayon ang alis nila Klyde. and gusto nila na ihatid namin sila sa Airport"

Napatingin naman ako sa sinabi niya "buti naman aalis na si hotdog" mahina kong sabi

"Anong sabi mo Cal?"

"Ha? sabi ko? ahhhh..... anong oras uwi mo?"

Tila nag iisip pa siya bago sumagot "lunch i guess"

"Sige labas tayo later, pag uwi mo" nagulat ako sa sinabi ko shettt

"Tawagan kita"

"Mag iingat ka"

Tumango lang siya at lumabas na ng pinto

"Papakasalan pa kita." bulong ko sa sarili ko syempre

Habang kumakain ako ay may biglang tumawag. naalala ata ako ni dad.

"Dad?"

"Hello?" nagtaka ako kasi babae yung boses

"Tang! na sino to?" hindi ko na napigilan ang sarili ko mag bitaw ng bad words

"watch your words ISHI CALEBRINA" wait parang may narinig nakong ganitong boses, diko lang matandaan

"Who the fuck you are?"

"i said ISHI CALEBRINA your words, This is Ailey" walang gana niyang sagot

"Oh, Secretary Ailey? anong kailangan mo? Bakit hawak mo ang cellphone ni dad?" at mag kasama pa talaga tsk

"Hindi na naka pag paalam ang dad mo sainyo kasi alam niyang iiwasan mo lang siya, Papunta kaming L.A ngayon may urgent siyang trabaho, 1 month lang naman kaming mawawala" buti alam niya na iiwasan ko lang siya

"Kami? Ay oo nga pala secretary ka, malanding secretary"  mahinang sabi ko para hindi niya marinig

"May sinasabi ka Calebrina?"

"W-wala, sabi ko bakit parang ang tagal naman non? you serious 1 month?" kadalasan kasi 2 weeks lang hmm?

"Tsss para to sa ikakaganda ng future niyong mag kapatid"

"Future? At sino ka para sabihin sakin na maganda ang magiging future ko? isa ka lang secretary. na kabit ni dad na sumira sa pamilya namin" hindi ko na napigilan ang sarili ko ng tumaas ang boses ko.

"Alam kong galit ka sakin pero sana bago ka mag bitaw ng masasakit na salita ay dapat alamin mo muna ang katotohanan. katotohanan na kayo mismo ang sumira ng sarili niyong pamilya na sinasabi mo." tumawa pa siya ng nakakaloko

"Hindi niyo binigyan ng pag kakataon na mag paliwanag si Mr. kim kasi mas inuna niyo ang galit kesa sa tunay na nangyari. Tapos sasabihin mong sinira ko? Okay tatanungin kita ha!? sino ba yung hanggang ngayon hindi parin kayang umuwi sa sarili nilang bahay? sino ba yung walang respeto sa sarili niyang ama? sino ba yung umalis?. " dagdag niya pa

Naramdaman kong may pumatak na luha sa aking pisngi kaya agad ko itong pinunasan

"Hindi ako umalis" sabi ko na lang

"Hindi ka nga umalis, pero inalisan mo naman ang karapatan niya maging ama sayo"

Mas lalo pang lumaglag ang mga luha ko sa sinabi niya.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko. hindi moko kilala"

"Kilalang kilala kita ISHI CALEBRINA KIM, baka ikaw ang hindi nakakakilala sa sarili mo?"

Napatigil ako sa sinabi niya "Anong ibig mong sabihin?"

"Sabihin na natin na para bang........... kinulong ka sa maling.......... maling katauhan."

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo"

Tumawa pa siya bago mag salita "Hindi mo talaga maiintindihan dahil pilit kang kinukulong sa mga bagay na dapat na malaya mong ginagawa."

"Malaya? anong ibig mong sabihin Ailey?" naguguluhan kong tanong

"Hay nako Calebrina! hindi mo pa nga kilala ang sarili mo"

"Bakit kaba tumawag?" pag iwas ko sa sinabi niya

"Sabi ni Mr. kim ikaw na daw ang pumalit sa kanya" yun lang pala e

"Yun lang ba?"

"May isa pa pala"

"What is it?"

"Gusto niya na bumalik na kayo ni Veronica sa sarili niyong bahay"

"Hell no."

I ended the call with a slight hatred

________________

Hi ebriwan sorry if ngayon lang ako nag update ah busy kasi sa school works and may work pa heheh anyways take time to read ulit imissyouuu guys ang take care always keep safe and your family mwaaa!!!! ❤️

THANKYOUUU FOR SUPPORTING GUYSSSS AND PLEASE VOTE ALL CHAPTERS GOODNIGHT ILOVEYOU ALL!!🤍

MY SISTER HAVE A SECRET FEELINGS WITH MEWhere stories live. Discover now