AGENDA 2

250 27 44
                                    

“Are you ready to meet my Son?” Dinig kong tanong ni Mr. Raymundo habang abala siya sa pag-aayos ng mga Dokumento sa ibabaw ng kaniyang Table.


I just rolled my eyes, secretly. First of all, I hate waiting for someone or something. Ayaw ko ng pinaghihintay ako. Mahigit kalahating minuto na yata ako sa loob ng Opisina niya pero wala siyang ginawa kun’di ang ikwento ang personalidad ng Anak niya.


And it irritates me. I don’t care about someone whom I don’t even know, alright. Who would be, anyway? Mabait lang siguro ang ganoon. Yung may pakialam sa lahat, at hindi ako isa sa mga ‘yon.


“Let’s go outside, shall we?” Saad niya pa at nauna akong pinalabas bago siya sumunod.


Nang makarating kami sa tapat ng isang Office ay napahawak kaagad ako sa bibig ko gamit ang isang kamay. Just what the hell! Bakit ba naman kasi may nakadikit na Sticker na Spider Man sa pinto?!


Sobrang bata ba ng Anak niya o isip-bata lang talaga?


Napailing na lang ako.


Sakto namang bumukas ang pintuan at bumungad doon ang isang babae na medyo may katangkaran. “H-Huwag po muna kayong pumasok, Sir.”


Sa palagay ko ay Mid-40 na ito pero hindi naman halata dahil sa balingkinitan nitong katawan. Mukha ring bata ang mukha niya. So beautiful.


“Why? Is there something wrong?” Kunot-noong ani Sir Raymundo sa babae.


Kumagat-labi ito at bahagyang yumuko. “A-Ang Anak n’yo ho kasi, Sir. Narito na naman siya sa loob at pinipilit makipaglaro sa Kapatid niya.”


Napataas ang kilay ko. Mabuti na lang at nakasuot ako ng Salamin na wala namang Grado kaya ‘di nila ako napansin. Dalawa pala ang Anak niya?


Tumikhim si Mr. Raymundo at binalingan ako ng tingin. Maiwan na siguro muna kita, hija. Just be nice to Vandryck and do your job properly, okay?” Paalala niya at saka hinarap ang babae. Vandryck, huh? “Take him to my Office, Vanessa. I will call my bodyguards to drive him home.”


Tumango lang ang babae at saka pumasok na sa loob, siya naman ay nagpaalam na sa ‘kin bago tumalikod. Hinintay ko na lang na makalabas ang babae, at sa pagbukas ng pintuan ay isang bata ang bumungad sa ‘kin.


Napakurap-kurap siya saglit habang nakatingin sa mukha ko pero kaagad rin siyang tumakbo nang marinig ang sigaw nung Vanessa. No choice ako kun’di ang pumasok na sa loob nang makaalis ang dalawa habang naghahabulan.


“Julian! Baka madapa ka!”


Pasaway. Ani ko sa isip.


Sinaraduhan ko na lang ang pinto at kaagad na sumalubong sa ‘kin ang salubong na kilay ng isang gwapong lalaking nakaupo sa Swivel Chair. Talagang hindi siya natinag kahit na matiim na ang titig ko sa kaniya.


Oo nga pala, naka-salamin ako. Tss.


“Who are you, Slut?” Biglang usal niya na ikinatigil ko.


Hindi na bago sa ‘kin ang masabihan ng slut, pero kasi! Ang inosente ng pagkakasabi niya. Parang sanay na sanay na siyang magsalita ng ganoon. Psh.


I just crossed my arms and raised my eyebrows on him. “My name is April Adriano from Dark Agency, Mr. Vandryck. Your father hired me to be your Secretary that’s why I’m here, standing in front of you. Isn’t it obvious?” ‘di ko napigilang haluan ng sarkastiko ang boses ko.


APRIL HIDDEN AGENDA (CALENDAR GIRLS SERIES #4)Where stories live. Discover now