Advice (JJ)

4.5K 71 3
                                    

Hiiii hehe .__. Walang kinalaman ang title ng chapter na 'to sa advice dito XD Jokes hahahahaha yan yung initials nung dalawang tao na nakakaranas neto.


Naranasan niyo na bang magkagusto sa isang taong malayo sa inyo? I mean LDR kayo kung sakaling maging kayo. Mahirap diba? kasi hindi mo alam kung seryoso o totoo mga sinasabi niya sayo kapag magkatext o makaphone call kayo. Mahirap magtiwala pag malayo sa inyo ang taong mahal mo. Tama diba? kaya maraming nagbebreak kapag LDR sila. Pero hindi ko nilalahat ah? Nasa sainyo naman kasi yan. Kung talagang loyal at may tiwala kay sa isa't-isa magtatagal at magtatagal kayo.


What if yung taong mahal mo niloko ka? sinaktan ka? Iniwan ka? Eh mahal na mahal mo siya to the point na hindi mo na kayang iwan ka niya. Pero wala eh iniwan ka pa din niya, pinagpalit. nawalan kayo ng communication for almost two years then ayun wala ka ng gaanong naririnig na balita about sa kanya but may nasasagap ka pang konti. Then hirap na hirap kang mag move on then one time ayun unti unti nakakapag move on ka na. Pero nung makakamove on ka na sana ng tuluyan bumalik siya bigla. Nagsorry, nanghingi ng chance, magbabago na, magseseryoso na, at mahal ka pa daw.


Anong gagawin niyo? Bibigyan niyo ba chance?


For me? Seriously hindi ko din alam ang gagawin kapag nasa ganyang sitwasyon ako. Mahirap na kasi magbalik yung tiwala diba? Lalo na niloko ka. Pero sabi nila everyone deserves a second chance so bakit hindi ulit bigyan? tsaka mahal mo pa naman eh. Basta limitahan mo lang yung pagmamahal mo, I mean wag mong ibigay lahat. Hayaan mo muna siyang bumawi sayo. Hayaan mo munang patunayan niya na seryoso na siya sayo, kapag napatunayan niya na na worth it yung chance na binigay mo then ayun ipagpatuloy niyo na ang naudlot niyong lovestory pffft



Pero kapag niloko ka niya ulit. Gago talaga siya, that's his lost, not yours. Atleast ikaw ginawa mo na yung part mo. Sign lang yun na hindi siya ang prince charming mo :)



PS: Bigay din kayo advice :)

Quotes & Advices!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon