Entry #45 (How to move-on?)

3.5K 66 4
                                    

"How to move-on?"


"Ate, may problema ako :( Hindi ako maka move-on sa kanya :( Anong gagawin ko :("


"Ate, Gusto ko ng mag move-on, kaso mahal ko pa siya eh :("


"Tulungan mo naman ako ate TT_____TT"


"Ang sakit sakit, minahal ko naman siya eh :'("

"Pano ko makakalimutan yung sakit :( </3"


Paano nga ba mag move-on? Paano ba kalimutan ang taong minahal mo o baka mahal mo pa? Paano mo siya kakalimutan kung paulit ulit na bumabalik ang mga masasayang alaala niyong dalawa ng magkasama? Paano mo siya kakalimutan kung lagi mong tintingnan ang inbox mo kung saan nandoon yung conversation niyo nung kayo pa? Paano ka makakalimot kung kada bukas mo ng facebook, profile niya agad ang tinitingnan mo? wall niya agad ang pupuntahan mo? Titingnan mo kung may bago na ba siya, kung nagstatus ba siya na miss ka na niya, o kung nakalimutan ka na ba talag niya. Hindi ka makakapag move-on kung lagi mong babalikan yung mga bagay na konektado sa kanya. Hindi ka makkamove-on kung babalikan mo yung masasayang alaala niyong dalawa, Kung gusto mo na talagang ibaon sa limot ang lahat simulan mo sa mga pictures niyong dalawa. Kung meron man kayong pictures, o selfie na magkasama kayo wag mong idelete lahat. Magtira ka ng kaunti at itago mo, pero yung ititira mo wag mong titingnan hanggat alam mong may nararamdaman ka pa sa kanya, tingnan mo lang kapag sa tingin mo ay unti unti nagiging masaya ka na ng wala siya, at pag tiningnan mo ulit ang pictures niyong dalawa na wala ng epekto sayo, makakaya mo ng harapin ulit siya ng nakangiti. Wag kang gagamit ng iba para makalimutan siya, kasi kung hahanap ka ng rebound makakasakit ka lang. Wag kang iinom o sasama sa kung sino-sino, wag mong sisisirain buhay mo ng dahil lang hindi ka makapag move-on, Wag kang magmumukmok sa kwarto mo, yeah hindi masama ang umiyak pero alamin mo yung limit ng pag-iyak mo, huwag mong hayaan na ikaw nagpapakahirap para makalimutan siya tapos siya ayun nagpapakasaya kasama ang bago niya. Tumayo ka, magpakatatag ka, kasi siya nga nakalimutan ka, kung kaya niya. Kaya mo din, Kaya ngiti lang! Punasan ang mga luha at ngumiti. *O*// payting!


Quotes & Advices!Where stories live. Discover now