Bestfriend pero umaastang boyfriend problem

853 5 0
                                    


We've been friends for nearly 3 years, pero recently siya 'yong kasa-kasama ko for almost 1 year na. We're classmates but not really that close till we're 2nd year/grade 8. Kaya lang kami naging magkaibigan kasi girl best friend niya yong girl best friend ko, at boy best friend niya 'yong boy best friend ko.

Some stuff happened kaya 'yong circle of friends namin eh nag-fall out. Kaya kaming dalawa nalang ang magkasama,and thus we became close.Nagka-boyfriend ako, online relationship. Taga-Ireland si Kyah. Nung una parang ang clingy ni best friend kaso di ko masyadong napapansin kasi mej may distansya naman siya, 'yung bang alam niya kung sa'n siya lulugar? Pero pagkatapos namin magbreak ni Kyah Irish, bigla nalang siyang naging overprotective, na akala mo sa kaniya nakipagbreak 'yong tao. Kulang nalang ilagay ako sa baul.

After that, marami akong nakikilala/nagiging kaibigan online at sa personal na rin. Lahat kasi ng nangyayari sa'kin sinasabi ko sa kaniya, like a normal best friend. Kaso parang ayaw niyang makipagkaibigan ako sa iba, lalo na sa lalaki. Gusto niya sa kaniya lang ang atensyon ko. Sobrang clingy niya. Naisip ko na baka may gusto siya sa'kin.Tinanong ko siya, lagi niyang binabanat 'yong "aral muna". Ang sabi niya one time kapatid lang daw ang turing niya sa'kin. Pero watdapak, men? May kapatid akong lalaki, and that asshole never treats me like that. Seriously speaking, para ngang mas boyfriend ko pa 'tong best friend ko kesa kay Kyah Irish.

So, Ate, can you help me figure out this confusion? Tsaka gusto ko rin ng bagong kaibigan, pero pinipigilan niya ko. Hindi ko rin naman siyang kayang iwan kasi wala siyang ibang kaibigan bukod sa'kin


-------------------


Hi bb girl! For me ah? Walang bestfriend na ganon yung magiging akto. Kumbaga feel ko ayaw niya lang umamin, ayaw isacrifice friendship niyo kasi baka mareject siya. Sobrang possessive na kasi ng ginagawa niya at hindi yon okay. Oo natural na protektahan ka niya from boys kasi kaya nga bff kayo e pero hindi naman yung halos palayuin ka na to the point na kahit pakikipagkaibigan bawal. Just try to confront him, kung ayaw talagang umamin it's for you to know what to do, I mean ikaw na ang makakapaghandle non. Kung pababayaan mo na lang ba siya o ano.


Pero bb, ano ba ang nafefeel mo towards him? Kaya ba di mo maiwan dahil lang sa kaibigan mo siya or.... may iba pang dahilan? Pero kung ano man yan, I know you can handle that very well


So dalawa lang talaga ang gusto kong sabihin, it's either ayaw lang umamin ng bff mo sayo dahil natatakot siyang magreject or magsacrifice (yung friendship niyo of course kapag nireject mo siya di na pwedeng maibalik yung dati) or ganon lang talaga siya sa kaibigan niya (pero feeling ko hindi dahil sabi mo nga biglaan siyang nagging ganon)


Anddd... about sa nararamdaman mo, kung kaibigan lang din ba ang tingin mo sa kanya or more than that pa.



Hey guys! Ano sa tingin niyo?

Quotes & Advices!Where stories live. Discover now