Chapter 24

182 8 6
                                    

General









"Ma'am,nakatakas po si Terrence." Hinihingal na sabi ni Jhong,agad namang nagsitayuan sina Vhong,Anne at Karylle. Walang imik silang lumabas sumakay sa kanya-kanya nilang sasakyan naglagay ng siren sa taas ng roof ng kanilang sasakyan at mabilis na pinaharurot ang kanilang sasakyan.

"Shiela,give us information kung saan patungo ang suspect at kung anong sasakyan ang gamit niya." Seryosong sabi ni Karylle habang may nakalagay na earpiece sa kanang tenga.

"Roger that Agent Tatlonghari." Sagot naman ni Shiela sa kabilang linya at nagsimulang i-close up ang view ng drone na pinapalipad nila ngayon habang sinusundan ang sasakyan na ginamit ni Terrence para makatakas.

"He's heading north from where he came from. Probably 10km from where you are Agent Tatlonghari,pwede niyo po siyang salubungin or maglagay ng barricades to stop him. He's driving a taxi,a white toyota ang plate number ay *******." Pagkatapos marinig yun ay agad tinapakan ni Karylle ang gas pedal ng kanyang sasakyan. Muling bumalik ang galit sa puso niya.

"Karylle. Slow down. We should put some barricades tama si Shiela." Banta ni Vhong na binilisan din ang pagmaneho kasunod niya. Maging si Anne ay nag-aalalang nakatingin lamang kay Vhong.

"Magsasayang lang tayo ng oras bago pa natin mailagay ang barricades nakaalis na siya." Diretso lamang ang tingin ni Karylle hanggang sa matanaw niya sa harap niya ang isang puting taxi na hinahabol ng tatlong police car at isang helicopter sa itaas.

"Karylle!" Bago pa man makapagsalita pa si Vhong ay minaniobra na ni Karylle ang kanyang sasakyan,she looked at her right side at kitang-kita niya ang mabilis na papalapit na sasakyan. Pumikit siya at napangiwi ng maramdaman ang paghampas ng katawan niya sa pinto ng sasakyan niya ng banggain ni Terrence ang sasakyan niya. Ilang saglit pa ay tumigil ang sasakyan,kahit may konting galos si Karylle sa mukha dahil sa nagliparang salamin ng sasakyan niya ay mabilis siyang lumabas hinugot ang baril at lumapit sa taxi. Gayon din ang mga kasama niya. Marahas niyang binuksan ang pinto sa may driver's seat,nanlaki ang mata niya ng makitang nakatutok ang baril ni Terrence sa kanya. Sabay na pumutok ang baril ng dalawa. Tumilapon ang katawan ni Karylle ilang hakbang mula sa sasakyan dahil sa pagkakabaril niya. Mabilis ang paghinga niya.

"Karylle,are you okay?" Agad na kinapa ni Anne ang bulletproof na suot ng dalaga. Napahinga ng maluwag si Anne at tinignan si Karylle sa mata ganun din naman ang huli.

"The vest caught it." Anne said at nginitian ang dalaga. Maging si Karylle ay bahagya ng kumalma.

"You killed him." Si Vhong naman ang sunod na lumapit. Sa ulo tinamaan si Terrence dahil nakaupo siya habang si Karylle ay nakatayo ng pareho nilang iputok ang baril nila.

"Pano kung i-suspend ka?" Said Anne. Umiling naman siya at tumayo.

"It was self defense,i'm wearing a body cam. Pwede naman nilang tignan yun as evidence. I don't need to defend myself." Sabi niya at pinagpagan ang katawan (ikembot mo ang beywang,shar).

Lumapit si Karylle sa ambulansiya,tinignan ang wala ng buhay na katawan ni Terrence.

"Hindi ako mapaghiganteng tao,pero I finally got my revenge para sa anak ko." Emosyonal na hayag ng dalaga.

Flashback.

"No! Tito! Hindi pwede!" She cried while still hugging her Tito Stone.

Hindi na sumagot pa ang matanda dahil umiiyak na ito.

"Why?!" Sigaw ni Karylle. Hinayaan na lamang siya nina Anne dahil wala naman silang magagawa maging sila ay humahagulgol na rin.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon