Chapter 13

337 18 9
                                    

7 months
.
.
.
.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sakin kung nasaan si Karylle?" Pamimilit ni Vice kay Anne pitong buwan na kasi ang lumipas pero hindi pa rin niya mahagilap si Karylle. Hindi na rin ito nagta-trabaho sa Headquarters ayon sa kanyang impormante.

"No. And by the way. Here is my resignation letter." Sagot niya at inabot rito ang nakatupi niyang resignation letter.

"What? No! I'm not gonna accept that." Pagmamatigas nito ngunit ngumisi lamang ang dalaga.

"Bye Mr. Viceral. Do well,and congratulations sa inyo ni Jackie. Best wishes." Saad niya at umalis na. Napamura na lamang si Vice ng makaalis na ang dalaga.

Ano nga ba ang nangyari noong nakaraang pitong buwan?
.
.
.
.
.
Baliktanaw

"Halos sabay lang pala kayo ni Jackie nabuntis?" Sabi ni Anne habang kumakain kasabay si Karylle sa condo nito.

"Kaya nga eh. Funny." Sagot naman ng huli.

"By the way. Anong sabi ni General?" Tanong muli ni Anne. Ngumiti naman ng malungkot si Karylle.

"He was furious. He even wanted to kill Vice--"

"Kahit naman kami ni Vhong." Putol ni Anne. Kaya bahagyang natawa si Karylle.

"Kumalma naman siya when I explained everything. I know he's sad. Pero alam ko ring naiintindihan niya ako." Malungkot na saad ni Karylle.
.
.
.
.
"Anak,you have to understand na hindi na babalik si Karylle. I tried to talk to his uncle pero ayaw niya ring magsabi. And I know he's angry at you." Tahimik lamang na nakikinig si Vice sa sinasabi ng ama matapos niya itong muling pilitin na kausapin ang Tito ni Karylle.

"Dad,you know how I love her right? Kahit baklang-bakla ako mahal ko 'yun." Malungkot na saad ni Vice. Napangiti naman ang kanyang ama dahil sa narinig.

"Binata na ang dalaga ko." Biro nito. Umirap naman si Vice.

"Nakuha niyo pang magbiro." Masungit na sabi niya at humalukipkip.

"I feel sorry for you anak. Pero anjan pa naman si Jackie. Tsaka magkakaanak na kayo. She's,well, she's pretty." He's father tried to suggest.

"Pag-iisipan ko." Sabi niya bago tumayo at yakapin ang ama tapos ay umalis na.
.
.
.
Halos isang oras na siyang nakaupo lamang sa loob ng kanyang sasakyan,hindi alam kung saan siya pupunta. Hanggang sa maisipan na lamang niya bigla na pumunta sa Headquarters nina Karylle. Ini-start niya ang kanyang kotse ngunit bago pa siya makaandar ay nahagip ng mata niya si Karylle. Lumabas siya at akmang lalapitan niya ito ng makita niyang may kasama itong lalake. Pareho silang tumatawa habang papunta sa loob ng restaurant na halos sampung hakbang lang ang layo mula kay Vice. He stepped pero agad ding binawi ng makitang inakbayan ng lalake si Karylle. At hinayaan lamang ito ng dalaga.

Nanatili siyang nakatayo hanggang sa makapasok ang dalawa sa loob. Ng biglang may bumangga sa kanya dahilan para ma-out of balance siya. Napaupo siya at dun siya para bang nagising at nabalik sa wisyo. Ilang beses siyang lumunok at luminga-linga sa paligid. Dahan-dahan siyang tumayo at pumasok sa kanyang kotse. Ng makapasok au sunod-sunod ng tumulo ang kanyang luha, unti-unti na ring nabubuo ang sakit at galit sa puso niya.
Isa....
Dalawa....
Tatlo....
Apat....
Lima....
Limang hampas sa manibela ang ginawa niya at humagulgol.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon