Chapter 28

162 10 2
                                    

General

Karylle was busy reading a new case na na-assign sa kanila ng tumunog ang cellphone. Walang tinginan niya itong sinagot.

"Hello?"

"Spicy or original?" Kumunot naman ang noo niya ng makilala niya ang boses sa kabilang linya.

"Sinasabi mo?" She asked.

"Eih! Mamili ka na lang kasi love, spicy or original?" Umirap naman siya bago sumagot.

"Syempre original. Alam mo na ngang minsan lang ako kumakain ng maanghang e." She said.

"Okay!" Sabi naman ng kausap niya at in-end na ang tawag. Kunot-noo namang binaba ni Karylle ang cellphone niya at naiiling na tinuloy ang ginagawa.

10minutes passed ay busy pa rin ang dalaga sa pagbabasa ng kasong hawak niya. Ng biglang may naglapag ng isang bucket ng fried chicken sa mesa niya.

"Kumain ka na. Alam kong hindi ka pa kumakain love." Inirapan naman niya ang taong nagdala ng pagkain sa kanya.

"Tigil-tigilan mo ako sa kaka-love mo. Sasapakin kita." Pagtataray niya. Pero kumuha naman siya ng fried chicken dahil tama nga naman ang huli hindi pa siya kumakain.

"Nga pala wala ka na naman bang magawa sa opisina mo at nandito ka na naman para manggulo?" She asked habang nilalantakan ang pagkain sa harap niya.

"Namiss kita e. Alam mo naman ako. Araw-araw kitang nami-miss." Sagot naman ni Vice at kinindatan pa ito.

"Tigilan mo ako. Magkasama tayo iisang bahay siraulo ka ba?" Natawa lang naman si Vice sa sagot ni Karylle.

Tama kayo ng rinig (basa rather) sa iisang bahay na sila nakatirang muli. They agreed upon this dahil pareho naman nilang gustong ayusin ang kanilang relasyon. Nong una syempre nagpakipot muna si ate mong Karylle, mababawasan daw kasi angas niya. Pero sa huli she realized na hindi na niya maitatago pa ang kanyang nararamdaman. And may progress naman dahil tila bumabalik na sila sa dati. And more. Tho hindi sila sa iisang kwarto natutulog. Desisyon ito ni Karylle. (Ayaw daw kasi niyang ma-provoke ang kanyang katawang earth at baka siya pa ang magmake move kay Vice kapag nagtabi sila sa bed. Kimmy! Hahaha.) Tho she missed sleeping in bed with him pero ayaw niyang madaliin ang lahat dahil nga sa mga past na nangyari. Pumayag naman si Vice dahil nirerespeto niya ang desisyon ng dalaga.

"Uyy. Chicken!" Mabilis na pumulot si Vhong sa bucket at kumain. Kakalabas lang niya sa opisina ng General na pansamantalang posisyon niya. Tapos na ang isang buwan na napag-usapan nila ni Karylle pero muling humirit ang dalaga ng isa pa. Wala namang nagawa si Vhong kaya pumayag na lang siya.

"Ay bruh. Andito na pala yong pinapakuha mo sakin. Yan yung cell record ni Mr. Tamagochi bago namatay yong bff niya. Hindi ko pa tinitignan yan." Vhong said habang sinasabayan ang dalaga sa pag kain.

"Bakit di mo pa binasa?" She asked and stopped eating.

"Ikaw dapat unang bumasa niyan. Bakit ako?" Balik-tanong naman ni Vhong na patuloy lang sa paglantak ng fried chicken.

"Ikaw ang acting-captain diba?" Umirap naman si Vhong.

"Palabas lang naman to. Ikaw pa rin naman ang boss." Kinindatan muna siya ng huli bago pumulot ng isa pang chicken at tumalikod.

"Makakindat ka naman teh?" Sarkastiko namang sabi ni Vice. Umiling na lamang si Karylle at binuksan ang folder na naglalaman ng makapal na papel.

"Overtime ka na naman sigurado." Vice said with a sad voice.

"No. Maaga akong uuwi ngayon." Sagot naman ni Karylle pero malungkot parin ang mukha ni Vice.

"Pero iuuwi mo naman trabaho mo." Tinignan siya ng dalaga.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon