Chapter 30

177 9 4
                                    

General

.
.

"Toy, minsan lang tayo mamasyal sa malayo. Sige na pagbigyan mo na request ko." Mariing pumikit si Vice at huminga ng malalim.

"Ethan, kailangan kong bumawi sa Girlfriend ko. Ilang beses ko na siyang na-disappoint." He explained pero nagkibit-balikat lang si Ethan.

"Minsanan ka na lang bumawi. Promise 'toy. Last na 'to. Babalik na din naman ako sa America e. Last bonding na natin to." Nakipagtitigan si Vice sa kanya.

"Okay. Pero last na to a." Pasuko niyang sabi. Napangiti naman si Ethan at niyakap siya.

"Okay, mamayang 6:30pm aalis na tayo. Daanan kita sa bahay nyo?" Mabilis na umiling si Vice.

"Hindi. Dito na lang sa office. Magpapakuha na lang ako ng mga gagamitin ko sa driver ko." Vice said. Tumango si Ethan at lumabas na ng opisina ni Vice.

"Promise Karylle, last na 'to." He whispered at tinawagan ang driver niya.

.
.

"Uy bruh. Ano palang ganap bukas. Death Anniversary ni Daniel diba?" Tanong ni Vhong habang magkakaharap silang kumakain ng lunch.

"I don't know pa. Hindi pa namin napag-usapan ni Vice e." Makahulugan siyang tinignan ni Vhong.

"Di niyo napag-usapan o hindi kayo nag-uusap?" He asked. Tahimik lang namang nakikinig ang mga kasama nila.

"Itanong mo sa crush niya." Sarkastikong sabi ni Karylle.

"What? Who?" Anne asked.

"Wala babe. Let's not talk about it muna." Sagot ni Vhong.

Tahimik lang namang pinagmamasdan ni Christian ang bawat galaw ni Karylle.

.
.

"Ey bruh. Agahan mo mag-update mamaya sa amin kung anong gagawin natin bukas a." Bilin ni Vhong bago naunang umalis. Tango lang naman ang naging sagot ni Karylle.

Ng makauwi ay tulad ng dati. Wala p rin si Vice. She opened her phone para sana itext ito pero may text na si Vice sa kanya.

'Hey love. Hindi ako makakauwi ngayon. Actually for three days. Out of town tsaka despedida ni Ethan. Babalik na sya sa US e. I'll update you. Love you!' Napaupo si Karylle. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya o magagalit. She let out a sarcastic laugh. Ilang sandali siyang nakaupo bago umakyat at nagkulong sa kwarto.

Ng makaligo na at lahat ay tulala lamang siyang nakaupo sa kanyang kama. Nagising lang ang diwa niya ng tumunog ang cellphone niya. It was a message from Vhong.

'Bruh, nakapag-usap na ba kayo ni Vice?'

Ngayon ay nangibabaw ang galit na naramdaman niya.

'Simple picnic na lang siguro.' She replied. Wala na siyang natanggap na response kaya nilapag na niya ang cellphone niya at humiga na. Galit ang humele sa kanya sa pagtulog.

Sa kabilang banda naman ay nagdadalawang-isip si Vice kung tatawagan ba niya si Karylle o hindi. Pipindutin na sana niya ang 'call icon' sa kanyang cellphone ng may kumatok sa kwarto kung saan siya matutulog. Alam niya na si Ethan yun. May plano kasi sila kasama ang ilan sa dati nilang kaklase nung Highschool na magnight swimming. Resort ang napili ni Ethan na puntahan nila, beach sana pero umalma na si Vice. Mas malayo na e.

"Toy, labas ka na dyan tara na ligo." Rinig niyang sigaw ni Ethan kaya iniwan na niya ang cellphone niya at lumabas.

Alas-tres na ng madaling araw at hindi pa rin natutulog si Vice. Nakatulala lang sya. Iniisip niya kung may nararamdaman pa ba sya kay Etham kaya kahit anong sabihin nito ay pumapayag siya. He shook his head.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon