CHAPTER 2

14 2 21
                                    

KYLA'S POV

Sa pagtakbo ng mga araw naging close na din ako kay sir, pero sobrang strikto nya pagdating sa pagkain, damit at kung ano-ano pa.

"Kyla!" pagtawag ni sir sakin.Agad naman ako na pumunta sa kwarto nya at naabutan ko sya na walang damit pang-itaas.

"Bakit p---, ay jusko!, magdamit kanga sir" pagsuway ko dito.

"Why should I follow you? This is my house, I can do anything what I want." sambit nito.

"Eh sir, kailangan mo magdamit, ang pangit kaya kung may makakita sayo na wala kang T-shirt tapos nandito ako sa loob ng kwarto mo." pagpapaliwanag ko.

"So?" maikli nyang tugon at dahan-dahang lumapit sakin.

"S-sir a-anong ginagwa nyo?" nauutal kong tanong sakanya.

Parang walang naririnig si sir at patuloy lang sa paglalakad papunta saakin. Nang magkalapit na kami ay napapikit nalang ako ngunit nagulat ako ng bigla syang nagsalita na nagdulot ng hiya saakin.

"Ms.Kyla, can you move a little? Tinatabunan mo yung cabinet ko." saad nito na nagpahiya saakin.

"A-ah s-sige po, hehe." sambit ko at pilit na tumawa.

Habang hinihintay ko sya sa dining room ay pumapasok sa isip ko any magandang katawan ni sir, anim yung pandesal mga bes! Kulang nalang palaman tapos agahan na. Habang nagd-day dream biglang may epal na nagsalita at si sir pala.

"Are you thinking about the six pandesal?" tanong ni sir.

"Yes sir, i mean hindi ah!" saad ko na nagpabalik saakin sa realidad.

"So what's for breakfast?" tanong nya saakin.

"Vegetable salad and green tea with a little amount of honey." tugon ko dito, napa-english ako mga besh.

"Good, that's why I like you." sambit nito na ikinagulat ko

"P-po? G-gusto nyoko?" nauutal na tanong ko

"Yes, I like you as my maid." sagot nya na nagpatigil saakin sa pag-aasume na gusto nyako, i mean sino ba naman ako para magustuhan diba?.

Habang kumakain si sir napatingin ako sa mga labi nyang kulay rosas at napaisip nalang ako, "ang swerte naman ng baso, kutsara at tinidor kasi natitikman nila yung labi ni sir".

"What are you looking at?" malamig na tanong ni sir.

"W-wala po." sagot ko naman dito.

Pagkatapos kumain ni sir ay naghugas nako ng plato at lumabas, may nakita akong maganda, sosyal, maputi at mayaman na babae, kausap sya ni sir. Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni sir asungot.

"Kyla!" pagtawag ni asungot, i mean ni sir. Agad naman ako na lumapit sakanya at nakita kong ang sama ng tingin sakin ng kasama ng magandang babae.

"This is kyla, she's my personal maid." pagpapakilala ni sir saakin

"Hi ma'am, ako po si kyla." saad ko at hinanda ang kamay upang makipag-shake hands sa magandang babae ngunit tumanggi ito.

"No need." tipid na saad nito.

Nginiti-an ko nalang sya at sinabi ko sa isip na...

"Ang arte naman nito, at yung kasama nya mukhang kabayong nakawala." sabi ko saaking isip.

"By the way, baka hindi mo pako kilala." maarteng saad nito

"Sino po ba kayo?" pilosopong tanong ko sakanya

"I'm Maxine Dela Costa, business partner ni Zander sa kompanya." pagpapakilala nya.

"Ahh, nice to meet you po...ma'am." saad ko at tinignan sya sa mata, mukhang maarte.

"Zander, can i stay here? Hindi naman masyadong matagal, yung mansion ko kasi ginagawa pa." sambit nya at ngumiti

"Yeah, sure, 'don ka sa guest room, malinis na yun and well organized" pagpayag ni sir

"Dito talaga titira yun? Pati yung mukhang kabayo na kambing?" tanong ko sa aking utak.

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" mataray na sambit ng kabayo na kambing.

"Don't mind her Tina, let's go." saad ng maarteng si Maxine.

Mga feeling maganda, ok na sana yung Maxine pero yung Tina, eww, sobrang panget, parang binagsakan ng langit at lupa.

Dalawang araw na ang lumipas nang tumira dito sina ms.Maxine, napaka Arte nya pero kapag anjan si sir parang maamong tupa.

"Kyla, linisin mo nga tong paa ko." utos ng bruha

"Ms.Maxine personal maid po ako ni sir Zander, hindi nagapaglinis ng paa nyo, so ibig sabihin 'non si sir lang ang susundin ko...tumawag nalang po kayo ng manicurista or yung mga nagtatrabaho sa spa." saad ko at ngumiti. Nakita ko naman ang namumuong galit sa mga mata ni Ms.Maxine, pft bala syang mapikon.

BABY SITTING THE HOT C.E.O. [PART 1:ONGOING]Where stories live. Discover now