CHAPTER 3

10 2 22
                                    

                  KYLA'S POV

"What? Sumasagot kana sa amo mo kyla?." mataray na tanong ni Ms.Maxine.

"For your information po, hindi 'ko kayo amo…ang amo ko po ay si Sir Zander lang, kaya tawagin nyo nalang yung assistant nyong mukhang kabayo at sya palinisin nyo ng paa mo, aalis na 'po ako Ms.Maxine." pang-aasar ko ay umalis.

Ang taray nya, feeling nya sya yung boss ko. So yun na nga habang naglilinis ako ng kwarto ni sir Zander may biglang tumawag sa phone ko.

"Hello kyle" pagbati ko sa phone.

"K-kyla." mangiyak-ngiyak na tono ang pananalita ni kyle kaya nag-aalala ako.

"Bakit anong nangyare?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"S-si mama, nabangga ng kotse tapos di manlang tinulungan." umiiyak na sambit ni kyle.

"K-kamusta na si mama? Maayos naba sya?" sunod-sunod kong tanong kay kyle.

"P-patay na si mama kyla." mga katagang nagpatulo ng aking luha.

"Kyle, hindi yan magandang biro." saad ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.

"Hindi ako nagbibiro Kyla, sa tingin mo kaya ko magbiro tungkol sa kamatayan?" humahagulgul na tugon ni kyle

Nabitawan ko ang aking telepono at napaupo sa sahig.

"Hindi ko manlang nasukli-an ang mga sakripisyo sakin ni mama, di manlang ako nakapag-paalam sakanya. Di 'ko manlang sya nakita kahit sa huling pagkakataon." sabi ko sa sarili habang humahagulgul ng iyak. Nang biglang dumating si sir Zander, kaya napayakap nalang ako sakanya dala ng kalungkutan.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni sir habang yakap ko sya.

"Y-yung mama ko po sir, nabundol ng sasakya…di manlang nila tinulungan yung mama ko, di manlang nila dinala sa hospital…sana buhay pa yung mama ko kung tinulungan lang sya ng mga nakabangga sakanya." tugon ko kay sir habang umiiyak

"Don't worry Kyla, those people who hit and run your mom will me punished, i promise you." saad ni sir

"S-salamat sir." pagpapasalamat ko.

"Don't call me sir, just call me Zander." sambit nya at ngumiti

"Hindi po pwede yun, amo kita kaya dapat lang na––." naputol ang sinabi ko nang bigla akong halikan ni Sir, pero smack lang.

"S-sir? B-bakit moko hinalikan?" tanong ko sakanya

"Para tumahimik ka and as I said, don't call me sir…call me Zander, or else i'll kiss you again." saad nito at pumunta sa banyo.

Wait? Totoo ba yun? Si Sir, I mean si Zander ang nakakuha ng first kiss ko! Aba di pwede yun pero ok na din.

Habang nasa kwarto ako ay bigla akong tinawag ni sir kaya agad naman ako na pumunta sakanya.

"Kyla." pagtawag ni sir habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Agad ko naman itong binuksan at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni sir.

"Bakit po sir–i mean Zander?" tanong ko at ngumisi, medjo naiilang pako sakanya kasi alam nyo na nag-kiss kami.

"HAPPY BIRTHDAY!" pagbati ni sir, birthday ko pala ngayon? Ang kamatayan ni mama araw pa ng birthday ko?.

"thank you Zander" malungkot na pagpapasalamat ko.

"Uhm here, I have a present for you…wear that later at 6pm, we'll have a private dinner…just the two of us." saad ni sir at kumindat pa.

************

As the time pass 6pm na kaya nag-ayos nako at sinuot ang kulay pulang dress at kulay red din na heels, yung binigay ni Zander at nag-antay nalang ako na katukin nya ang pinto ko.

"Knock, knock" sambit ni Zander mula sa labas ng pinto.

"Zander, tapos nako magbihis." saad ko at ngumiti sakanya.

"You look so gorgeous, you look like an angel." pagpuri saakin ni Zander

"Thank you" pagpapasalamat ko at ngumiti sakanya.

"Let's go." tugon ni sir at hinawakan ang kamay ko, ano? magjowa lang ang peg?.

*******
Nang makarating na kami sa isang mamahaling restaurant ay agad akong bumaba sa kotse ni Zander at agad nya naman na hinawakan ang kamay ko.

Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Zander.

"So as I said earlier, tutulungan kita na mabigyan ng justice ang pagkamatay ng mama mo in one condition." sambit nito at tumingin sa mga mata ko.

"Ano yung condition?" tanong ko saka tumingin sa mga mata nya

"Be my girlfriend." tugon nito na ikinagulat ko, hinawakan nya ang kamay ko at isinuot nya dito ang isang magandang sing-sing na may diamante.

BABY SITTING THE HOT C.E.O. [PART 1:ONGOING]Where stories live. Discover now