PROLOGUE

38 0 0
                                    

"Baka gusto mo mag presidente ulit?"





Isasara ko na sana ang locker ko pero inunahan ako ni Ivan. Nakakainis, pero ayokong magalit ngayon. Maganda na ang araw ko, at hindi ako papayag na si Ivan lang sisira no'n!





"Huwag na muna, masyado pa akong bata sa high school." napabuntong hininga ako.






"Ano ka ba, Tash? Yung performance mo sa elementary ang ganda na, two years kang presidente do'n tapos hindi mo pala itutuloy dito. Sayang naman!" diretsong sabi ni Ivan habang pinupunasan ang pawis niya. Kakatapos lang ata sa training.







"Pwede naman akong tumakbo ng ibang posisyon, Ivan! Presidente lang ba meron sa council?" tinaasan ko siya ng kilay.






"Ayun naman pala e! Sige saan mo gustong party? Sabi ni Yerin, dun tayo sa kanila."







"Tatakbo ka?" tanong ko.







Nandito na kami sa hallway, inaya niya ako kumain sa labas, nakakaumay na daw kasi ang pagkain sa cafeteria.







"Oo, Vice President. Kaso gusto ko, ikaw ang presidente ko." inakbayan niya ako.





Kinurot ko ang bewang niya, "Aray!" napamewang siya nung kinurot ko. Agad akong tumawa nang malakas. "Sakit no'n."






"Hindi bagay sa'yo maging council." tinarayan ko siya, "Edi wow. Madami kayang may gusto sa akin na tumakbo, ikaw lang nagsasabi niyan."





Nagbibiro lang naman ako, "Joke lang, bagay naman sa'yo." ngumiti siya sa sinabi ko.





"Yown, true girl friend."





"Anong girlfriend?" tinaasan ko siya nang kilay. "Girl best friend pala." tumawa siya.






Pumasok kami sa isang fast food chain dito sa likod ng Marina, buti wala pa masyadong tao. Madami kasi ang nabili dito tuwing week days.






Dahil nga kaunti lang ang tao, mabilis kaming naka order agad. Hindi ko na sinabi ang gusto kong kainin kay Ivan, alam niya naman na yun.






"Alam ko namang gusto mo 'to." inilapag niya sa tapat ko ang iced tea. "Magsawa ka." dagdag pa niya.





Walang iced tea na tinda sa cafeteria kaya minsan nalang ako maka inom nito. Sa Cavite ay sagana ako sa iced tea, kada sulok meron.






"Siya nga pala, naalala mo nung niligawan kita.. " natatawa siya.






"Ano?" tanong ko bago kainin ang fries na hawak ko.






"Nung binusted mo'ko, kala ko di mo na ako kakausapin!" sagot niya bago uminom sa juice niya.






"At bakit hindi kita kakausapin?" tumaas ang kilay ko. Hindi ako ganoon, kagaya ng ibang babae d'yan na hindi mamamansin pagkatapos mambusted sa lalaki.





"Ayan ayan! Ganyan dapat, good job ka talaga always." kinindatan niya ako. Tinaas ko nalang ang middle finger ko.





Natawa siya sa ginawa ko, "Maganda ka parin naman, kahit galit ka." ngumiti siya na parang nang-aasar kaya ihahagis ko sana ang tissue na binilog bilog ko.





"Huwag mo akong bolahin." umirap ako.






"Seryoso ako sa part na 'yon. Hindi ka lang naniniwala." nag iba ang tono ng boses niya, seryoso nga.






My First Love is a Leviscan (Clemente Series #1)Where stories live. Discover now