VI

8 0 0
                                    

"Tasha, may bisita ka!"






Nagulat ako pag labas ko ng banyo, tapos na akong maligo. Saktong paglabas ko ay dumating sina Gavin kasama ulit si Cled at Kurt. Ano kayang gagawin nila dito.





Tumakbo ako papunta sa gate habang nagsusuklay, "Pasok kayo."




"Anong meron?" tanong ko kaagad sa kanila, nagmano pa sila isa-isa kay Mama.





"Hi po, Tita Amyl."





Tumaas ang kilay ko nang mag mano si Cled kay Mama, paano niya rin nalaman pangalan ni Mama? Stalker ba siya?





Umakyat naman sila sa kwarto ko, mas magandang doon na nga lang kami mag usap, hindi ko nga alam kung anong ginagawa nila dito.





"Totoo ba talaga 'yon? Kasama kayo sa Ilocos?" tanong ko, nakaupo na sila sa kama ko ngayon.





"Oo, bakit, ayaw mo ba?" sabi naman ni Kurt. Napabuntong hininga naman ako, "Si Ate, alam na ba niya?"




"Alam na niyang pupunta tayo sa Ilocos, pero hindi niya alam na kasama ex niya!" paglinaw ni Gavin. Natawa naman si Cled.




"Para surprise!" si Kurt, umirap na lang ako at kinuha ang phone ko sa mesa. Nag scroll na lang ako sa Instagram.





Nakita ko 'yong bagong post ni Gaizen sa feed ko, balita ko ay balak tumakbo nito sa election. Grade 10 representative siguro.





@gaikyelsnd
inspiration.




Naka-jersey siya kasama 'yong girlfriend niya na si Shina ata 'yon. Hindi ko matandaan ang pangalan niya, basta.





"Cute, sila pa rin pala." bulong ko. Agad naman tinignan ni Kurt 'yon dahil katabi ko lang siya, "Si Sandoval 'yan ah." sabi nito.




"Bakit, crush mo na naman?" sarkastiktong tanong ni Gavin. Umiling ako, "Nung elementary lang 'yon." sabay irap.




Maganda naman talaga 'yong girlfriend ni Gaizen. Hindi naman ako lubusang nasaktan noong nalaman kong may something sa kanila, M.U. pa lang sila noon.




"Sino-sino pa ba mga naging crush mo sa Marina noon? Baka sakaling kilala namin." sambit ni Cled. Sumagot naman ako agad.




"Wala, si Gaizen lang. Pero saglit lang 'yon, may syota e!"




Tumango siya, hindi naman siguro siya nagulat na si Gaizen lang ang naging crush ko, tsaka wala pa akong balak mag ganito-ganyan dahil bata pa ako. Study first.




"Pero paano kung walang girlfriend si Gaizen noon? Tapos higit pa sa crush 'yung tingin niya sa 'yo?" tanong nanaman niya, napatigil tuloy ako sa pag scroll at tumingin sa kanya nang seryoso.




"Bata pa ako, bawal pa mag boyfriend!" paalala ko sa kanya. Napaiwas tuloy siya nang tingin sa'kin, hindi ko alam kung ano reaksyon niya.




Wala kaming magawa kaya pumunta nalang kami sa Levisca Park, sa may kainan. Pinayagan naman ako ni Mama dahil ang sinabi ni Gavin ay libre niya, kahit hindi naman.





"Takoyaki na lang sa'kin." nilabas ko na ang wallet ko para ibigay sana kay Gavin ang pambayad, agad naman niya akong pinigilan.





"Libre ko naman talaga, baliw! Tsaka masama ang magsinungaling." sabi nito kaya bumuntong hininga na lang ako at ibinalik ang pera sa wallet.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First Love is a Leviscan (Clemente Series #1)Where stories live. Discover now