I

23 1 0
                                    

"Ano ba tipo mo sa mga lalaki, Tasha?"







Lumipas ang halos anim na buwan, malapit na matapos ang school year. Naging busy ako palagi dahil tambak ang school works at ang project ng councils.










Napahinto ako sa pagsusulat sa board nang tanungin ako ni Ivan, siya na ang Student Council Vice President dito sa Marina.










"Ewan." maikling sagot ko.










Nagpa-meeting si Yerin ngayon dahil malapit na namin gawin ang last project namin, election na kasi next three months.










"Luh, anong ewan ka dyan?" tanong ulit niya.









"Huwag mo akong tanungin ng mga ganyan, wala akong panahon para sumagot ng ganyang tanong." seryoso kong sagot sakanya. Hindi naman ako naiinis, sadyang wala lang akong masagot.








"Okay po, miss secretary." ngumiti siya na parang nang aasar, ihagis ko kaya 'tong marker na hawak ko sakanya nang matauhan siya!










"Tash, wala ka na bang balak tumakbo next election? Pwede ka pa magdecide oh, hangga't maaga pa." si Yerin.








Gusto talaga ni Yerin ay ako ang pumalit sakanya bilang President, maganda raw kasi ang performances ko noong Student Council President pa ako ng Marina Elementary.










Umiling ako. "Lilipat na ako next school year."









Sinabi ko na sakanila na magta-transfer na ako, hindi ko alam kung bakit sila gulat na gulat. Siguro nga maski sina Talitha na kaklase ko ay gulat na gulat rin.









"Saan?" sabay sabay nilang tanong.








"H-Hindi ko alam, kung s-saan may malapit na school sa lilipatan n-naming bahay." nauutal pa ako.








Levisca lang naman ang malapit doon, bumisita na kasi kami nila Mama sa bago naming bahay. Hindi pa rin ako sigurado kung sa Levisca ako o mananatili parin dito, masyado namang malayo kung dito parin ako.








"Saan ba kayo lilipat?" tanong nanaman ni Ivan, hindi talaga matikom ang bibig nito.









"Sta. Monica,"










"Levisca lang ang meron doon, baka doon ka mag aaral? Oks lang yan, para pwede narin kami pumasok do'n, diba Van?" sabi ni Yerin.









"Nakapasok na ako do'n haha! Diba may laban kami do'n last year? Kawawa ka naman hahaha!"









"Ay oo nga pala, nanalo ba kayo ro'n?" tanong ko naman.








"Hindi, ang lakas kasi nung isa do'n eh." sagot ni Ivan.









"Sino? Baka tropa 'yan ng pinsan ko." sagot ko naman. "Naalala mo nung nakita kitang naka-suot ng Levisca Jersey?" pagpapaalala niya sakin.








"Oo." sagot ko.









"Iyon si ano, ahm.. Guevarra! Malupet 'yon sa basketball. Grade 7 lang siya nung nakalaban ko sila, matangkad tapos kala mo kaedad ko lang."









My First Love is a Leviscan (Clemente Series #1)Where stories live. Discover now