III

24 0 0
                                    

"Uy! Binata na si Cled!"







Nanatili pa rin akong nakatulala sa sinabi niya, siguro ay nagbibiro lang siya. Ngayon lang naman kami nagkakilala kaya imposible na magkagusto agad siya sa akin.







Tama, nagbibiro lang siya!






"Joke lang gagi, kaya ayoko magbiro eh! Sineseryoso ninyo."









"Mukha kang seryoso sa part na 'yon." sambit ni ate Yuria.







"Pag sinagot ka nito, congrats panalo ka na!" turo sa akin ni Ivan.








"Joke lang pre! Pramis joke lang." ulit ni Cled, pinaglalaban niya talagang biro lang ang sinabi niya kanina.








Bumuntong hininga ako, "Joke nga lang daw!" agad naman akong nagsalita. Gets ko naman siya, at hindi ko rin sineryoso ang sinabi niya kanina.










"Siya nga pala, kamusta pala performances mo sa Danford, Ate?"
curious ako kung ano ginagawa ni ate Yuria sa school nila. Kung gano'n rin ba kagaya sa amin ni Gavin.








"Ayon, council din ako.. Sa grades naman, okay lang. Pero hindi ako matalino." seryosong sagot niya.







Biglang sumali si Gavin sa usapan, "Tingin nga, card."






"Ay hala, nanghamon pa ng card reveal. Oh sige!" agad binuksan ni ate Yuria ang phone niya at pinakita ang grades niya sa amin.







Mataas ang grades ni ate at puro line of nine, wala akong nakitang mababa at pasado naman lahat ng grades niya.






Tapos sasabihin niyang hindi siya matalino?!






"Akala ko ba, hindi ka matalino?" tumaas ang kilay ni Gavin.







Sumagot naman ito, "Hindi nga."








"Linyahan ng mga Clemente talaga oh, hindi daw matalino pero yung grades puro line of nine." sambit ni Kurt.








"Average, 95?!" nanlaki ang mata ko.







Nagsalita nanaman si Kurt, "Hanggang ngayon, scammer ka pa rin, Yu."







"Kailan kita ini-scam?!"









"Joke lang." tiningnan siya ng masama ni ate Yuria kaya nagsalita na siya. Alam naman naming nagbibiro lang si Kurt kaya tumawa kami.







"With honors ka?" tanong ni Gavin.







Tumango naman si ate, "Second lang." nagulat nanaman kami sa sinabi niya.







Nilalang niya lang ang second honor?!







"Tigil mo na nga yan, Yuria." sabi ni Ivan. Close na agad sila dahil kanina rin ay nag uusap sila about sa acads at intrams.







Makalipas ang ilang minuto, bumalik si ate Yuria sa Danford at si Ivan naman ay bumalik rin sa School. Ngayon ang closing party nila at siya ang president ng class kaya dapat raw ay naroon siya.






"Shang, alis tayo!" biglang nag aya si Gavin. Minsan talaga ay tinatawag nila akong Shang o di kaya'y Tashatot, depende raw sa mood nila.






My First Love is a Leviscan (Clemente Series #1)Where stories live. Discover now