𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 32: Memory

46 1 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
MAY BAGONG LOVE TEAM TAYO GUYS
A/N ang story ko ay kathang isip lamang kaya as much as possible ay iniiwasan kong mag include ng mga names of departments, agency, bureau na mayroon sa totoong buhay para maiwasan ang pagkalito ng mga readers, lahat ng nababasa nyo ay gawa gawa ko lamang at wag nyo paniwalaan, namnamin nyo lang ang emotions ng story ko hahah 🤣🤣
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Nasa bureau kaming lahat na Civet dahil sa biglaang meeting na ipinatawag ni Ren. Habang hinihintay namin ang mga superiors ay kanya kanya kami ng ginagawa nang biglang pumintig nanaman ang sakit ng ulo ko, pansamantalang nag slow motion ang paligid at tila nalulunod ako dahil parang nagkaroon ng tubig ang tainga ko sa hina ng naririnig ko, kasunod nuon ay ang pag rehistro ng mga mukha ng mga kaibigan ko nuong...? sina Mhar? sina Mhar at ang grupo nya na naka upo sa desk ng upuan, habang sina Yvone ay nakikipag harutan sa iba pang mga tao sa loob ng isang room.

"Jenas" may mahinang boses akong narinig. "Love?" naramdaman kong may nag uuga sa katawan ko "Love" nang luminaw ang pandinig ko ay natauhan ako kaya napatingin ako sa asawa kong mukhang labis na nag aalala "What happened Love? are you alright?" tanong nya

"Ha?" tanong ko "Ah, O- Oo love" sagot ko at hinaplos ang pisngi nya

"What happened?" tanong nya at humawak sa kamay ko, iginala ko ang paningin ko sa paligid kung saan naalala ko sa mga kasamahan ko ang nakaraan kung saan kasama ko sina Mhar at ang iba pa sa isang kwarto.

"Sumakit yung ulo ko" sagot ko

"Masama ba pakiramdam mo? may lagnat ka ba?" kinapa kapa ni Cerrah ang nuo at leeg ko

"Wala babe" nakangiti kong sagot

"Bakit masaya ka pa? masama na nga ang pakiramdam mo" tanong nya

"Saglit lang naman yung naramdaman kong kirot sa ulo" sagot ko "Nawala rin agad nang bigla akong may naalala sa nakaraan ko"

"Anong naalala mo love?" tanong nya, Hindi ko nakita si Cerrah sa alaala ko at alam kong hanggang ngayon ay umaasa syang maalala ko ang nakaraan namin, pilit ko mang alalahanin pero hindi ko talaga magawa.

"Naalala ko sina Mhar, sina Yvone at ang iba pa na sobrang gulo rin kagaya nila" tinuro ko ang mga isip bata naming katrabaho na nag haharutan, nag aasaran at nagtatawanang sina Sendo na pasimuno at iba pa. Ngumiti si Cerrah sa akin "Magugulo daw tayo sa loob ng isang room"

"Baka naalala mo yung panahong nasa classroom tayo and yes! never naging payapa sa room dahil Based nga sa description mo sa amin, para kaming mga dinosaurs at para kang nasa jurassic park sa sobrang gulo namin" nakangiti nyang sagot

"Nakita kita sa alaala ko, kasama mo sina Yvone na nag kukwentuhan" pag sisinungaling ko, talagang, lahat ng mga kaibigan namin nuong college ay naaalala ko liban sa isa, ni anino o pangalan ni Cerrah sa alaala ko ay burado talaga. Side effect ng serum na naiturok sa akin, kung ano at sino ang pinaka importante sabuhay mo nuon ay syang malilimutan mo ngayon, sobrang mahal ko nga talaga si Cerrah dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko sya maalala. Mas umaliwalas ang mukha ng Misis ko sa narinig nya

"Talaga ba?!" masaya nyang tanong "Totoo love?" tumungo tungo ako kahit kasinungalingan ang sinabi okay lang atleast napasaya ko ang asawa ko, tsaka ang galing ko manghula 😊 paano ko nalamang masaya sya na kasama sina Yvone? 😊😊 Natural, kung nuong panahon na iyon ay tropa kami, syempre saan ba makikihalubilo ang babae? edi sa kapwa nya babae diba?, biglang tumayo si Cerrah at masayang lumapit sa mga babae ng Civet, rinig ko pa ang masaya nyang balita sa mga kaibigan nya na naalala ko sya kaya napangiti ako nang matulala nanaman ako dahil... umulit ang alaalang nagpakita sa isip ko kanina, and this time... malinaw na, Nakaupo si Mhar sa mesa habang kinakayangkang ang isang binti at kumakanta, si Jofer at ang be beat box, Si Zaolo ay nag tatambol sa mesa, Sina Yvone, Hazel, Jhec, Nova, Yvy at Khim na nag tatawanan, nagkikilitian hanggang sa sinabunutan ni Khim si Jhec kaya biglang lumitaw ang maamong mukha ni Cerrah, nagka eye to eye contact kami at binigyan nya ako ng ubod ng tamis na ngiti

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryWhere stories live. Discover now