𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 90: I hope you're Happy

16 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Theme:

perfect x Happier

Youtube Tiktok song: Perfect- Ed Sheeran x Happier - Olivia Rodrigo

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Pinagmamasdan ni Cerrah ang namumutlang mukha ni Sinister .. namumutla o dahil malabo ang liwanag sa kweba? hanggang mapansin nya na hawak ni Sinister ang tiyan nya na mayroong dugo agad lumapit si Cerrah, malamig ang katawan at pawis ni Sinister kaya pala kahit nakapag pahinga na sila sa kweba ay hapong hapo parin sa pag hinga si Sinister, kaya pala nuong hawak nya ang kamay nito kanina ay malamig ang pakiramdam nya.

"May dugo ang tiyan mo" nag aalalang wika ni Cerrah at lumapit dito para bigyan ng pressure ang duguang tiyan,

"Alam ko ang lahat, alam ko na agent ka ganon din si Jenas,alam kong kasamahan nyo din sina Saenz at Aluza pati sina Sasa, alam kong mag asawa kayo ni Jenas.. at hindi lang ako ang nakakalam kundi pati si Silent.. tahimik lang kami at nagmamasid sa inyong kilos, kung dapat ba kaming magtiwala sa inyo o hindi.. Cerrah, nakay Silent ang sagot... hindi ko na kayang linawin sa iyo" nakapikit at pilit na kwento ni Sinister "Khalee" tinuro nya ang likuran ni Cerrah kaya napalingon sya sa likuran at nag tataka dahil wala naman si Khalee

"Sinister magpahinga ka muna, nag ha- hallucinate ka lang, wala dito si Khalee" paliwanag ni Cerrah at pinunit ang damit para takpan ang sugat ni Sinister.

"Sinusundo na ako ni Khalee" napangiti sya "Hayan sya nakangiti sa akin"  napatingin muli si Cerrah sa likod at umiling iking habang hindi mapigil ang pag luha

"Wala dito si Khalee" iyak ni Cerrah pero tila kausap ng mata ni Sinister ang isang taong wala.  ang kung sino mang aparisyon sa likod ni cerrah. "Please Sinister wag kang bibitaw, pupuntahan natin si Khalee promise"

"Sasama na ko sayo Khalee" naghihingalong wika ni Sinister sa kung anong aparisyon sa likuran ni Cerrah

"Sinister please" iyak ni Cerrah "Wala naman dito si Khalee" Ngumiti si Sinister

"Sinusundo na nya ako" sagot ni Sinister "Mahal na mahal din daw nya ako"

"Wala nga si Khalee dito!!" pasigaw na iyak ni Cerrah "Wala nga sya!! ano ba Sinister!!" gusto nyang mag wala "Nakakainis ka! bakit ka ganyan! Dinala mo ko dito tapos iiwan mo rin ako!"

"Sasama na ako Khalee" malapit nang pumikit si Sinister habang pilit na inaabot ng kamay nya ang tinutukoy nyang Khalee sa likod ni Cerrah "Sinusundo na nya ako Cerrah"

"No Sinister please" pakiusap ni Cerrah at tumingin sa likod. Kahit na wala syang nakikita ay kinausap parin nya ang tinuturo ni Sinister
"Khalee kung sino ka man na nakikita nya please wag mong kukunin si Sinister" hinawakan ni Sinister ang kamay ni Cerrah

"Thank you Cerrah" Wika ni Sinister at unti unting nalaglaga ang kamay na nakahawak sa kanya sa sahig.

"No, no, no Sinister no" iyak ni Cerrah at pilit na nire revive si Sinister, wala na sya sa huwisyo basta ang ginagawa nya CPR at mouth to mouth resucitation "Sinister" bulong nya nang wala na syang pag asa na kikibo ito. Tiningnan ni Cerrah ang mukha ni Sinister, pinunasan nya ang pawis sa mukha nito, inayos ang buhok at marahang isinara ang mga mata ng bangkay. Niyakap nya si Sinister habang naiyak "Napaka unfair ni khalee" iyak ni Cerrah "Hanggang sa kamatayan mo Sinister, hindi mo narinig mula sa kanya na mahal ka nya" Labis ang galit na nararamdaman ni Cerrah para kay Khalee dahil sa naalala nya ang pakiramdam kung paano hindi maalala at mahalin ng taong labis naming minamahal, muli ay naalala nya ang asawa nya na puro sama nalang ng loob ang ibinibigay sa kanya. "Pare pareho sila, mga walang pagpapahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila"

********************************************

Isang malamig na pakiramdam sa nuo ang bumalot kay Cerrah at ang lamig na iyon ay umabot sa buong katawan nya. Nagising sya na wala si Sinister sa tabi nya kaya napabalikwas sya.

"Sin!" sigaw ni Cerrah. Nagtaka sya sa nakita. Si Sinister at Khalee ay nakatayo habang magkahawak ang kamay. "Khalee?" tanong nya "Sinister?" maaliwalas ang itsura nila habang nakangiti, hindi sila nagsasalita nakatitig lang habang naka ngiti, sabay silang tumalikod sa kanya  "Wait! where are you going?" tanong ni Cerrah.

"WAIT!" biglang nagising sa mahimbing na pagkakatulog si Cerrah. Pag lingin lingon nya sa paligid ay nasa kweba parin sya, at pag tingin nya sa kandungan nya ay ang walang buhay na si Sinister. Manguyak ngiyak nanaman nyang hinaplos ang mainit init na bangkay ng binata. Sa isip isip nya, bakit nagpakita sa panaginip nya si Khalee? Patay na rin ba sya? Nadamay din ba sya sa barilan kanina?Sana totoo nga para may kasama si Sinister. Wala na isip ni Cerrah ang salitang katuwiran dahil ang gusto lang nya ay maging maligaya ang taong itunuring nyang kaibigan sa misyon na ito. Hindi nya lubos maisip na hahantong sya na makikita at makakasama sa huling hantungan ang isang kaibigan, ngayon nya lang na realize na sobrang sakit pala kahit wala silang proper friendship introduction at puro fling lang ang nangyayari sa kanila nuon, Kaya pala hindi solid ang pag suyo ni Sinister, mayroon pala syang mahal na hinihintay na maalala sya.

Biglang sumagi sa isip nya si Jenas

Maalala?

Naaalala na kaya sya ako ng asawa nya? o nagkukunwari lang si Jenas para hindi  magalit at magtampo sa kanya si Cerrah?

Kaya ba nakakaya ni Jenas na  tiisin si Cerrah kahit wala na sya sa misyon dahil nagbago na  ng pagtingin ang lalaki dahil sa madalas na pangpi pressure ni Cerrah na maalala sya ng asawa?

Alam ni Cerrah na nahihirapan si Jenas sa pamimilit nyang alalahanin sya, tulad ng pamimilit ni Astrid kay Cerrah nuon na alalahanin ang nakaraang pagkakaibigan nila at aware naman si Cerrah don dahil napag sabihan na sya ni Ren pero di talaga maalis sa isip ng babae ang pagkukulang na nadadama nya mula sa asawa.

Bigla nyang tiningnan ang mukha ni Sinister. Wala na syang pulso, wala na syang heartbeat at nadarama din ni Cerrah ang pag baba ng temperatura ng katawan ng binata.

"Ano bang gagawin ko sayo Sinister? give me a sign, Ililibing ba kita o hihintayin natin ang rescue para maipa autopsy ka" wika ni Cerrah kay Sinister "Ayaw kong mapagbintangan na ako ang pumatay sayo"

krrruuuukkk~~~ tunog ng tiyan ni Cerrah. Senyales na gutom na sya.

"Wag mong sabihin na gusto mong kainin kita" kausap pa nya sa bangkay "Hindi ako kumakain ng hilaw at lalong lalo na hindi ako nakain ng tao, I'm not a Canibal duh"

Marahan na tumayo si Cerrah at ihiniga ng maayos si Sinister, pagkatapos ay pumunit mula sa laylayan ng damit para itabon sa mukha ng binata

"We'll wait for our rescue. I want you to have a proper burial Sinister. You must Rest In Peace" kausap ni Cerrah sa kaibigan.

=========================================

Alam kong walang maganda at maayos
na scene si Sinister sa book na ito
pero
Nakakalungkot lang din
na namatay syang hindi man lang
nadama muli ang pag mamahal na
matagal nyang inaasam mula sa kanyang
minamahal
at kahit sa huling sandali ng buhay nya
ay hindi nya nakita at nasabihan ng
I Love You
si Khaleesi Vermillion
😥😭

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryWhere stories live. Discover now