Chapter 5

285 43 72
                                    


Met you on a springtime day
You were minding your life
And I was minding mine, too.

But baby, when you look my way
I had a strange sensation
And darling, that's when I knew...

Oh it's sad to belong
to someone else
When the right one comes along...


Feel na feel ko ang pagkanta kanta habang nakaupo sa may sofa sa sala. Kararating ko lang galing school kaya naman medyo haggard. Nagpapahinga ako while watching TV at maya-maya, maghihilamos na. Ang lagkit sa pakiramdam.

"Bulaga!" Nalingunan ko si Paul na halatang bagong ligo pa. Naka-white T-shirt lang ito at may hawak na bola.

Hindi katangkaran pero malaki ang bulto ng pangangatawan ni Paul, a contrast to his always smiling face. Ka-edad niya si Lex at siya ang pinaka-close ko sa mga katropa ng mga kapatid ko. Siya rin lang ang hindi sa akin tumatawag ng 'ate'.


"OMG! Nagulat ako grabe!" Papaypay-paypay pa ko ng mukha gamit ang kanan kamay at kunwaring nagha-hyperventilate.

Natatawa kong iniharang ang hawak kong unan sa mukha ko nang anyong ihahagis sa akin ni Paul ang bolang hawak.

"Sige, sige! Subukan mo at baka hindi ka na kailanman makatuntong dito sa aking hacienda!"

"Hacienda ng mga unano!" pang-aasar nito at prenteng naupo sa kabilang sofa. Iniwan muna nito ang dalang bola sa may tabi ng pintuan.

"Aray naman, ang hard mo po kowya!"

Tumawa naman ito at inabot ang remote control. Feel at home na rin kasi si Paul dito sa bahay. Matagal na rin kaming magkakatropa kaya naman halos parang magkakapatid na rin kami. Kung asarin nga ako nito daig pa sina Mark at Lex eh. Minsan nakakapikon din pero madalas naman nasasabayan ko ang pang-aasar nito.

"Ang corny ng pinapanood mo," anito na ang tinutukoy ay ang pinapanood kong koreanovela.

"Nagagwapuhan ka lang kay Gu Jun Pyo eh!"

"Sus! Bading yang sakang na yan eh!"

"Baka nga Japanese yan. Korean yan kaya hindi siya sakang! At hindi siya bading!" pagtatanggol ko pa sa character ng crush kong Korean superstar na si Lee Min Ho.

"Mas gwapo pa ako diyan!"

Hindi muna ako sumagot at nakahalukipkip lang. Hindi rin sa'kin nakatingin si Paul at busy sa paglilipat ng channel. "Paul oh!"

Hindi naman ito lumingon bagkus nag-OH? lang.

"Tingnan mo nga kasi," pigil ang tawang sabi ko.

"Ano nga?" tanong nito nang hindi pa rin lumilingon.

"Oh!" pamimilit ko pa. "Saglit lang!"

Sa wakas tumingin na ito sa akin, particularly sa hawak kong salamin.

"Ano ito?"

"Salamin, tapos?"

"Magsalamin ka para makita mo ang katotohanan," natatawa kong sagot. Saglit ding parang nag-isip muna ang shunga bago nagets ang pinupunto ko.

Biglang nagusot ang mukha nito at nagtanong, "Mais ka ba? Corny mo ah."

Tawa naman ako nang tawa, "Tumawa ka na lang!"

Naiiling naman itong kunwaring natatawa at humawak pa sa tiyan. "Grabe, ang galing mong magjoke! Whoah!" anito at nag-slow clap.

"Utot mo!" Hinampas ko ito ng yakap kong unan. Pilit naman nitong inagaw ang unan sa'kin at anyong ibabato sa mukha ko.

We're JUST FRIENDS, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon