Chapter 22

174 27 35
                                    

We can always love two persons at the same time, always possible... But never on the same weight, never.

Until that day when you realize, it's already time to choose. It's time to choose-- only one.

Is it true? Siguro nga, it is after all. Sabagay, madalas kasi magulo talaga ang tadhana, parang lasing. Mahirap kausap. Mahirap maintindihan.

Nang magsiuwian ang barkada kagabi at ako ri'y nakahiga na sa kama, matagal bago ako dinalaw ng antok. Nanatili lang ako nakahiga at nag-isip nang nag-isip.

Girls overthink while boys never think, or so it goes.

Alam ko, habang ako super isip ng kahit anong paraan para malusutan ko na ang gusot na 'to, si Rafael naman parang walang pakialam.

Pagkatapos ng titigan namin kagabi, I expected na mag-uusap na kami, na at least gumawa siya ng paraan para maayos ang lahat, but as usual wala lang.

Pagsiuwian ng lahat, umuwi na rin siya. Tumango lang siya sa'kin bilang pamamaalam.

Kahit hindi ko aminin, nasaktan ako. Hanggang ganito na lang ba kami?

Ang tanong na 'yan ang dahilan kung bakit nahirapan akong makatulog. Para nang matotorete ang utak ko sa kakaisip. Mula sa ginawa ni Edward at sa naramdaman ko pagkatapos ng smack kiss na 'yon hanggang sa mga titig ni Rafael bago kami maghiwa-hiwalay.

Ngunit sa dinami-dami ng naisip ko kagabi, isa lang ang binagsakan ng lahat. Isa lang ang naiwang pagpipilian para sa'kin. Isang desisyon.

Kakausapin ko ulit si Rafael-- one last chance. Bahala na. I decided to give him one last chance to take my wandering heart back.

Kung mahal ko pa ba siya or hindi na, wala akong pakialam! Hindi ko bibitawan nang gano'n na lang ang lahat ng pinagdaanan namin-- for four long years. Hindi ko basta itatapon ang lahat ng alaala naming dalawa ni Rafael.

Never.

Habang naghihintay pagbuksan ni Rafael ng pinto ngayon matapos kong kumatok nang may konting pangangatog ng kamay, ramdam ko ang matinding pagpupumiglas ng puso ko.

Tse! Manahimik ka! Ako ang masusunod! Utak ko ang masusunod!

Parang saglit na huminto ang paghinga ko nang marinig ang mga yapak sa kabila ng nakasarang pinto. Oh my God!

This is it.

Rafael's gloomy face welcomed my smiling one pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita ang mala-estatwang mukha ng lalaking minahal ko for four years-- blanko, walang bakas ng kahit anong emotion. Bagay na lalong nagpakaba sa dibdib ko.

Napakagat-labi ako pero pilit na nagsalita, "H-hi."

Hindi naman siya sumagot pero binuksan naman niya ang pinto kaya pumasok na ako. Pagkaabot ng dala kong pizza, sumunod na ako sa kanya. Wala siyang kasama sa bahay. Perfect for a serious talk.

"Juice?" napakislot ako nang magtanong siya.

My God! Why do I feel like this? Parang hindi ako komportable samantalang ang tagal ko nang pabalik-balik dito. Nakaramdam ako ng konting gapang ng lungkot nang maalala ko na dati kapag ganito, mapupuno agad ng asaran sa pagitan naming dalawa.

Dati...

"Oh, baby! Nakz, pizza!" na-imagine kong bungad niya dapat sa'kin kanina sa pinto.

Tapos ilalayo ko naman ang box kapag aabutin niya, "Tse! 'Akin lang 'to, 'no?"

Maririnig kong tatawa siya nang malakas sabay hablot sa'kin at mapapatili naman ako.

"Ah gano'n ah? Itong bagay sa madamot na kagaya mo!" kikilitiin niya ako na lalo ko namang ikatitili habang pilit kakawala sa pagkakayakap niya.

We're JUST FRIENDS, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon