1

1.5K 140 34
                                    

***

"Nash, paabot nga nung papel." Utos ni Jak. Inangat naman ni Nash ang paa niya at yun ang ginamit pandampot sa papel na nakapatong sa lamesa. "Gago, paki."

"Sabi mo kase paa." Natatawang sabi ni Nash.

"Kung 'di ka ba naman siraulo." Nagtawanan kami.

We're in Liks house, wala yung parents niya kaya dito kami tumambay, sa kwarto niya meron siyang ginawang parang bodega at tago ito. Dito kami tumatambay kapag nag c-cut kami ng klase.

"Di kaya tayo babagsak sa ginagawa natin?" Tanong ni Liks.

"Pagbinagsak nila tayo, sasabihin ko kay Daddy wag na siya mag donate sa school," sabi ni Nash.

"Tama, tama." Gatong naman ni Jak.

"Eh pano naman ako?" Tanong ko.

"Tanga, syempre kasama ka don, kaya nga may 'Tayo' eh." Batok sakin ni Nash.

"Sorry lang."

Pinagpatuloy namin ang paglalaro ng baraha, mamaya kase may laban ako, paniguradong wala na naman sila para suportahan ako.

"Diba talaga kayo pupunta mamaya?" Tanong ko.

"May date ako," sagot agad ni Nash.

"May date ka? Tapos hahanapin ka na naman samin ng mga babae mo," sininghalan siya ni Jak. "Makakahanap ka din ng katapat mo." Dagdag niya pa.

"Jak, kung ako sa'yo babalik na lang ako sa bukid kesa ilaglag ako," binatukan pa siya ni Nash. "Ang sama mo sakin." Kamot batok niyang sabi at ngumuso.

"For your information, mayaman na kami," balik naman niya.

"Oo wag mona ipangalandakan," sabi ko at tinabig ang mukha niya.

Patuloy pa ring na nag-aaway yung dalawa, pa'no naman kase itong si Nash napaka babaero, lahat na lang pinapatulan kahit pangit.

"Manunuod ako sa'yo mamaya," bulong ni Liks sa'kin. Pero yung tainga ata nung dalawa masahol sa paniki eh.

"Sigurado ka?" Sabay nilang tanong.

"Oo, tutal wala din naman akong gagawin, ede suportahan ko na lang si Azal," sagot naman niya.

"Eh gago ka pala eh, kaya nga natin siya hinahayaan para tumigil na s'ya sa bisyo n'ya, inuudyok mo naman," sabi ni Jak. Hindi ako nakasagot at nabitawan ko na lang ang barahang hawak ko.

H-huh?

"Pano kase, Azal wag kana magsugal, wag kana din makipag-away, ikapapahamak mo lang 'yan eh, ganto na lang, may plano kam-"

"Boys, easy lang kayo, kaya ko ang sarili ko, at ayaw kong umasa sa inyo, for some reason nahihiya na nga ako sainyo eh," sagot ko naman, nahihiya na akong lagi na lang sa kanila nakasandal.

"Parang 'di ka naman nasanay," umirap pa si Nash.

"Sanay na ako, pero maliliit lang na bagay ang kailangan ko mula sa inyo, kagaya ng suporta n'yo, yun lang." Bilang kaibigan nila, yun lang ang hinihingi ko.

Nagtinginan silang tatlo at malungkot na tumango, napilitan pa ata.

"Sige na, pupunta na kami," sabi ni Jak. Isa-isa ko silang pinitik sa noo.

"Goods." Nakangiti kung saad.

One pm na, pumasok kami ng afternoon class namin, kahit boring pinilit ko, si Nash mukhang hindi nabobordo dahil landi ng landi sa mga kaklase naming babae. Paggwapo talaga, lahat nakukuha.

"Azal, punta ka munang library, kunin mo yung aklat na hinihiram ko kay Miss Jen." Utos sakin ng Math teacher namin.

"Yes ma'am." Sabi ko, mabilis naman akong tumayo.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Where stories live. Discover now