Chapter Five

4.5K 229 57
                                    

Silver


Pagod na pagod akong napaupo sa tabi. Pawis na pawis rin dahil sa dami ng nilinis. Pauwi na rin ako kaya ganitong napapaupo na lang ako sa tabi. Napahilot pa ako sa mga paa kong nangalay. Ang sakit na rin ng katawan ko sa pagod. Nanghihina ako at parang hindi pa maganda ang pakiramdam ko.

Idagdag mo pa ang kaba ko na pwede akong mawalan ng trabaho pagkatapos dito. Dalawang beses na nga lang ako pwedeng pumasok dito ay baka sa susunod ay wala na.

Dahil lang sa babaeng 'yon.

"Silver, dumating na 'yong papalit sayo." Ala una na rin kaya inaasahan ko na 'to.

"Salamat ate Maria." Si ate Maria kasi ay alas sais ng gabi hanggang ala sais din ng umaga ang schedule niya.

Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit. Nagbihis na rin ako at inayos ang sarili. Anong oras na, may pagsasakyan pa kaya ako nito pauwi?

Maglakad na lang kaya ako?

"Una na ako ate Maria."

"Ingat ka Silver." Tumango na lang ako dito. Pagod na talaga ako at inaantok. Wala pa kasi akong naging pahinga o tulog. Pagkatapos ko kasing maglaba na halos inabot ng ilang oras ay dumeretso din ako dito sa kompanya.

Kailangan ko ng kita e.

Tahimik na sa buong paligid. May mga opisina din akong nadaanan na patay na rin ang mga ilaw. Merong iba na sobrang nag o-overtime. Pero di ko na sila pinapansin. Ang naririnig ko kasi ay mga palpak na magtrabaho ang mga pinag o-overtime nila.

At dahil ngayon lang naman nangyari sa akin na pumasok dito ng gabi ay marami akong narinig at nalaman.

Sobra pa sa pagiging istrikto ang may-ari nitong kompanya. Ang kaso nga lang ay wala man lang akong narinig tungkol sa may-ari kung sino man sila.

Hindi ko pa rin kilala. Bigla tuloy akong nagkainteres na malaman ito.

Bitbit ang bag ay hinihintay kong magbukas ang elevator para bumaba. Napapakamot ako sa kilay dahil sa tagal.

Napasabi pa ako ng 'buti na lang' ng magbukas ang elevator na hinihintay ko. Wala akong lakas para dumaan sa hagdan. Pag hakbang ko papasok ay natigil ako.

May tao pala sa loob na nagpakaba sa akin.

Bago pa man magsara ay nagmadali na akong pumasok dito. Napansin ko naman na pababa din ang taong narito sa loob kaya naghintay na lang ako.

Pinagpapawisan akong nilingon ang kasama. Nakasandal ito sa gilid maski ang ulo nito ay nakasandal din at nakapikit.

Bigla-bigla akong nataranta sa pagmulat nito ng mata kaya nanglalaki ang mata kong napaiwas dito. Humigpit ang hawak ko sa bag at napapadasal na lang sa kaba.

Nanglalapot ang pawis ko. Ramdam ko kasing nakatitig na ito sa akin. Gumalaw siya at nagpipigil naman akong mapalingon dito.

Ilang beses ba dapat na makasalamuha ang babaeng 'to? Ilang beses ko din ba kailangan na kabahan?

Tsaka anong oras na ay narito pa rin siya. Isa ba siya sa mga nag overtime?

Siguro ay palpak magtrabaho ang supladang ito.

Oo, ang babaeng suplada ang kasama ko dito sa loob ng elevator. Sa dami ng pwedeng makasama ay siya pa.

Gusto kong magsalita. Gustong gusto kong ibuka ang bibig ko at magtanong sa kaniya. Pero kinakabahan ako.

Nilingon ko ito. Hindi na ako nag iwas ng tingin dito. Malakas naman ang loob ko at hindi ako nahihiya. Kinakabahan lang ako dito.

Baka mamatay ako ng wala sa oras e.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now