Chapter Seventeen

5.6K 312 109
                                    

Silver


"Ate! Ate!" Nagmamadaling si Abo, dilaw at kulay ang pumasok ng bahay. Nagsisisigaw na akala mo ay may sunog.

Lumabas ako ng kusina hawak ang isang tasa ng kape. Nakakunot ang noo at pinapanood ang mga kapatid kong ang lalaki ng ngiti.

Sandali akong natigilan.

Minsan ko lang makita ang ganitong klaseng ngiti mula sa kanila. Iyong ngiti na tipong sobrang saya nila.

Hindi sila ganito lagi kaya anong meron?

"Ate! Ate! Totoo ba?!" Tanong ni Abo na lumapit sa akin. Iyong boses niya'y masigla at parang kinikilig na hindi ko malamang dahilan.

"Totoo ba ate?!" At si Dilaw na humawak pa sa kamay ko.

"Sabihin mo, sabihin mo Ate!" Pamimilit nilang tatlo. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil sa nakikitang kakaiba sa mga kapatid ko sa mga oras na ito.

"Late kayong umuwi, tapos para kayong nasaniban ng isang libong elemento. Anong problema niyo?"

"Sabihin mo ate!" Muling sigaw na naman ni Abo.

"Ang alin nga? Magbihis na kayo at pawis na pawis ang mga itsura ninyo." Aalis na sana ako sa harapan nila at magtutungo sa labas ngunit muling natigilan ng sumigaw sila ng sabay-sabay.

"Sabihin mong totoong lilipat kami sa malaki at magandang eskwelahan Ate!"

Alam na nila? Agad-agad? Parang nag iisip pa lang ako kung paano sasabihin sa kanila e.

"Sinong nagsabi sa inyo?" Binuksan ni Abo ang bag nito at may nilabas na puting papel. Winagayway sa harapan ko at ang grabe... grabe sa sobrang laki ng ngiti nito.

Planado na ata talaga ang lahat ng ito gawa ni Nicola.

Kaya ba sila masaya? Kaya ba sobrang saya nila at parang walang kahit sino ang makakasira ng mga ngiting 'yon?

O ako ang p'wedeng makagawa no'n pag pinilit ko ang sarili kong hindian si Nicola.

Palihim akong napapabuntong hininga.

"May binigay sa eskwelahan namin na request Ate! Tapos may nagpunta pa doon para kunin ang ibang importanteng requirements!" Nakatitig lang ako kay Abo. Ang laki ng ngiti ngunit.... sunod-sunod na luha ang kumawala sa mga mata niya na halos ikaiyak ko na rin. "P-Pangarap kong mag aral sa Black Lily University A-Ate—"

Napaiwas ako ng tingin.

Bakit ko ba nililihis ang mga pangarap ng kapatid ko kung gano'n iniihain na sa harapan namin. Bakit ba hindi ko magawang ibaba ang pride na meron ako kahit alam kong may usapan na kami ni Nicola?

Punas-punas ni Abo ang mga luhang nasa pisngi. Kahit siguro sino ay hindi gugustuhing sirain ang pangarap na 'yon.

"Oo." Napatingin sila sa aking tatlo. "Totoong mag aaral na kayo sa eskwelahan na 'yan at sa susunod na linggo ay doon na kayo mag uumpisang pumasok."

"H-Hindi talaga ako nananiginip? Kanina ko pa iniisip na panaginip lang ang mga ito." Tahimik kong nilapitan sila Abo. Nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at simpleng ngumiti.

"Hindi ko kayang sirain ang ngiti ninyo. Ang hirap tanggihan lalo na't kayo na ang pinag uusapan. Alam niyo na gusto kong gawin ang lahat ng makakaya ko maibigay lang at matupad ninyo ang pangarap niyo. Abo, pangarap mo sa eskwelahan na 'yan. Kayo nila Dilaw. Sino ako para ipagkait sa inyo ang isang biyayang nasa harapan na natin." Naiiyak ako. Pilit ko lang pinipigilan dahil masaya ako.... subalit naiingit ako.

"Ate!" Maagap nila akong niyakap ng mahigpit. Halos nga matapon pa ang laman ng tasa na hawak ko. "Ate salamat!"

"H-Hindi niyo kailangan magpasalamat sa akin dahil— dahil si Nicola ang magpapasok sa inyo at magpapaaral sa eskwelahan na 'yon." Mahina man, alam ko at hindi ko ipagkakait ang pait sa mga boses ko.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ