Chapter Ten

4.9K 243 32
                                    

Silver


"Miss Alaica! Sabihin mo na kasi na ibabalik ko itong cellphone." Kanina pa ako nagrereklamo at nangungulit dito sa sekretarya ni Nicola.

Ang sarap kasi ng pagkakatulog ko kanina  pero biglang tumunog ng malakas ang cellphone na hawak ko.

Gising na gising tuloy ang diwa ko. Ang aga-aga ba naman akong ginising nitong si Miss Alaica dahil kailangan daw ako dito. Samantalang siya itong sekretarya pero pagdating ko naman ay pinaghihintay lang ako.

Anong oras na rin ako nakauwi dahil sa tagal na meeting ni Nicola kasama ang mahanging lalaking iyon. Nagkaroon sila ng sariling mundo habang nasa tabi lang ako na parang naliligaw na hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nilang dalawa tungkol sa negosyo.

Basta nabantayan ko siya ay ayos na iyon. Sa ganda niya ay maraming nagtangka na lapitan siya pero nasa meeting ang utak no'n kaya hindi sila napapansin. Halos gusto kong matawa sa nagiging reaksyon nila pag hindi napapansin ng isang Nicola Marcos.

Masyado siyang pansinin. Kulang na lang ay ibulsa ko siya at itago para hindi pagkaguluhan. Kapag gano'n baka mas madali na ang trabaho ko.

"Silver, that's yours. Bigay 'yan ni Miss Marcos. Ayaw na ayaw niyang nagpapaistorbo sa kaniya sa loob. Maghintay ka na lang diyan at may inaayos akong meeting schedule niya." Napapasimangot akong naupo sa tabi niya at pinapanood siyang nagtatype sa laptop na nasa harapan niya.

Maya't maya din siyang nakakatanggap ng tawag mula sa mga kliyente.

"Nakakabagot naman, Miss Alaica. Hindi ko alam kung anong importansya nitong trabaho ko e." Daldal ko na muli dito. Kanina ko pa siya pinipilit na bawiin ang hawak na cellphone na hindi ko nagawang ibalik kay Nicola. Kung paano naman kasi na pinahatid na ako nito agad-agad pagkatapos nilang magkaclose deal ng mahanging kliyente niya.

Mahangin dahil walang ginawa kung hindi ang magpacute at magpahangin sa harapan namin ni Nicola.

Gwapo nga kaso puro hangin ang utak.

"Silver, magpasalamat ka na lang at meron kang matatawag na trabaho. Wala pa kasing posisyon na pwede sayo kaya nariyan ka. Kaysa naman sa naglalakad ka pa rin sa kalye at naghahanap ng matinong trabaho. Magtiis ka muna." Napaismid ako ng tuluyan dito.

Matitiis ko ang pagiging suplada ni Nicola pero itong trabaho na parang wala akong ginagawa at nakatanga lang habang naghihintay na magsalita ay hindi ko kaya.

"May kausap ba si Nicola sa loob? Pwede ko ba siya istorbohin?"

"Silver." Nagtaas ako ng dalawang kamay at tumayo na. Sabi ko nga hindi ako mang iistorbo hindi ba.

Umatras ako at aalis na sana pero natigil ako ng may mabangga.

"Pasensya— Nicola! Buti lumabas ka na." Nagtaas ito ng kilay sa akin. "Bakit ka kasi paharang harang? Nabangga tuloy kita."

"Is it my fault now? May pupuntahan tayo. Miss Rivas, cancel my appointment for this day. I have important to do. Let's go, Silver."

Natataranta kong inabot ang bag ko sa tabi at nagpaalam kay Miss Alaica.

Buti pa si Miss Alaica ay natatawag kong Miss samantalang si Nicola ay hindi. Hindi nararapat no.

"Nicola? Pwede ko bang ibalik 'yong cellphone na bigay mo?" Ngumiti ako ng matamis para pagbigyan niya ako. Pumasok kaming dalawa sa walang laman na elevator.

Inabot niya sa akin ang hawak na bag. Sabi na e, alalay ako dito.

"Why?"

"Kasi hindi ko naman hiningi e. Nakakahiya rin na tumanggap ng isang bagay na hindi ko man lang pinaghirapan." Pagsasabi ko ng totoo. Hindi ako komportable na gumamit ng isang bagay na hindi akin.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now