Chapter Twenty One

4.6K 220 40
                                    

Silver


"Do you want to have sex with me?"

Sa salitang iyon mula sa kaniya ay hindi ko napigilan ang kamay kong dumapo sa pisngi niya.

Namumula ang pisngi ko alam ko 'yon, dahil na rin sa hiya, at kakaibang pakiramdam na dumaloy sa dugo ko. Nag iinit rin ito at halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Narinig ko ba talaga ang salitang iyon sa kaniya?

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at umatras. Nanginginig ang kamay kong sumampal sa mukha niya kaya nilagay ko pa ito sa likuran ko.

Mahapdi kaya!

Pumuputok ang kaloob-looban kong tumingin ulit sa kaniya at nakitang hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. Subalit nagkaroon ng kurba ang labi niya. Ngumiti siya at tumawa pa ng mahina na ikina-awang pa ng mga labi ko.

Hindi man lang ba siya magagalit sa pagsampal ko sa kaniya? Imposibleng hindi siya nasaktan doon.

"H-Hindi ako sumama rito para sa s-sex na sinasabi mo, Nicola." Kinakabahan at halos pumiyok pa ako ng sabihin ko iyon.

"Why? Are you a virgin?" Napakagat ako sa sariling labi at muling napaatras. Mas lalong naging maloko ang ngisi niya sa akin. Parang trip na trip niya ako. Nagsimula pa itong maglakad para lapitan ako pero umatras lang muli ako.

"Nang aasar ka ba?"

"I am just asking if you want. You like me, right?" Napailing ako sa kaniya. "I won't get your virginity, Silver. I don't have the dick to tear your inside."

"B-Bastos!"

Napakagat labi ako. Para kasing mas naging bastos ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Oh? Am I? Don't you wanna try my tongue? It can move better than a dick." Parang nanindig ako sa sinabi niya.

Basta ang alam ko rin ay nag iinit ang mukha ko sa mga pinagsasabi niya. Malay ko bang may ikababastos pa ang bibig niya. Ang bilis na nga rin masyado ang tibok ng puso ko. Masyado itong nag re-react kaya nakakainis.

"Bahala ka! Aalis na ako!"

Tumalikod ako sa kaniya at balak ko ng umalis. Hindi ko na alam kung saan pa papunta ang usapan naming ito. Baka kung ano pang marating nito.

Tsaka hindi ko rin alam kung sasama ba ang loob ko sa kaniya o hindi.

Para na rin kasi akong na insulto. Gusto ko siya, oo. Pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko ng makipag-sex sa kaniya.

Tsaka hindi ako marunong no'n!

"I am talking to you, Silver." Natigil akong muli sa paglalakad. Hindi ako lumingon at nagdadamdam pa ang kalooban ko. Nagpunta lang naman siyang Canada pero ganito agad siya pagbalik niya. "Let's talk about something."

"Ano po 'yon?" Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Ayokong humarap.

"Face me and don't turn your back while I'm still talking to you."  Napabuntong hininga ako, parang pakiramdam ko ay dudugo pa ang ilong ko. Kanina pa kasi siya nag i-english e.

Dahil sa boss ko pa rin siya at nasa loob ako ng pamamahay niya ay humarap ako sa kaniya pero bago iyon ay may nakita akong isang hayop na nasa hagdan.

Para itong nagagalit na nakatingin sa akin. Kung mabilis na ang tibok ng puso ko ay parang naging triple ang bilis niya. Hindi magkanda-ugaga akong nagmadaling tumakbo palapit kay Nicola at nagtago sa likuran niya.

"Nicola!"

"What are you? A crybaby?" Napahigpit ang kapit ko sa damit nito.

"H'wag mo na akong asarin! Tignan mo naman kasi iyong nasa hagdan! Nakakatakot siya..." Bulong na pasigaw kong sagot sa kaniya at muling napatingin sa nag iisang hayop sa hagdan na kulay brown na parang tiger? Leopard? Hala!

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now