Kabanata 20

291 17 3
                                    

Kabanata 20 : ' Not on the plan'

Maximilliana P.O.V

Bakit kung kailan alam ko na kung paano siya kalimutan? Saka naman siya magpaparamdam ulit ng katiting na pag-asa. Hindi pa ba sapat ang salitang mga binitiwan ko noon sa kanya para patibokin niya nanaman ang puso ko! Potongyna, nanahimik ako, e. Nanahimik na ako, e.

Ako na. quiet.

"Anong lasa?" tanong ko sa kasama ko ngayon. Pagkatapos kong sundin ang sinabi niya kanina, mabilis akong umorder ng isa pa, at tsaka ko hinatid sa kanya agad. Iyong iba, pinasunod ko na lang.

Masyadong marami pala iyon, kaya pinadeliver ko na lang. At least, di ba? Hindi na ako mahirapan.

"Masarap?" tanong ko ulit.

"Mas masarap ako!" giit niya na ikinagulat ko! Sabing nanahimik na ang puso ko, e!

Gulat padin akong nakatingin sa kanya, kaya naman mukha siyang natauhan sa sinabi niya.

"Este, mas masarap iyong binili ko!" bawi niya! Naiilang man, pagak akong tumawa, ganun din siya.

Ayaw ko ng ganito! May ilangan, at hindi na talaga kami katulad ng dati! Hindi na kami kagaya ng dati.

"Tama pa ba ito? Sa tingin mo? Kung hindi ako umamin, hindi sana tayo ganito, ano? Parang mas gusto ko pang, nasa malayo kaysa iyong nandito ako sa tabi mo, pero para naman tayong bagong magkakilala. Iyong sinabi ko last time, hindi naman porket ganun, kailangan, talagang balik tayo sa simula? Hindi ba? Pwede namang putulin iyong part na, mahal kita? Tas, dagdagan na lang?" natahimik siya ulit. At taka akong tinignan? Wala namang masama sa sinabi ko. At saka tama naman, hindi porket new beginnings, talagang literal na bagong simula?

"Napag-usapan na natin ito di ba? Dapat mo na iyong intindihin, Lianna. Hindi ikaw ang gusto ko, at hindi din kita kayang mahalin? Magkaibigan tayo di ba? At kapatid lang talaga turing ko sayo?" mahinahon iyon, at parang taong nagpapaliwanag ng pilit. Ganun na ba ako paulit-uli? Kaya ba paulit-ulit ko ding naririnig na hindi talaga pwede, kasi hindi niya din ako gusto.

"Ano bang problema kasi at hindi pwede?" I want to know the real reason, behind this rejection. Hindi ko kasi matanggap na kapatid lang ang turing niya sa akin! "Hindi ako naniniwalang kapatid ang turing mo sa akin! Kasalanan mo naman kasi ito! Kung hindi ka nagbibigay ng motibo, hindi naman ako mahuhulog! And worst hindi na ako maka ahon pa, galing sa pagkakahulog na iyon?" dagdag ko!

"Just answer my question! Paki sagot lang, pagkatapos non titigil na talaga ako!" hindi ito paki-usap, kundi isang hiling. Kasi, pagkatapos ko itong makuha, alam kong may bahagi sa puso kong maayos ng bahadya.

"She's preg-" "I'm pregnant Lianna. And he's the father!" it was not him. Hindi siya ang sumagot, kundi ang babaeng ito, na nasa likod lang namin.

Kikialam ka gurl?

"Kaya pala hindi mo ako binilhan ng gusto ko, kasi ito pala gagawin mo? Ang ano? Ang humarot sa tatay ng anak ko?" hindi pa naman masyadong halata ang tsan niya. At saka, hindi naman iyon ang gagawin ko. Eksakto lang talaga na, nagtext siya at nag pabili?

"Bakit hindi mo iyan sabihin sa sarili mo? Tutal doon ka naman magaling? Hindi ba? Hindi ka sure kong siya ang tatay ng nasa sinapupunan mo? Hindi mo pa nga sure, kung lalabas iyan ng buo?" matapang kung sagot sa kanya. Tinaas ko ang kilay ko, at saka siya inirapan. Hindi naman porket alam kong buntis siya, sapat na reason iyon para ganyang-ganyanin niya ako..

Gulat naman akong napatingin sa gawi ni Xander, ng tumayo siya. Tumingin siya sa akin ng masama, at hindi ko alam kong galit ba siya o dahil masama sa pandinig niya ang sinabi ko!

"Wag kayong magsimula ng away dito, please lang! Halika na Iris, umalis na lang tayo. And you. Lianna. Hindi ko inaasahan na ganyan ka mag-isip!" matigas niyang sambit. Hindi naman ako sumagot, at hinayaan siyang sabihin kung ano mang gusto niya.

"Hindi mo din naman inaasahan na magkakagusto ako sayo di ba? So, bakit parang gulat ka pa, kung ganito ako mag-isip? Kagaya nang sabi ko kanina, mas maganda pa kung nasa malayo ka, pero malaya kitang mahalin, kaysa naman ang malapit ako pero hindi naman pwede!" sabi ko, at maglalakad na sana mismo sa harap nila. Gustong-gusto kong gawin iyon!

"Totoo nga!" sumabat sa usapan ang babaeng ito, at hindi ko alam kung saan siya tumama, dahil sa mukha niyang akala mo'y may nahulaan na bagay, pero ngayon niya lang napatunayan na totoo. "Nahulog ka nga sa kaibigan mo? Pero, hindi ka sinalo? Sa tingin mo, kapag ginawa mo iyan, bigla na lang magbago ang nararamdaman niya, at ikaw na ang mahalin niya? Sa tingin mo ganun lang kadali iyon? Magkakaanak na kami, at siya ang ama! Wala ka ng magagawa pa, tungkol doon." It was not a threat for her, but a reality for me, that needed to be accepted. Hindi naman ako bobo, pero di ba nga?

"Sampu na nga iyong anak, naghihiwalay pa? Eh, ikaw pa kayang nasa loob palang ng tsan iyong anak di ba?" ngumisi ako pagkatapos at matapang silang tinignan. "Kung ayaw mo sa akin, edi don't? Pero, sa oras na makalimot ako! Potangina, tatawanan ko na lang ang alaalang ito!" it was a joke by the way. Hindi iyon statement, na gagawin ko talaga. He's still a part of my life. Hindi iyong magbabago. Pero, sa ngayon, hindi ko pwedeng ibaba nanaman ang sarili ko para sa kanya.

"Siguro nga tama ka, mas mabuti siguro kong dumistansiya ka muna." sabi ko, at tuluya ng umalis.

Palakad lakad ako, hanggang sa napadpad ako sa isang swing. Sa tabi ng isang puno. Mabuti na lamang may ganito ang school. Minsan narin akong napadpad dito, at minsan naring nasaksihan ng punong ito, ang lahat ng drama ko sa buhay.

This is the first time in my life, na ang nagcomfort sa akin ay ang sariwang hangin at ang punong ito. I was crying in pain again, I'm sorry.

"Alam mong masama sa isang tao ang umiiyak di ba? But crying is to express vain regrets for what cannot be recovered or undone hindi ba? So ano ang regrets na iyon?" it was the boy again. Iyong lalaki sa pinagbilhan ko ng milk tea

"Ilang ulit na kitang nakikita at nakakausap, pero hindi ko pa alam ang pangalan mo!" sagot ko sa kanya, habang palihim na pinupunasan ang luha ko.

"I'm sorry for not letting you know my name first? Okay, let me introduce myself then? I'm R-Jay Balencia, short for. Ryle Jay Balencia. Nice meeting you?" sabay turo sa akin.

"Oh, Maximilliana Alegre, but you can call me Lianna." sabi ko, habang inaabot ang kamay ko upang makipag-kamay.

"Iyong kamukha mo-este iyong kasama ko kasi, nahiyang nagdeliver sayo, kaya naman ako na lang ang gumawa." nahihiya niyang saad. At agad ko namang hinanap ang tinutukoy niya.

Hawak hawak niya ito. Agad naman niyang inabot sa akin, nang mapansin niya sigurong nakatitig ako roon.

"Next time, doon ako ulit uorder." nakangiting pahayag ko. Ngumiti naman siya, at binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

"Gusto mo lang akong makita, e."

"Hindi kaya, asa ka naman. Iyong milk tea ang gusto ko, hindi ikaw."

"Hindi ko naman sinabing ako ang gusto mo, isa pa may gusto akong iba." ang when he said "May gusto akong iba" you can see it, through his eyes. He's not lying.

Sanaol.

To be Continue

I Fell Inlove With my Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon