LSGP 11:WAR

12 5 0
                                    

KYZHIA JADE'S POV

Kanina pa akong paikot ikot dito sa higaan ko,hindi ako makatulog,parang may sariling utak ang kamay ko at bigla na lamang akong napahawak sa pisnge ko,ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit nyang kamay sa pisnge ko,habang hawak nya ang pisnge ko kanina ay ramdam ko ang pagdaloy nang kung anong kuryente sa buong katawan ko,---agad din akong napabitaw sa pisnge ko at napatalukbong nang kumot nang maramdamang biglang uminit ang buong mukha ko,hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nang ganito,nababaliw na ako.

Napagdesisyunan ko na bumangon at pumunta sa kusina at magtimpla nang gatas,sa tuwing hindi ako makatulog ay iinom lang ako nang gatas at pagkatapos nun ay makakaramdam na ako nang antok,parang yun na yung ginagawa kong sleeping pills.

Nang makababa na ako ay dumiretso na ako sa kusina pagkatapos ay nagtimpla na ako,tumunganga lang ako nang ilang minuto sa kusina at nang maubos ko na ang aking gatas ay bumalik na ako sa aking kwarto.

Nang makarating ako sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa aking kama at ilang minuto pa ay nakaramdam na ako nang antok.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising,kahit na inaantok pa ay dumiretso na ako sa banyo at nagsimula nang maligo,may pasok pa ako mamaya sa opisina,as long as I want to stay here I can't may mga taong ayaw kong makita dito sa pamamahay na ito,matapos ang aking morning routine ay dumiretso na ako sa baba,

Nasa may pintuan pa lang ako nang dining hall ay dinig ko na ang matinis na boses ni Dianne na nagk-kwento nang kung ano ano,kesyo may bago daw syang iindorse na damit etc, etc
masyado syang pabida.

As usual nakita ko sila Lola na walang emosyon na nakikinig sa mga kwento nang bida-bidang babae na yun,napabaling ang atensyon sa akin ni Lolo't Lola nang makapasok ako sa kusina,ngumiti nang matamis sa akin si Lolo,lumapit ako dito at humalik sa kanyang pisnge ganun din kay Lola

"Good morning apo,I thought mamaya pa ang gising mo,bakit ang aga mo ata nagising?"tanong ni Lolo sa akin nang makaupo ako sa bangko.

"Uuwi na po ako mamaya Lolo,I still have a lot of works to do"tipid na saad ko dito at ngumiti sa kanya

"Aww sweetie,I will miss you my baby"saad ni Lola sa akin,at inabot ang kamay ko,magsasalita na sana ako nang biglang umimik si Dianne

"Don't worry Lola,I'm still here pa naman,we will going to mall"maarteng saad nito,pagkatapos ay bumaling ang kanyang tingin sa akin at palihim akong inirapan

Nandito silang lahat sa hapagkainan kaya hindi ako makakain nang maayos,pinipilit ko na lang na huwag ibaling ang tingin sa kanila.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam kina Lola Criselda,sila Sir Sthepano naman ay nakita ko na nasa labas na at nakikipag-usap kina Rachel at nagpapa-alam na rin kina Lolo at Lola,nang papalabas na ako sa bahay ay may humarang sa dinaraanan ko,

"Hey Kyzhia can we talk?"tanong nang Tatay ni Dianne,ngunit hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya.

"I'm sorry,Father I still have a lot of an errands to do,so if you don't mind,can I excuse my self now?"tanong ko dito,kaya't napabuntong hininga na lamang ito at tumango tango na lamang.

Akala ko ay tuluyan na akong makakalabas ngunit nagkamali ako,meron na namang isang impakta ang humarang sa dinaraanan ko,at nakaka-badtrip ang pagmumukha nya.

"Hi my dear sister,you know what it's really a good idea for you to leave at this house,because you  know what, your not bagay here,kasi your just nothing but a sampid"maarteng saad nito,at dinuro-duro pa ako,hindi ko alam kong naiinis ba ako o matatawa dahil sa ponagsasabi nya,ngunit pinanatili ko lamang ang seryosong mukha ko.

LUCIAN'S GREATEST POSSESSIONWhere stories live. Discover now