LSGP 12:WELL TONED ABS

11 6 0
                                    

KYZHIA JADE'S POV

Ilang sandali pa ay nakita kong tumigil kami sa isang Japanese restaurant,kaya't kuminang ang aking mga mata,this is my favorite restaurant kaya't ganun na lamang ang tuwa ko nang makitang dito kami kakain,baba na sana ako nang makitang nakabukas na ang pinto at nakalahad na ang kamay ni Lucian sa harapan ko.

Nagaalangan man ay tinanggap ko na rin ito at lumabas na sa sasakyan,nang makalabas ay agad ko rin tinanggal ang pagkakahawak nito sa akin ngunit hindi ako tuluyang nakabitaw nang hawakan nya ito nang mahigpit,tiningnan ko sya nang masama ngunit nakita ko na naka tingin lamang sya nang seryoso sa unahan,tinangka ko muling bumitaw ngunit lalo nya pa itong hinigpitan,kaya't napabuntong-hininga na lamang ako at hinayaan na lamang siya,

Nang makapasok kami sa loob nang restaurant ay sya na mismo ang umorder,hindi manlang ako tinanong,ngunit hindi na lamang iyon pinansin pa,maya maya pa ay dumating na rin ang mga pagkain.

"Let's eat,you don't have to worry about your work,that can wait"napataas ako nang tingin kay Lucian nang magsalita ito,tumango na lang ako at nagsimula nang kumain

"And by the way,how many times do I have to tell you that,you can call me by my name when it's just the two of us"dagdag nito,kaya napatikhim na lamang ako dito.

"Sorry Sir Sthe--i mean Lucian hindi lang kasi ako kumportable mas nasanay ako na tawagin kang Sir"

"Then from now be used to it,I mean call me Lucian or Sthepano,kung saan ka kumportable just don't call me Sir"sabi nito kaya napatango na lamang ako at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Matapos namin kumain ay tumayo na kami,nang balak na namin lumabas ay biglang bumuhos ang ulan,wala naman ibinalita sa weather forecast kagabi kaya nagtataka ako na bigla na lang bumuhos ang ganito kalakas na ulan,

"Damn,why so sudden,I didn't hear any news about this"sabi ni Lucian nang makitang sobrang lakas nang ulan

"Even me,I didn't know that this will come,what should we do"nababahalang saad ko dahil wala akong dalang payong,hindi ko inexpect na uulan ngayon dahil maaliwalas ang panahon kanina,tapos bigla bigla na lang uulan nang malakas,and besides walang ibinalita kagabi na uulan,

Sa gilid ko ay nakita ko si Lucian na naghuhubad nang suit nya,nagtaka naman ako sa ginawa nito,malamig ang panahon pero hinubad nya ang suit nya anong trip nito,ngunit agad ding nasagot ang tanong ko nang inilagay nya ito sa ulohan ko at sumilong din sya,bigla na naman bumilis ang tibok nang puso ko nang maglapat na naman ang balat namin

"Sir--i mean Lucian what are you doing"nagtatakang tanong ko dito,ngunit agad ding pinagsisihan na nagsalita pa ako dahil obvious naman kung anong ginagawa nya

"Isn't obvious?"maiksing tanong nito ngunit hindi naka takas sa akin ang pag-angat nang gilid nang labi nito,kaya't napa-iwas na lamang ako nang tingin dahil sobrang t*nga nang tanong ko

"Come closer to me so we can quickly run,and you might catch a cold"dagdag nito kaya't wala akong nagawa kundi lumapit sa kanya,matapos makalapit sa kanya ay sumugod kami sa ulan hanggang makarating kami sa sasakyan namin,

Hingal na hingal kami nang makarating sa sasakyan,sa sobrang lakas nang ulan ay wala ding silbi ang ginawa naming pandong kaya't basa basa pa rin kami,nang makasilong kami sa loob nang sasakyan ay nagkatinginan kami ni Lucian at maya maya pa ay parehas kaming napahagalpak nang tawa nang mapagtanto ang ginawa namin

"Damn the rain was so strong,our cover is still no use because of that strong rain"matatawang saad nito kaya't napatawa na rin ako,napahimas ako sa aking braso nang makaramdam nang panlalamig,napatigil sa pagtawa si Lucian nang mapansin na nanginginig ako sa lamig,medyo nanghinayang pa ako nang makitang sumeryoso na naman ang mukha nito,gusto ko pang makita ang ngiti nito na ngayon nya lamang pinakita,

Agad din naman akong napatampal sa sariling noo nang mapagtanto ang mga pinagiisip ko,napabaling ang tingin ko kay Lucian nang makitang may kinuha sya sa ilalim sa kanyang kinauupuan at pagkakuha nito ay lumapit sya sa akin kaya't napalayo ako dito,ngunit agad ding napatigil nang maramdaman na naman ang kakaibang kuryente at init na nagmumula sa kamay nito,hinila nya ako papalapit sa kanya nang mahawakan nya ang wrist ko

"Stay still,I won't bite you,just wear this jacket"napa-iwas ako nang tingin nang mas lumapit pa ang mukha nito sa akin,balak ko sanang kuhanin sa kanya ang jacket upang ako na ang magsuot sa sarili ko ngunit agad nya rin itong ini-iwas sa akin kaya't wala along nagawa kundi ang hayaan na lamang sya

Nang maisuot na nya sa akin ang jacket ay lumayo na sya akala ko ay papaandarin na nya ang sasakyan pero nagkamali ako,napaiwas ako nang tingin nang makitang naghubad ito nang damit,ramdam na ramdam ko ang init na dumaloy sa mukha ko,at alam kong sobrang pula ko na ngayon,hindi manlang sya nagsabi na naghuhubad pala sya,damn

Maya maya pa ay nagsalita ito,kaya't napalingon ako sa kanya,at nakita ko na nakasuot say ng fitted sando,balat na bakat ang muscles nya at dahil hapit sa katawan nya ang sando na suot nya ay kitang kita kung gaano kaganda ang hubog nang katawan nya,bakit ganun almost perfect na sya

Nabalik ako sa reyalidad nang may narinig ako na pagtikhim at ganun ba lang ang gulat ko nang makitang nakatingin si Lucian sa akin habang nakangisi kaya't napa-iwas ako nang tingin dito

"You know,it's fine with me if you want to touch my well tones abs,I won't mind babe"nakangising saad nito,at ang lakas nang loob nang loko na mang asar,hindi porket maganda ang pangangatawan nya ay pwede na sya umasta nang ganun,tumingin ako sa kanya nang may naiinis na mukha at saka sya inirapan

"Hoy for your information,hindi ako tumititig sayo,may bigla lang akong naisip kaya napatulala ako,don't be too assuming hmp"naiinis na saad ko dito,lalo akong nainis nang bigla itong humagalpak nang yawa

"I didn't say that you were staring at me,I just said that I won't mind if you touch my abs"natatawang saad nito,kaya't lalo akong namula dahil sa magkahalong hiya at inis,pero ayaw ko magpatalo sa lalaking to

"Excuse me ganun na din yun,nung nakita mo na natulala ako sa harap mo ay nag assume ka na gusto kong hawakan ang abs mo"singhal ko dito kaya't lalo lamang itong napatawa at naiiling pa

"Okay,okay if you said so,may magagawa ba ako?"tanong nito pagkatapos at nagsimula na syang muli paandarin ang sasakyan.

'Wala' saad ko sa isip ko,tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa sobra sobra na ang kahihiyan na nagawa ko,hindi ko na kinakaya,naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit ko na iwasan sya ay hindi ko magawa,sa tuwing lalapit sya hindi ko mapigilan ang pagbilis nang tibok nang puso ko,sa tuwing magsasalita sya hindi ko mapigilan na mas lalong mapalapit at mas mahulog sa kanya,masyado nang malalim ang pagkakahulog ko at hindi na ako maka-ahon pa.



.....................................

A/N

LUGAW ANG UTAK KO HAHAHAHAHA CHARIZZZ.....

lovelotss:*

LUCIAN'S GREATEST POSSESSIONWhere stories live. Discover now