LSGP 23:HARD TIMES

16 5 0
                                    

KYZHIA JADE'S POV

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina,nanghihina ako sa tuwing magkalapit kami ni Lucian at hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpaaanod sa nararamdaman ko,mababalik lang ako sa reyalidad sa tuwing maaalala ko si Aurea kahit na hindi ko gusto ang ugali nya ay nakokonsensya pa rin ako sa tuwing makikita ko si Lucian at parang inaangkin ko na sya sa aking isipan.

Napabaling ang tingin ko kay Sebastian na ngayon ay nasa harapan ko at naroon ang pag aalala sa mukha nito,hindi ko alam kung bakit nandito sya pero nagpapasalamat pa rin ako na dumating sya dahil baka tuluyan na akong magpalamon sa bugso nang damdamin ko.

"Hey what's wrong,look at me did he do something to you,sinaktan ka ba nya tell me"nag aalalang saad ni Sebastian,hindi ko alam kung anong ginawa ko at ganito kabait sa akin si Sebastian

"No I'm okay,ahm ano mayroon lang konting hindi pagkakaunawaan pero okay naman na"pinahid ko ang luha sa aking mukha at ngumiti dito,sana hindi nya mahalatang peke iyon

"Okay if you said so"tila hindi pa kumbinsido si Sebastian dahil sa naging palusot ko ngunit hindi na ito nagpumilit pa na alamin ang nangyari,bumaling sya nang tingin kay Lucian atsaka nagsalita.

"Pasalamat ka at pinagtatakpan ka ni Zhia at naririto sya kung hindi kanina na may tumamang kamao sa mukha mo"malamig na saad ni Seb ngunit hindi nagpatinag si Lucian at hindi manlang nagbago ang seryosong mukha nito.

"I'll be leaving her to you for now,but I'm gonna stole her away from you and you can't stop me"napabaling ang tingin ko kay Lucian at napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya.

"Okay let's see about that"nakangising saad ni Seb,hindi ko talaga maintindihan ang pinaguusapan nila,ilang minuto pa silang nagtagisan nang tingin at nang bumitaw na silang pareho ay bumaling muna saglit ang tingin sa akin ni Lucian bago sya tuluyang umalis.

"Let's get inside,magpahinga ka na alam kung pagod ka na"napatingin ako kay Seb at tipid na ngumiti dito at tumango na lamang dito.

Nang makapasok kami sa loob nang bahay ay inalalayan nya akong makarating sa taas at pumasok na kami sa kwarto,pinahiga ako nito at kinumutan

"Take a rest baby Zhia,namumutla ka na at namamayat dahil lagi mong pinapanood ang sarili mo"panenermon nito kaya't napairap ako sa kanya,napahawak naman ako sa noo ko nang pitikin nya iyon,tiningnan ko sya ng masama ngunit ganun din ito sa akin.

"Wag mo akong mataray tarayan diyan,sya ba yung sinasabi mong amo mo na kinahuhumalingan mo"may halong pang aasar na saad nito,bigla naman akong napaismid dito

Kanina lamang ay halos masunog na si Lucian dahil sa sama nang tingin nya dito pero ngayon ay heto sya at inaasar ako at para bang hindi nya pinagbantaan si Lucian kanina

Tumango na lamang ako dito at umiwas nang tingin,ayaw ko sana sabihin dito at nagdadalawang isip pa ako kanina pero ko naman na hindi ako titigilan ng lalaking ito hanggat hindi ko nasasagot ang tanong nya,nakita ko na napangisi si Seb kaya't kinuha ko ang unan ko sa tabi ko at hinampas sya,sheet kasi ang creepy nya ngumiti parang may binabalak syang kaabbormalan

"Okay,parang mali naman ang naikwento mo sa akin kanina eii,yung mga ganung tinginan nya at kung pagbantaan ako'y wagas yun ba ang walang may gusto"napakamot pa ito sa likod nang ulo nya,hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito sa huli dahil pahina nang pahina ang boses nito.

"Huh? Wala akong maintindihan para ka kamong tanga jan"naiinis na sabi ko dito at binalibang sya nang unan,nakailag naman ito at tinawanan ako,wala namang nakakatawa pero tumatawa sya tanga talaga.

"Wala sabi ko ano nang gagawin mo bukas,papasok ka pa ba sa trabaho mo?"natigilan ako sa tanong nito at hindi agad naka imik,napabuntong hininga ako bago sinagot ang tanong nya

"Siguro magreresign na lang muna ako,magpapahinga muna ako nang dalawang linggo sa pagtatrabaho pagkatapos tatanggapin ko na yung alok ni Lolo Aries"nakayukong sabi ko dito at pabagsak na humiga sa kama ko

"Kung yan ang desisyon mo ikaw bahala,naisip ko pa naman na pagtripan yung amo mo" pumikit naman na ako at nagtakip nang unan sa mukha ko,kanina pa bulong ng bulong itong lalaking ito,at naiinis na ako.

"Huh?"nagtatakang tanong ko dito at inalis ang pagkakatabon ng unan sa mukha ko

"Wala ang sabi ko matulog ka na,aalis na ako,may gagawin pa ako"maang maangan pa ang tuko na to.

"Geh na lumayas kana,napipikon lang ako makipag usap sayo,kanina ka pang bulong nang bulong"naiinis na sabi ko dito at binato syang muli nang unan, natatawang pinisil ni Sebastian ang pisnge ko bago tuluyang lumabas

Napabuntong hininga ako at napatulala sa kisame nang tuluyan ng nakaalis si Seb,namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng aking kwarto at tanging tunog lang nang hangin na lumalabas sa aircon ang naririnig ko

Sa hindi malamang dahilan ay napahawak ako sa aking labi at kusa na lamang na gumuhit ang ngiti ang sa aking bibig,ramdam ko pa rin ang labi ni Lucian na dumampi sa aking labi,ang mabangong hininga nito at ang mainit ba kamay nito na kanina lamang ay humagagod sa braso ko pababa sa baywang,inaamin ko nagustuhan ko ang mainit na halik na aming pinagsaluhan ngunit mali pa rin ito may girlfriend sya kaya't maling mali ang ginawa namin kanina

Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses kong ipagtabuyan at iwasan ang sya ay hindi ko magawa dahil sa tuwing lalapit at dumadampi ang mga kamay nya sa akin ay nanghihina ako at parang tuluyan na akong napapailalim sa tila ba isang malakas na mahika at tuluyan na akong nahihipnotismo

Isang dampi pa lamang ng mga daliri nya sa balat ko ay hindi na ako mapakali,kahit na ang kuryenteng patuloy kong nararamdaman sa tuwing nagkakadikit kami ay nagbibigay nang kakaibang pakiramdam sa akin.

Napatampal ako sa sariling noo at napasabunot sa aking buhok,nababaliw na ako at kasalanan itong lahat ni Lucian,nagpagulong ako sa kama at inalis sa utak ko si Sthepano, pumikit ako nang mariin at pinilit ang sarili ko na makatulog

Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako nang pagbigat nang talukap nang mga mata ko,kaya't tuluyan na akong nagpalamon sa dilim.








..................................................

A/N

TODAY IS FRIDAY SHARE KO LANG CHARIZZZZ HAHAHAHAHAHAHHA
...........

LUCIAN'S GREATEST POSSESSIONWhere stories live. Discover now