Chapter 45: Power And Nightmare

224 18 7
                                    

[Skylar]

Isang linggo nang nakalipas nung nalinis na namin ang pangalan ko at sa wakas nagkita na ulit ng mga anak ko. Pag uwi namin ni Sandro noon dumeretso agad kami ng ospital buti na lang walang serious problem binigyan lang ako ng pain reliever kapag sumakit.

"Bes anong plano mo sa birthday ni Alesso at Allyz?" tanong ni Frida.

"Wala pa kaming napag usapan ni Sandro jan pero magpaparty kami para sa kanila kahit tayo tayo lang." sagot ko.

"Nako bes for sure di papayag si Mama Meldy niyan gusto niya ng bongga." usal ni Frida.

"Maiba nga tayo, di ba 1 week na nagti-training si Sandro ngayon tapos sabi sumali din daw sina Simon at Vinny. Pano mo napapayag yang asawa mo Frida? ." tanong ko sa kanya. Patawa tawa pa ang bruha..

"Eh kase.. Kasee.. Nakakahiya.." usal niya. Kahit di pa niya sabihin alam ko na.. Napakaharot talaga.

"Wag mo nang sabihin bes alam ko yan... Harot niyong dalawa sobra.. Di na ako magtataka na masusundan agad si Zeke sa kaharutan niyo." sabi ko sa kanya.

.
.
.

Naisipan kong puntahan sila Sandro sa training field ng squad.. Sumama rin tong si Frida para suportahan niya asawa niya tsss..

Pagdating namin nakita ko na swords ang training nila.. Nakita ako ni Naoki kaya inihagis niya sa akin ang espada na hawak niya.

Tumakbo ako ng mabilis at si Vinny ang kinaharap ko.

"Ate Sky!"

"Focus Vinny kalaban mo ako ngayon." usal ko sa kanya. Kaya kami ang naglaban si Simon si Mayu ang kalaban at kay Sandro naman ay si Yzza.

Nagchange position na naman ako na naman ang kalaban ni Simon.

"Simon yan lang ba lakas mo?! Ilabas mo yan.. Wag kang matakot sa akin. Kalaban mo ako." sabi ko at tumango siya.

After 5 minutes.. Change position na naman so ngayon si Sandro na ang kalaban ko.. He is literally shocked.. OA mo Sandro.

"Umayos ka Sandro.. Kalaban mo ako di moko asawa.. Labanan mo ako." instruct ko sa kanya.

"Di ko kaya.." sagot niya.

"Baliw! pag sinabi kong labanan mo ako laban an mo!!! Isipin mo na ako si Emily nako sinasabi ko sayo Sandro." singhal ko sa kanya.

"Oo na lalaban na..I hate you Emily!!!!" sigaw niya at talaga naman yung galit niya randam ko super.

In fairness sa one week ang laki ng improvement ng skills niya sa swords. Pinagpapawisan ako ha.. This is what I like! Challenge!

Pumito na si Naoki it means it's over na pero nakatututok pa rin Espada ni Sandro sa akin.

"Sandro it's me your wife na di na ako si Emily.." sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin na galit..

"Kuya Sands it's over na and that's your wife Ate Sky." singit ni Vinny.

Di parin siya bumitaw.. Ayy aba aba sinasagad mo pasensya ko Sandro sinusubukan yata ako ng lalaking to eh.

Kaya I hold his hand holding a sword and while holding it I fastly turned myself para sa kanya na nakatutok ang sword.

Siyempre nagulat siya kasi nasa kanya na nakapatong ang sword.

"Oh ano na Sandro Marcos?? Ako pa ba si Emily sa mga mata mo?!" inis na tanong ko sa kanya.

"You are my wife Sky.." sagot niya buti naman natuhan na siya..

A Romance Of The White Orchid And The Tigress: Book 2Where stories live. Discover now