Chapter 48: Sandro Vs. Skylar

255 16 2
                                    


[Skylar]

"Oh ano ka ngayon Sandro pasugod sugod ka sa taong mas malaki at matangkad sayo! Naghamonan pa kayo ng suntukan akala mo naman talaga kaya." inis na usal ko sa kanya habang ginagamot yung sugat niya at pasa niya sa mata.

"A-ARRRAY! naman Sky be gentle naman masakit.. Para naman tong lalaki ang bigat ng kamay mahal mo ba talaga ako?!" reklamo ni Sandro aba sumasagot na! Eh siya tong naghamon ng suntukan.. Tssss..

"Kung hindi kita mahal Sandro sana hinayaan kitang bugbugin ni Elio.. Hindi na sana ako nagpakasal sayo. Walang Axl walang Alesso at Allyz ngayon." sagot ko at inirapan ko siya.

Sina Mayu at Frida todo daldal sa kanilang asawa.

"Nako ikaw Simon nako talaga! Ginatungan niyo pa ang pagsusuntukan nila Sandro at Elio.. Look at yourself! Para kang punching bag ni Manny Pacquiao." usal ni Frida na sobrang lakas ng boses.. Naspeechless lang si Simon😂

"You Vincent how dare you to join Sandy and Elio's feud.. Now look at your cute face it's not cute anymore.. Next time don't let yourself hurt." sabi ni Mayu na napakagentle na medyo cringe siya for me..

"I envy you Vinny.. Kasi ang gentle ni Mayu di gaya sa isa jan nasaktan na nga ako dinagdagan pa.. Tsss.." sabi ni Sandro at napalingon ako ulit..

"Anong sabi mo?! Sandro.. Aba tayo na lang kaya magsuntukan.. Gusto mo? Nang dahil sa sipa mo tumama ako sa lamesa.. Hindi nga ako nagreklamo.. Tssssss.." inis na sabi ko sa kanya.. Kaya nilayasan ko siya sa kwarto..

Paglabas ko okay na sila sa labas na parang walang nangyari back to normal.. Buti na lang di masyadong natrauma ang mga bata.. Agad kong nilapitan si Naoki kung anong ginawa nila sa magkapatid na de Luca..

"Naoki kamusta? Saan niyo nilagay yung dalawa?" tanong ko.

"We sent them sa loob ng kagubatan dahil nainis kami sa pagmumukha nilang dalawa." sagot niya.

"Huy grabe kayo bat sa kagubatan lang.. Hahaha dapat sa kweba niyo nilagay joke.. Let's be ready sa resbak nila." tugon ko.

"Maiba nga tayo.. Kamusta na ba ang kompanya natin sa Japan? Napapayag mo na ba ang BOD that you will relocate the company?" tanong ko kasi namention sa akin ni Naoki ang plano niya

"Di ko pa napapayag Ate daming kontra sa plano ko.. What if ikaw ang kumausap sa kanila ikaw naman talaga ang may ari ng kumpanya natin." sagot niya.

"Susubukan ko Naoki kasi wala masyado akong knowledge but try kong mapapayag sila. Kasi mostly naman sa BOD ang liit ng shares nila.. Pwede nating ipull out kung ayaw nilang magtransfer." sagot ko sa kanya. Parehas lang kami ni Naoki na walang alam sa business pero bilib ako kasi napatakbo naman ng maayos ang company namin.

----

Nasa pool na kami ng kambal kasi I wanted them to enjoy the swimming pool. Pinabayaan ko na muna ang tatay nila kasi naiinis pa rin ako sa kanya.. Kasi naman sino bang hindi maiinis sa kanya kasi siya pa naghamon ng suntukan tsss...

"Mommy.. You're so ugly kasi nakasimangot ka did you and Daddy fight?" tanong ni Axl habang nilalaro ang kambal sa pool.

"Aray naman.. Ang sakit ng ugly anak.. No we didn't fight.. We just have a little misunderstanding." sagot ko.

Nag enjoy naman yung kambal sa pool kaso ayokong magtagal sila sa tubig.. Pina-ahon ko na sila kay Ate Mildred. Umiyak pa nga kasi gusto pa pero di pwede kasi baka sipunin eh.

I kept myself busy para makalimutan ko muna si Sandro for the meantime.. Tssss.. Ako na nagbihis sa kambal.. Ang likot likot na nila pero tawa ng tawa.. Cutiepie

A Romance Of The White Orchid And The Tigress: Book 2Where stories live. Discover now